Chapter 12:

1.2K 78 2
                                    

A/N: Happy birthday Lalaine Aboy!!!

Oct. 07. 2020. Happy 17th birthday sa iyo. Wish you all the best and take care of your self.

Thanks for you effort for reading my story kahit baguhan lang ako sa industriya ng wattpad.

And also thanks for your support kahit na mas matanda ka sa 'kin.

Thank you po Ate Lalaine Aboy

Isang "♡" para sa kaarawan mo.

Thank you! :) i'll dedicate this chapter on you.

-(Mu_La_win)

Chapter 12:

ALLISON 'POV

Nasa bahay kami ngayon ni Mamskie at Papskie. Tuwang tuwa sila na makita ako. Ang kaso lang ng magkwento ako tungkol sa nangyari sakin ay sobrang nag-alala sila kaya naman hindi nila kami pina-uwi ni Hermes, dito tuloy kami matutulog sa bahay.

Ayos lang sana sakin kung sa sala sya matutulog, doon sa may sofa. Pero si papskie itong makulit na sinabayan naman ni mamskie kaya tabi tuloy kaming natulog sa kama ko.

Nakakapagtaka dahil malinis ang kwarto at wala talagang dumi, ang aliwalas tingnan. Parang ang sarap tuloy matulog agad. Pwede na sana kung wala lang asungot sa pwesto ko ngayon.

"Dun kanalang kasi sa Sala matulog." Sabi ko kay Hermes, nakahiga na ito sa kama ko.

"Nope, ayaw ko nga. Ang lambot pala ng kama mo." Sabi nya pa at kinuha ang comforter ko at inaamoy iyon.

"Hoy! Adik kaba? Alis ka dyan!"

"Magagalit sina mama and papa."

"Anong magagalit? Anong mama at papa? Alis ka dyan!"

"What? Kapag kasal na tayo magiging mama ko na din ang mamskie mo at magiging daddy ko ang papskie mo."

Sa inis ko ay kinuha ko ang unan at pinagpapalo sya. "Ang kapal mo! Ang kapal! Sobrang kapal! Wala naman nga tayong label, eh. "

"What?"

Natigilan ako agad sa sinabi ko! Naku talaga!!! "Hey, what did you say?"

"Uh?" Pagmamaang-mangan na tanong ko. "Wala naman?"

"Don't fool me, Alli. You said earlier that we don't have an Label? Hahaha!!"

"Bakit? Anong nakakatawa?" Tanong ko pero tawa lang sya ng tawa. "Kainis ka!"

Inis akong tumayo sa kama pero may bigla ring humila sakin at niyakap ako, "Hindi na kailangan ng label sating dalawa, Bata palang tayo ay asawa na kita." Sabi nya habang nakayakap parin sakin.

"Anong bata palang?" Tanong ko.

Hindi sya sumagot, ipintong nya ang kanyang baba sa balikat ko. "Maniniwala kaba kapag sinabi ko sayong fianće na kita"

"Ano bang sinasabi mo?'"

"You're my fiance."

"Uh? Seryoso? Kahapon pa nga lang kita nakilala eh tapos inaangkin mona ako."

"Because you're mine."

"Baliw."

"Sayo."

"Uh?" Tanong ko dahil hindi ko sya nagets sa parteng 'yon.

"Baliw ako sayo." Banat nya.

Hindi ko alam pero sobrang nagsaya ang puso ko ng marinig ko 'yon, pero bawal parin ang maging marupok.

"Uyy, pakawalan mo na ako. Masyadong mahigpit ang yakap mo."

Ngunit hindi nya ako pinansin, mas hinigpitan nya pa ang pagkakayakap nya sakin. Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa mga bisig nya, inilihig ko ang ang ulo sa kanyang dibdib habang yakap nya parin ako.

"Sabihin mo nga sakin, magkakilala na ba tayo noong mga bata palang?" Tanong ko sapagkat nagtataka ako sa mga sinabi nya kanina. Ngunit hindi sya sumagot, bagkus ay tahimik lang itong nakayakap sakin.

Malamig ang simoy ng hangin, kay sarap matulog ng mahimbing sapagkat salo nya ako sa kanyang mga bisig. Ramdam ko ang kagalakan sa akin puso, hindi ko maintindihan kung ano ba ito. Gusto kong malinawan sa tunay na nararamdaman nya para sakin, gayun din naman ako. Ngunit anong sasabihin ko?

"Ba't ang tahimik mo?" Tanong ko.

"Nothing." Tipid nyang sagot.

"Luh? Ang arte, ayaw magkwento." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"I'm just thinking, what if asawa na kita ngayon? Magiging masaya kaba sa piling ko?"

Anong sinasabi nya? Masaya sa piling nya? May problema ba sya? Kawawa naman. Kung tinatanong nya kung magiging masaya ba ako sa piling nya ay malaking OO ang sagot ko. Sa dalawang araw na kasama ko ay palagay ang loob ko at hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito.

Magaan sa pakiramdam na makakilala ng isang lalaking ganito. Isang lalaking ituturing kang prinsesa, at magsisilbing reyna sa puso nya. Napakasarap sa pakiramdam na ganito si Hermes sakin, napakasaya.

"Bakit naman hindi ako magiging masaya sa piling mo? Napakabait mo kaya." Sagot ko sa tanong nya.

"That's it? Because i'm kind?"

"Oo, bakit meron paba?"

Narinig ko ang malalim nyang pagbuntong hininga, mukhang hindi nya nagustuhan ang sagot ko. Feeling ko tuloy kasalanan ko kung bakit nasira ang moment ngayong mga oras na 'to.

"Tingnan mo 'yon!" Bigla akong napabangon sa pagkakailig ko sa dibdib nya at mabilis na pumunta sa bintana. "May nakita akong shooting star! Sabi nila kapag daw nagwish ka ay matutupad 'yon."

Narinig ko ang mga yapak nya, kaya panigurado akong palapit na sya ng palapit sakin. Nakatungo parin ako sa bintana saka ko naramdaman muli ang lamig ng simoy ng hangin kasabay no'n ay ang muli nyang pagkayakap sakin.

"Mag wish ka." Pagkakasabi ko no'n ay pumikit ako saka humiling ng isang wish.

'Wish ko, sana hindi na matapos pa ang gabing ito. O kaya nama'y maulit ang ganitong moment sa buhay ko, na muling magpapangiti sakin. Gusto ko muling maranasan ang umilig sa mga dibdib ni Hermes na sa aking feeling ay palagi akong ligtas at malayo sa kapahamakan. Hihilingin kong maulit muli ang araw na ito na kasama kita.

Ipinikit ko ang aking mata ang muling ninamnam ang bawat dampi ng malamig na hangin sa aming balat. Naisip ko kung ano ba ang hiniling ni Hermes ngayong gabi.

"Anong hiniling mo?" Tanong ko.

"Hiniling ko na makasama ka hanggang dulo."

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now