Chapter 16:

1K 63 1
                                    


Chapter 16: Callsign

ALLISON 'POV

Tanging ang pagbilis ng tibok ng puso ko ang tanging nararamdaman ko, yakap parin nya ako. Ang sarap sa pakiramdam, hindi nya ako lolokohin, at nangako sya.

Marahil ay dapat ay hindi ako magtiwala pero kusang puso ko ang nagtutulak sakin upang gawin ang bagay na ito. Binubulong nya na kailangan ay magtiwala ako.

Ako ang kusang umalis sa pagkakayakap naming dalawa, at humarap sa kanya habang nakangiti. "Sigurado ka wala kang ex?"

"Wala!" Mabilis nyang sagot.

"Are you sure?" Tanong ko ulit.

Bago sya sumagot ay pinaandar nya muna ang kotse, "Oo naman, mamatay man ako ngayon na."

Dahil sa inis ko ay pinalo ko sya sa balikat nya, "Ouch! Para saan naman yon?' Inis na sabi nya.

"Galit kana nyan? Ikaw naman kaya ang may kasalanan, anong mamatay kaman? Pag namatay ka paano ako? Sigurado hindi ko na ako masasayaw sa 18th birthday ko, syempre ibang lalaki na ang magsasayaw sakin, tapos hindi kana makakapag-propose sakin, sigurado iiyak ako tapos hindi na tayo ikakasal,hindi na tayo magkakaroon ng pamilya, wala na no'n. Kainis ka! Hindi ka naman pwedeng mamatay, pag namatay ka paano na ako?"

Nakita ko kung paano sya natigilan, bigla rin naman akong natigilan ng makita ko ang mga ngiti sa kanyang labi. Bigla kong pinroseso sa utak ko ang lahat ng sinabi ko,Shit! Ang tanga mo,Alli! Napakatanga! Nakakahiya ka!

"So, takot kang mamatay ako?"

"Ah?" Maang-maangan ko. "Ano bang sinabi ko?"

"Ngayon tinatanggi mo?"

"Ano ba kasing sinabi ko?"

Nakita ko ang pag-ngisi nya."Gusto mong sabihin ko? Uulitin ko talaga yon." Banta nya,

Ako naman ngayon ang ngumisi, the hell? Paano nyang sasabihin yon? Sa sobrang haba ng sinabi ko mame-memorize nya ba lahat yon? Lul sya! Hahahah.

"Paano naman? Memorize mo ba lahat?"

"Hindi."

"HAHAHAHAHAHHA!!!" Malakas na tawa ko. "Para kang tanga."

"Hindi ko memorize kasi ni-record ko,"

Umawang ang labi ko ng ilabas nito ang cellphone at may pinindot doon, "Listen,Love."

"Oo naman, mamatay man ako ngayon na."

"Galit kana nyan? Ikaw naman kaya ang may kasalanan, anong mamatay kaman? Pag namatay ka paano ako? Sigurado hindi ko na ako masasayaw sa 18th birthday ko, syempre ibang lalaki na ang magsasayaw sakin, tapos hindi kana makakapag-propose sakin, sigurado iiyak ako tapos hindi na tayo ikakasal,hindi na tayo magkakaroon ng pamilya, wala na no'n. Kainis ka! Hindi ka naman pwedeng mamatay, pag namatay ka paano na ako?"

Bigla akong natahimik. Sya naman ay ngumisi at humalakhak ng malakas na akala mo ay wala nang bukas.

"Ba't ka tumatawa?" Inis na singhal ko.

"Because your funny,Love."

Kumunot ang noo ko, kalaunan ay tumaas naman ang kilay ko. "Anong Love, ka dyan?"

"Our callsign is Love. Your my girlfriend,right?"

Tango-tango lang ang sagot ko, nakakainis talaga, ang daldal ko kahit na mala-boyish ako. Ganun din naman yung ibang babae,diba? Sadyang mas maingay lang sila at nabibigla lang ako,kaya naman minsan ay nadudulas ang bibig ko.

Kailangan na nga ng preno ng bibig ko, pero nadudulas lang namana ko kapag si Hermes ang kasama ko. Wala narin naman sigurong isyu doon dahil boyfriend ko na sya.

"Oo na, tara na. Lagi ka nalang nabibigla kapag ako ang kausap mo, punta nalang tayo kay ate Lai."

Tumango sya at ngumiti ng nakakasar. Tiningnan ko tuloy sya ng masama.

***

Pagkatapos ng mahabang biyahe na iyon ay nakarating din kami sa dapat naming puntahan. Buti nalang at mabilis magpa-andar si Hermes kundi talagang gabing-gabi na kami makakapunta.

Para kasi syang tanga na tumatawa, tapos biglang kukunot o kaya naman ay seseryoso ang mukha. Iniisip ko tuloy na nababaliw na sya, pero di naman sya pwedeng mabaliw 'no.

Pagkababa ko ng sasakyan ay nakita ko ang isang lumang bahay, mukhang sinaunang bahay pa ito. Mula sa dingding ng bahay ay mahahalata mo na mga lolo st lola ang nakatira dito. Para bang dito narin naglungga ang mga hapon na sumakop ng bansa natin.

Medyo malaki rin itong bahay, may kubo din na maliit na maaring silungan kung uulan man. Sino kayang nakatira rito? Kumpleto at napakalinis nito. May swimming pool pa, yayamanin ang nakatira.

"Hermes? Sinong nakatira rito?"

"Lola at Lolo ni Ate Lai, but of course, dahil matanda na sila at may iniinda naring sakit ay kinuha na sila ni God." Explain nya.

Tumango nalang ako bilang sagot. Iginaya nya ako papunta sa loob ng bahay, "Hindi kaya tayo nito makasuhan ng tresspassing?"

"Why? sino bang magpapakulong sayo? Si Ate Lai? She can't do that."

"Hindi naman kasi sa atin bahay 'to, bakit pumapasok nalang tayo agad-agad nang walang paalam?"

Imbis na sagutin nya ako ay hinila nalang nya ako papunta sa loob. Kapag kami ang kunasuhan sya talaga ang sisisihin ko. Teka? Ate Lai? Ibig sabihin nandito siya? Ito yung place na lagi nyang pinuluntahan sa tuwing malaungkot sya or broken,ganon?

Hanep, bongga. Mayaman nga talaga sila.

"At ano naman ang ginagawa mo dito, Hermes?" Nilingon ko ang nagsalita, si ate Lai iyon at nakasandal pa pader.

Mabilis kong tinaas ang kamay ko. "Gusto ka lang namin na kumustahin, alam mo bang alalang- alala na sayo si Kuya Shan?"

"He will never do that, Alli. Tyaka isa pa, yung taong yun? Mag-aalala sakin? Kahit ata lagnatin ako ay walang pakialam sakin yon."

"So, you'll stay here, for how many months again?" Sabat ni Hermes.

"December na, Hermes. Alam mo naman na ganitong months lagi umuuwi sina mom and dad. Ayaw ko silang makita or makasama man lang, so, i think... 2 months. February nalang ako papasok, dating gawi nalang." Sagot nya.

"Ano ako? Utusan? No way!" Sigaw nya, dahil sa gulat ko ay binatukan ko sya. Wala syang karapatan na manigaw ng babae, 'no.

"Hey,Love! Masakit!" Suway nya.

"Mas lalo kang masasaktan kapag hindi ka tumino, kainis kang lalaki ka!"

"Sya kasi, eh." Paninisi nya kay ate Lai at tinuro pa ito. Binatukan ko ulit sya.

"Shit!! Love,masakit, please, stop."

"Anak nang! Tigil!" Natigil kami sa sigawan ni Hermes. "Anong Love? Don't tell me, kayo na?"

"Kami na nga." Sabay namin sabi.

"Sana all" sabi nya at natahimik lang. "Basta, dating gawi, Hermes. Kapag hindi ka pumayag, sasapakin kita." Banta nya.

"Oo na. Sus, basta kapag weekends nalang. Isasama ko nalang si Allison."

"yeah, now, get out."

:)
A/N: Kagabi, sobrang dami kong natutunan about sa love. Grabe yung boybestfriend ko, sobrang lalim ng pagkakahulugan nya. Hindi lang basta itsura ang mayroon sya, pinapagana nya rin ang isip at puso nya. :( :( Shout out Lex!

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now