Chapter 8:

1.3K 76 1
                                    

Chapter 8: Divorce

ALLISON 'POV

5am palang ng madaling araw ay naalimpungatan na ako, hindi ako makatulog dahil naiilang na ako sa pwesto namin. Magkatabi kaming natulog at nakayakap sya sakin! Kapag binabalak ko na tanggalin ang kamay nya ay mas lalo pa itong humihigpit.

Gusto ko syang sapakin ngayon, pero imbis na ganun ang gawin ko ay napatitig ako sa mukha nya. 9am pa ang oras ng pasok namin, wala pala akong uniform dahil hindi pa binibigay sakin. Ngayong araw palang ibibigay kaya magsusuot na muna ako ng jeans at mahabang t-shirt ulit.

Hindi na ako gumalaw dahil nakayakap parin sya sakin. "Shittt!!" Sabi ko sabay hawak sa puso ko. "Why i need to feel this? Why my heart is beating so fast?"

"Hindi ko kaya ang ganito." Bulong ko at dahan dahan na inalis ang kamay nya sa tiyan ko. Nang magtagumpay ako sa pag-alis ng kamay nya na nakayakap sa bewang ko ay mabilis akong tumayo.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n, aalis na sana ako para bumaba ay nahinto ako dahil may nakita akong plastic bag sa taas ng study table.

Dahan-dahan akong lumapit doon at tiningnan ang laman no'n, biglang naglaway ang bagang ki sa nakita ko. "Bakit kailangan na favorite ko pa?" Bulong ko habang kinukuha ang isang garapon ng stick-o. "Bahala na, di narin naman uso ang nagpapaalam ngayon."

Yun lang atsaka ko na binuksan ang garapon ng stick-o, dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto dahil bababa na ako para magluto ng almusal naming lahat.

Sucessful naman akong nakababa ng hindi nakakagawa ng ingay, pero dahil 5:10am palang ay naisipan ko na lumabas na muna para mag-jogging.

Pero iba ang bumungad sakin pagkalabas ko, si ate Lai yun at umiiyak. Nakatayo sya sa puno kung saan ako nakatambay kahapon, nag-iisip ng napakalalim.

Hindi ata nya napansin na palapit na ako sa kanya, ganun ba kalaki ang problema nya para hindi ako mapansin? Kung papatayin ko na ba sya, hindi nya rin malalaman?!

"A-ate L-lai... " tawag ko.

Dahan-dahan syang lumingon sakin, mabilis nyang pinunasan ang mga luha sa mata nya. Doon ko napagtanto na hindi lang pala malalim ang iniisip nya, umiiyak narin pala sya.

"Oh? Ba't ang aga mong nagising?"

"Magbabalak sana akong mag-jogging pero itatanong ko lang sana kung may problema kaba?" Mahinahon kong tanong.

Tumawa sya ng mahina at nagpilit ng ngiti ng humarap sya sakin. "Lahat naman ng tao nagkakaroon ng problema,Alli. Your just lucky now, because you didn't feel and you didn't experience my problem. Your very lucky to have an Hermes in your life."

Natigilan ako, ang lalim ng salita na yon, ang lalim ng mga kahulugan nya roon. "Pwede mo naman ishare yung problema mo sakin ate Lai, kahit naman kahapon lang kita nakasama at nakilala ay mapagkakatiwalaan naman ako."

Tiningnan nya muna ako matagal, wala ba syang tiwala sakin? Yumuko nalang ako dahil nahihiya ako.

"Sige," mabilis naman akong nag-angat ng tingin sa kanya. Isinenyas nya na maupo kami kaya naman sumunod ako. "What do you think is the best decision?" Panimula nya. "Ang palayain ang taong mahal mo na syang nagpapasaya at nagpapalakas sayo? O patuloy mo lang ikeep sayo kahit na alam mong sakal na sakal na sya sa relasyon na mayroon kayo?"

Yun ba? 'Yon ang problema nya? Shit! Bakit ba about sa love? Pero ako tong nagkulit sa kanya na sabihin kaya dapat ready akong mag-advice.

"Kung ako ang tatanungin mo ate Lai, mas pipiliin ko nalang na pakawalan sya kahit na sya ang dahilan ng pagkabuhay ko," sagot ko, nanliit ang mga mata nya sakin.

"Why? You didn't keep him?" Medyo napataas ang boses nya, nasa harap ko lang naman sya.

Umiling lang ako. "I will sactifice my own happiness, for him. In our life, we will be face the real world, real word that has a lot of problem, sacrifice, mistake,and etc. Hindi naman po kasi natin kailangan na maging selfish para sa sarili nating kasiyahan. Opo, pwede naman na maging selfish tayo kahit minsan sa buhay natin. Pero di puba? Parang hindi maman magaan sa pakiramdam na, ikaw masaya ka,pero ang taong naging dahilan ng pag-ngiti mo ay hindi maipinta ang mukha?" Mahabang salaysay ko.

Ngumiti sya saka hinawakan ang kamay ko, "Pero paano naman ako? Kung papakawalan ko sya ako naman ang malulungkot." Sabi nya.

Sino bang tinutukoy nya? Si kuya Shan ba? Maghihiwalay naba sila? "Si kuya Shan puba ang tinutukoy nyo?"

Nakita ko kung paano sya natigilan at halos mag-unahan nanaman ang mga luha nya sa pagtulo. "S-sorry po." Paghingi ko ng tawad.

"No, you're right." Sagot nya sakin pero hindi na sya humarap, bagkus ay tumingin ito sa langit. "Gusto ko syang ikeep, alam kong worth it naman, pero dahil sa advice mo, naisip ko na tama ka."

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Malapit na kaming mag-divorce, Alli." Napiyok pa ang boses nya, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Yayakapin ko ba sya o ano, hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi nalang ako nagsalita, hinagod ko lang ang likod nya. "He will be turning 21 on October, 20. At napag-usapan namin na sa oras na mag-21 na sya ay magdi-divorce na kami." Sandali syang natahimik at muling humagulgol. "Ang sakit. Sobrang sakit! Sana hindi nalang ako pumayag sa usapin na 'yon, sana mas pinatagal ko pa ang ang araw ng pagiging mag-asawa namin. Ang sakit na mawawala na sya sakin, na maaari na syang hawakan ng iba. Mahihirapan na akong maging possesive sa kanya,dahil wala na akong karapatan. Yun ang masakit!"

Malapit na silang maghiwalay? Bakit naman? Pwede naman nilang pag-usapan diba? Bakit kailangan na humantong pa sa ganito ang lahat? Bakit kailangan na umiyak at masaktan pa sila?

"Pwede nyo naman na pag-usapan diba ate?"

Tumango sya at humarap sakin, mugto na sobra ang mata nito. "Oo, pwedeng- pwede. Pero hindi kami pareho nang nararamdaman. May mahal syang iba habang kasal pa kami, habang ako na asawa nya umiiyak gabi-gabi at tinatanong ko sa sarili ko kung may pag-asa ba na magustuhan nya rin ako kahit na konti lang."

"Sana may pagkakataon na maramdaman ko ang pagmamahal nya."

Nextchapter...
.
.
.
.
.
.
A/N: Masyadong madamdamin ang chapter na'to bawi ako sa next chapter haha!! :) :)

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now