Chapter 24

832 55 0
                                    

Chapter 24: Reveal the truth

ALLISON 'POV

"What do you mean?" Seryosong saad ni Brixz.

Nakakaawa sya, wala man lang syang kaalam-alam na ang dapat na pinaghihigantihan nya dapat ay si Joan at hindi ang grupo nila Hermes.

"Ba't hindi mo sya tanungin?" Saad ko.

Mas lalo akong napangisi ng makita ko ang pagtataka sa kanilang lahat, napakunot ang noo ni Hermes na lumingon sa akin. Nginitian ko lang sya at sinenyasan sa aking bibig na 'trust me'. Nagkibit balikat lang sya at nginitian ako. Hindi ko kailangan ipahalata sa kanya ang sobrang galit ko.

Kahit na kampante akong hindi nya akong iiwan ay nababahala parin ako sa kalalabasan ng mangyayaring ito. It's time to reveal the truth. Humanda kana, Joan Pascio. Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo at ipapatikim ko ang galit ng isang Allison Alfaro.

"A-ano bang s-sinasabi mo?" utal na saad ni Joan.

"Bakit nauutal ka? Natatakot ka naba na malaman ni Brixz ang tunay na ugali mo? kasama si Cent na naging dahilan ng pagkamatay ng Kapatid na babae ni Brixz?"

Boom! I knew it! Walang alam si Brixz sa tunay na nangyari, kawawa naman sya. Wala syang alam sa mga kasamahan nya.

"Let's go, Brixz. Nanghuhula nalang ang babaeng yan." Bakas sa boses ni Cent na kabado sya.

"T-tama, S-Shan, let's go baby." Sabat ni Joan at tumayo na ito.

Pero silang dalawa lang ang gumalaw. Wala ni isa sa amin ang unalis sa kinatatayuan namin. Dahil hindi parin sila lahat na gumagalaw ay pinuntahan ko si Hermes na ngayon ay may pasa sa labi.

Namumula rin ang pisngi nito kaya naman mas naging desidido na akong sabihin ang lahat. Dahil sa una palang ay mali na ang lahat. Kung hindi sa kagagawan ni Cent at Joan ay buhay pa ang mga kapatid ni Brixz at Hermes ngayon.

"Planado ang lahat diba, Cent?" Mapang-asar kong saad habang hawak inaalalayan si Hermes upang hindi matumba.

"Brixz, let's go. Wala naman katuturan ang sasabihin ng babaeng yan." Pangungulit ni Cent.

"No!" Sigaw ni Brixz na umalingawngaw sa buong hallway. "Ano bang ibig mong sabihin? Bakit kailangan na magpatumpik-tumpik kapa?" Inis na saad nya.

"Bakit? Handa kana bang malaman ang lahat-lahat? Na ang itinuring mong kapatid ay sya rin ang naging dahilan ng pagkamatay ni Briella na kapatid mo?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba?!tumigil kana! Wag mong siraan si Cent sa akin!"

Mas lalo akong napangisi dahil tanga-tanga talaga sya. Gusto nyang malaman ang katotohanan? Ok! Now, ibubulgar ko na ang baho nila.

"Dahil gusto mong malaman, makinig ka." Saad ko at napatahimik silang lahat. "Hindi section ni Hermes ang naging dahilan ng pagkamatay ng kapatid mo. Mali ka nang naipaghigantihan mo dahil kay Cent mo dapat binabaling yan. Ang itinuring mong kapatid ay kalaban ang tingin sayo, bobo ka dahil hindi mo napansin 'yon dahil naging tiwala ka sa kanya." Pagak akong tumawa. "Planado ang lahat ng nangyari simula sa umpisa hanggang ngayon na kasama ka nya. Hindi naman ako  katulad mo na bobo at tanga na hindi man lang naisip na magpa-imbestiga. Noong nagkwento si Hermes nang tungkol sa kapatid nya at sa grupo nyo ay ramdam ko na may kulang at may mali, Ipina-imbestiga ko sa pinsan ko ang nangyari at lumabas ang katotohanan na si Cent at Joan ang Mastermind nang lahat."

Nakita kong nakulangan parin sila sa sinabi ko.

"W-what do you mean?" Euri said.

"Hindi aksidente ang ikinamatay ni Briella, sinadya iyon." Saad ko. "Sinadya nya." Sabay turo kay Joan.

Lahat ay tumingin kay Joan. Kabado ang mukha nito at mukhang tanga na hindib alam kung ano ang sasabihin.

"N-no! S-she's just l-lying.. B-briella is my Friend, H-hindi ko magagawa 'yon." Utal na saad ni Joan.

"Talaga? Napalingon kami kami kay Ate Lou. "Natatawa ako alam mo ba 'yon? Halata naman sayong guilty ka dahil sa bawat pag-eexplain mo ay nauutal ka. Mukhang tama nga ang hinala ko, na ikaw ang pumatay kay Briella."

Tumingin sya sa akin saka ako nginitian. Yap, kasabwat ko si Ate Lou sa pag-iimbestiga nito. After a month na dumating si Joan dito ay sinimulan na naman ito ng hindi alam ni Hermes.

We're smart right? Nagawa namin ito ng tahimik na wala man lang nanghihinala sa amin. Hindi lang ako makapaniwala na hindi man lang nila naisip ito. Mukhang magkakaroon ng giyera sa ibubunyag namin ni Ate Lou, ah? Mukhang masaya 'to.

"H-hindi ako nauutal." Pilit na pinatigas ni Joan ang boses nya pero nabigo sya dahil pumiyok 'yon sa hulihan.

"Hindi pala, ah? Well.. let's continue the story." Ate Lou said.

"I agree." Sabi ko at tumingin kay Brixz. Pinaalalayan ko si Hermes kina Kuya Shan at  Kuya Brent. Noong gabing akala mo na ang kasama ni Briella ay si Shan, nagkakamali ka dahil noong mga araw na yon ay nasa State si Shan. He's in Russia. Marahil siguro'y nagkamali ng pandinig itong si Joan na matagal tagal na palang may gusto kay Shan, dahil sa maling akala ipinahamak nya ang kaibigan nya. Humingi sya ng tulong kay Cent dahil magkapatid sila sa Ina." Kung kanina ay mukhang kinakabahan si Cent at Joan, ngayon ay nakangisi na silang dalawa. "Hindi ba? Hahahah! Hindi ko alam kung ano bang dapat na gawin sa inyo, pero ngayon na buking na kayo ay panigurado akong lalabas na ang mga pinaka tinatago ninyong sungay at itatago na ninyo ang mga peke ninyong pakpak. Walang lihim na hindi nabubunyag, mga hangal!"

Kita ko kung paano ang galit sa mukha ni Brixz, mukhang naguguluhan sya. He needs to know the truth. At ilalabas ko ang lahat ng 'yon ngayon.

"Napaka-talino mo naman pala, Allison Miles Shirene Alfaro." Sabi ni Cent na ikinagulat ko.

Shit! Paano nya nalaman ang buong pangalan ko? Don't tell me...... no! Hindi pwede.

"Shock? Hahaha!! Ngayon? Sino ang kawawa sa atin? Ako na inaakusahan mong kriminal o ikaw na nagbabalat kayo? Well... gusto mo nang gulatan? Ibibigay ko."

--------

:)

-keepsafe everyone.

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now