Chapter 19

897 51 1
                                    

Chapter 20: Where's Lai?

ALLISON 'POV

Ilang oras na kaming naghahanap pero wala parin kaming makitang Lai, kahit na anino nito ay hindi makita. Pagkatapos ng away at sigawan na iyon ay hindi ko na sya nakita pa. Lahat kami. Hindi na namin alam kung saan sya nagpunta, pagkatapos ng klase ay halos halughugin na namin ang buong school pero wala parin kaming makita na Laida. Sobrang kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari sa kanya, wala kasi ito sa bahay na lagi nyang pinupuntahan. Ang nakakainis pa ay tumatawa pa ang bwisit na Joan na ito, nakakabanas makita ang pagmumukha nya. Kung hindi ko lang talaga kaibigan si kuya Shan at kundi ko lang iniintindi ang mararamdaman nya kapag sinapak ko ang babaeng ito ay ginawa ko na, bwisit pabebe.

"Wala parin bang balita?" Tanong ko. Lahat kami dito ay halos nag-aalala na, wala akong maisip na ibang paraan. Feeling ko ay napaka-useless kong tao, hindi ko mahanap ang isang tao na mahalaga na sa buhay ko.

"Wala." Tipid na sagot ni ate Sye.

"Baka naman umuwi sa bahay nila?" Tanong ni ate Daisy.

"She's not going there. Ayaw nyang umuuwi sa bahay nila." Sagot ni kuya Shan.

"Eh? Kung ganon, saan natin sya hahanapin. Wala na akong maisip na lugar na maaari nyang puntahan."

Halos bumalatay ang aming mga balikat, sobrang pag-aalala na ang lumulukob sa aming mga kalooban. Nakakatakot na. Kay tagal nang oras na niyang mawala.

"Ikaw ba, Shan? Wala kang naiisip na maari nyang puntahan? O maaari nyang lapitan?" Sabat ni kuya Brent.

"Oo nga, mas madalas mo syang makasama kumpara sa 'min" pagsang-ayon ni ate Sye.

"Maingay na tao si Lai pero kilala rin namab natin sya na kapag may mga problema sya ay mas gusto nya ang nag-iisa kaysa ibahagi sa iba problemang dinidibdib nya. 'Yon lang ang problema sa kanya." Si ate Bernadette naman 'yon.

"Hindi pupunta si Lai sa family nya. Kahit na naka-uwi na ang mga parents nya galing ibang bansa, never syang umuuwi. She hates going home, lalong- lalo na kapag nandyan ang magulang nya. Pinapunta ko na rin si Miguel sa bahay pero wala sya doon, hindi mahilig magbanggit ng mga lugar sa 'kin si Lai, hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin. Naguguluhan na ako!bwisit! This is all my fault! Fvck!" Sigaw nya.

"Pwede ba wag kang sumigaw? Nakakainis lang, eh" inis na sabi ni ate Lou kaya naman napatingin kami lahat sa kanya. "Ano? Ngayon na wala na ang tao sayo saka mo inahanap? Saka mo pinapahalagahan? Noong panahon kasi na nasa tabi mo, na hindi nagsasawa sayo, na laging tinitiis lahat ng ginagawa mong mali ay itinaboy mo at ipinamukha mo na may mahal kang iba kahit sa puso mo ay sya naman talaga, kasi unti-unti mo nang nararamdaman ang pagmamahal mo sa kanya. Diba't sinabi mo na mahal mo parin itong punyemas na babaeng ito?" Tinuro nya si Joan na naka-upo sa gilid malayo samin. "Na syang naging dahilan kung bakit wala ngayon si Lai. Mahal ka kasi nung tao pero binalewala mo! Sinaktan mo! Initulak mo papalayo sayo! Ngayon na wala sya, hindi natin alam kung saan sya nagpunta, doon ka nagsisi? Tsk! Ngayon mo dibdibin lahat-lahat ng sakit na pinaranas mo. Tama nga sila. Saka mo lang malalaman ang halaga ng isang tao kapag wala na ito. Congrats! Pwede kanang lumandi dyan sa babaeng higad na yan" sarkastiskong saad nya.

"Ano bang alam mo sa pinagdaanan naming dalawa?" Inis na tanong ni kuya shan.

Nagpalipa-lipat ang tingin namin sa kanilang dalawa dahil nagsagutan ang mga ito, napahawak ako sa braso ni Hermes na nasa tabi ko ngayon dahil nagsisigawan na sila. Napatingin naman ito sakin kaya sinenyasan ko sya na patahimikin at awatin na ang mga nag-aaway.

Hindi masosolve ang problemang ito kung ganitong magsisisihan nalang sila. Hindi ito masosolusyunan at madadagdagan pa.

"Stop." Ma-otoridad na sigaw ni Hermes.

Natahimik ang lahat kasama na doon sina Ate Lou at Kuya Shan. Para silang mga bata na tiklop kapag isang sigaw lang nang magulang. Nakita ko pa kung paano ngumisi si Ate Lou kaya naman tumikhim ako.

"Pwede bang wag nalang tayong magsisihan? I mean... magtulong-tulong nalang tayo. Dahil wala tayong alam na maaari nyang puntahan, tumigil na muna tayo sa ngayon. Kapag hindi na natin siya nahanap nang hanggang 24 oras.ay i-report na natin sa pulis para naman matulungan nila tayo sa paghahanap, dahil matatawag na nilang Missing 'yon." Sabi ko at napatango-tango naman sila.

"Payag ako," sabi ni ate Lou. "Pero ayaw kong kasama natin ang babaeng ito." Tinuro nya pa si Joan, kinaiinisan nya talaga. "Kung isasama nyo sya, kayo nalang maghanap."

"I Agree." Nakataas pang kamay na pagsasang-ayon ni ate Daisy.

"Me too." Si ate Bernadette.

Lahat ay sumang-ayon sa sinabi ni Ate Lou, gusto kong maawa, pero wala akong maramdaman na kahit na anong emosyon ngayon kay Joan. Walang-wala ni katiting.

"Maila?" lumingon ako kay Hermes dahil may balak ata itong sabihin kay ate Maila kaya nya tinawag. "You're dad and you're kuya Vin is a police man right?" Tanong ni Hermes.

"Oo. Bakit?" Sagot ni ate Maila at umupo sa upuan. Hindi parin kami umuuwi, nasa school parin kami.

"Can you ask them to help us?"

"Oo naman. No problem, pag-uwi ko ay sasabihin ko na ito kay Dad at kay kuya, sigurado akong mag-aalala si kuya Vin neto. May crush pa naman kay ate Lai 'yon." nag-pout pa sya.

"Really? Isipin nyo? Ang daming nagkakagusto kay Lai pero nagkandaloko-loko sya sa iisang lalaki lang?" Sarkastiko at may pang-iinis sa boses ni ate Lou.

"Please Shut up, Lou." Inis na sabi ni Hermes.

"Wow,Hermes, Lou nalang talaga ang tawag mo sakin ngayon? Hindi na ate Lou? Nakakapanakit ka,ah?"

"Pshhhh!! Magsi-uwi na tayo." Sabi ni Hermes. "Maila? Don't forget your task. Makakatulong yon sa paghahanap natin kay ate Lai. And the rest, go home."

Nagkanya-kanya na kami ng ayos ng mga gamit. Ako, si Hermes, si Kuya Shan at ang bwisit na si Joan nalang pala ang natira. Binagalan ko naman ang pagsasa-ayos ng mga gamit ko para naman mauna na sila. At tama nga ang desisyon ko. Nauna si Kuya Shan pero hindi nya hinintay si Joan.

"Tara na?" Tanong ko kay Hermes pero tumango lang sya.

Habang naglalakad kami papunta sa Parking lot ay may mga pitong lalaki na sumalubong samin. Sila yung tinatawag nilang 'LION DARK' ba yun? Kilala ko na ang tatlo sa kanila. Yung isa si Cent Simerio, may gusto daw ito kay ate Lai matagal na, yung isa naman is Euri Laohan, sya yung pinaka-nakakainis sa kanila kasi mayabang sya. Tapos yung isa naman sa kanila is yung pinaka-Leader nila, si Brixz Sobrang gwapo nya at mabait kaso lang ayaw akong palapitin sa kanya ni Hermes.

Minsan na namin pinag-awayan ang bagay na 'yon. Nagulat ako ng lumuhod pa nga ito sa harapan ko at sinabi na kahit na anong mangyari ay wag ko syang iiwan.

"Long time,no see, Hermes." Sabi ni Brixz.

Mabilis akong hinapit ni Hermes palapit sa kanya at pinasakay na ako sa sasakyan nya. Umiikot na ito papunta sa driver seat pero bago pa ito pumasok ay napatigil na ito, na sya rin namang nagpatigil sakin.

"Ingatan mo na Hermes, at wag na wag mong aalisin ang mata mo sa kanya, dahil sa oras na nalihis ang paningin mo sa kanya. Aagawin ko sya."

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now