Chapter 17:

994 70 7
                                    


Chapter 17: 'Divorce papers'

LAI 'POV

Ito ang araw na pinaka ayaw ko, araw na gusto kong itigil, kung maaari lamang na pakiusapan ko ang panginoon na bagalan ang oras ay ginawa kona. Pero wala na,eh. Ito na ang araw na yon.

Sa bawat segundo, minuto, oras, at araw ay pinapanalangin ko na sana ay matapo na ang lahat ng paghihirap ko. Buti nalang at araw-araw akong binibisita ng magsyota na 'yon. Hindi ako nabobored kapag kausap ko sila, lagi kasing iniinis ni Alli si Hermes, kesyo pag nagloko ito ay iiwan sya nito at hindi sila magkakaroon ng maraming anak.

Ang saya nilang pagmasdan, magjowa palang sila pero napaka-rami na nilang pangarap, napangiti ako ng mapakla habang nandito ako sa balkonahe at nakatingala sa langit. Madaling araw na. Ganito ang pinaka gusto kong panahon at oras, dahil dama ko at nailalabas ko lagi ang lahat-lahat ng hinanakit sa buhay.

Pinagmasdan ko ang langit. Hindi pa kita ang araw sapagkat kulay black at may halong blue pa ang kulay nito. Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig ng hangin. Kay sarap damhin, kay sarap amuyin.

Sana katulad namin sina Hermes at Allison, napakatatag ng kanilang relasyon. Nag-21st birthday na si Shan at hindi ako pumunta. Dito lang ako pumunta at dito tin magdamag na umiyak hanggang sa mamugto ang mata.  It's February 12, 2016.  At ngayong araw na ito ang araw na Divorce namin. Mamayang uwian ay pupunta kami sa Russia dahil doon kami ikinasal, legal din doon ang divorce kaya naman doon namin pinili.

Walang alam ang magulang namin sa aming desisyon, pero sa oras na makapag-pirma na kaming pareho ay aaminin ko na ito sa pamilya ko.

2days before the February 14, bwisit na araw ng mga puso na 'yan. Bakit ba kasi naimbento pa yan? Love? Pshhh! I hate Love.

Love is full of sacrifices. And i hate it. Kailangan ba lagi ka nalang magsakripisyo para sa taong mahal mo? Hindi ba pwedeng ikaw muna ang piliin.

Why i need to think that? Makakahanap rin naman ako ng tamang tao para sakin, tamang oras, tamang panahon, tamang tadhana, at tamang tao na mamahalin ako ng todo.

"That should be me, holding your hand."

Pero kusa kang bumitaw kahit na higpitan ko ang pagkakahawak ko sayo.

Your lucky, Joan Pascio. Ikaw ang minahal ng isang Shan Julio, na minahal ko nang higit pa sa buhay ko.

"That should be me making you laugh"

Minsan ngumingiti ka sakin pero, laging nahihigitan ni Joan ang saya na ibinibigay ko sa iyo.

"That should be me this is so sad"

Nakakalungkot talaga. Sobrang-sobra. Sa dalawang buwan na pananatili ko dito ay hindi na ako ngumiti pa at hindi na ako naging masaya. Wala na ang dating ako, ang dating Laida Marcelo, nabago na ng makilala ang isang Shan Julio.

"That should be me, that should be me"

Ako dapat ang nagpaparamdam no'n pero sa iba mo hinanap. Gusto kong sisihin ang magulang ko sa lahat ng ginawa nia, pero hindi ko magawa. Sinasabi ko na kung hindi nila ginawa 'to, kung hindi nila ako pinilit na makasal sa lalaking ito ay hindi ko mararamdaman ang hirap at sakit na pinag-dadaanan ko ngayon.

Ilang minuto akong nanatiling ganoon, pagkatapos ay doon ko palang napagpasyahan na maligo na. Kailangan ko nang pumasok sa school. 2months akong nawala, buti nalang ay hindi ako na drop-out. Ginawan ba naman ng magic ni Hermes. Gago talaga ang lalaking 'yon.

Pagkatapos kong maligo,kumain at gawin ang lahat-lahat ay tinawagan ko si Hermes, sa kanya nalang ako magpapasundo. Dadaanan nalang daw nya ako dahil susunduin nya pa ang 'My Love' nya. Yak, nakakasuka. Sa lahat ng magiging callsign nila ay yun pa?

"Bakit ba ang tagal nyo?" Bungad ko ng makababa na ako.

Mukhang hindi ok ang dalawang ito, nakabusangot ang mukha ni Alli, at si Hermes naman ay nakatiim-bagang. May problema nga.

"Nakakainis kasi yan, Ate Lai." Inis na sabi nya at tinuro pa si Hermes.

"Ow? Bakit?" Tanong ko.

"Ewan ko po, simula nang dumating yung mga 'LION DARK' po ata yun ay naging ganyan na sya."

Gulat na tumingin ako kay Hermes pero tinanguan nya lang ako, bumalik na sila. Buti nalang ay wala nang poproblemahin si Shan, dahil magdidivorce na kami. He will do what ge want, at ganun din ang gagawin ko.

"Let's go, malelate na tayo." Pumasok naman kaming lahat sa kotse at sinimulan nang maniobrahin ni Hermes ang sasakyan.

Ilang minuto lamang ang nakalipas at nakarating na kami sa school, nauna na ako sa kanila dahil alam ko naman na hindi papayag ang Hermes na 'yon na muna kaming dalawa lang. Umaandar na ang pagiging possesive nya.

Naglakad ako papunta sa room, pero dahil ako na ang pinaka malas na tao sa mundo ay nakasalubong ko ang mga taong hindi naman karapat-dapat na makita.

"Hi, Lai. Long time,no see." That's Cent, one of the member of 'LION DARK'

Hindi ko sya pinansin at inisnaban lang.

"Badmood, Cent. Masyado namang masungit, hindi ka man lang mawelcome." Si Euri.

Sa inis ko ay sinagot ko na sila, 7 lamang sila pero napakayabang nila. Tahimik lang na nagmamasid ang lima sa kanila kasama na ang pinakapinuno nila. "Kung may gusto kayong sabihin, spill it. Kailangan ko pang pumasok sa room ko."

"Wag ka namang magmadali,Honey."

"Yak." Madiin na sabi ko. "Honey? Seriously?" Tanong ko pero ngumiti sya. Sa inis ko ay binunggo ko sya at naglakad, pero bago yon ay lumingon muli ako kay Cent at itinaas ang middle finger ko. "Fuck you!" Pahabol ko at tumalikod na.

"You'll be mine,soon, Lai. Hihintayin ko nalang na pirmahan mo ang Divorce papers nyo at kahit na gusto mo o hindi ay aagawin kita kay Shan. Wala naman syang magagawa right? Mas magugustuhan nya ang gagawin ko dahil wala nang sasagabal sa pag-iibigan nilang dalawa ni Joan. Pa-uwi na rin sya, at paniguradong magkakandarapa ang asawa mo makita lang si Joan."

Hindi pa ganoon kalayo ang pagitan namin kaya naman dinig na dinig ko ang mga sinabi nya at sapul na sapul ako doon. Sobrang sakit!

Huminga muna ako ng malalim bago mapagpasyahan na magpatuloy nalang sa paglalakad at dumiretso nalang sa room.

Pagkapasok ko ay nandoon na ang lahat pati si Sir Manchi, kita kong tumaas ang gilid nang labi nya pero hindi ko 'yon pinansin. Nakatingin ang lahat sa 'kin. "Sorry Sir i'm late, may humarang kasi sakin na bwisit sa daraanan ko."

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi nya at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi na pinansin ang tingin nang lahat sakin.

Pasalampak akong umupo sa upuan ko sa tabi ng magiging ex-husband ko. Magiging malaya narin kaming pareho. I'm sure, after the divorce, he will be happy. Babalik na si Joan, ang pinakamatagal nya nang hinihintay. 

"Nakasalubong mo?" Napalingon ako sa nagtanong. Si Hermes.

"Hmm.. at wala paring nagbago."

Kumuyom ang kamao nya, pero hindi ko na pinansin pa iyon. Binalingan ko ng tingin si Shan na nakatingin din pala sakin. "Napano?" Iritang tanong ko.

"What?"

Ngumisi ako at saka tinapik-tapik sya sa balikat nya. "Congrats to both of us, we're free now. We can do, what ever we want. That's nice,right?" Kita ko ang paglungkot sa mukha, pakitang tao. "Ang Divorce papers nalang ang kulang."

:)
A/N: kaya ako? Ayaw ko nang may jowa. :) kumbaga sa bawal pa ako, takot akong umiyak ulit. Ang sakit kayang mapangakuan tapos hindi rin pala tutuparin :( kaya kayo readers? (Kung meron man)  ingatan nyo po ang puso nyo. Kapag nasaktan ka, pahinga ka muna. Wag laging sugod ng sugod sa giyera, kung wala nang bala.

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now