Chapter 2

30 1 0
                                    

Chapter 2: Marka

ALLISON 'POV

Hanggang sa matapos ang klase ni Sir Manchi 'daw' ay hindi binitawan ni Hermes ang kamay ko, tuloy ay nagmamarka iyon sa kamay ko.

"May marka kana," sabi ni Lai. Tiningnan ko sya pero ang paningin nya ay nasa kamay ko. "Congrats!"

"Hindi kita maintindihan, Lai."

"Dahil mahirap ipaintindi sa katulad mong baguhan ang nangyayari ngayon sa room na ito, basta magtiwala kalang samin. Sa mismong mga kaklase mo lamang. Wag na wag na wag kang maniniwala sa sasabihin ng iba, ikakapahamak mo 'yon,Alli."

"Bakit?" Tanong ko.

"Someday you will know." Si Hermes yon. "Let's go."

Lahat ng mga kaklase ko ay isa-isang nagsilabasan, sinuot ng mga babae ang jacket na ibinigay ng mga kaklase ko, May mga apelyido na nakalagay sa likod ng Jacket na iyon. Marquez, Santiago, Ducusin, Basco, Casttro, Sanchez, Buenavista, Carreon, at Julio. Ang Julio na 'yon ay si Lai ang nakasuot, anong meron?!

"Here." Nagulat ako sa nagsalita, si Hermes yon na may iniaabot na Jacket din? "Wear, it."

"Bakit?"

"Because your mine."

Natigilan ako at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ako nakagalaw napupos ako sa kinatatayuan ko!! Mas hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari, hinila nya ako saka napasubsob ako sa dibdib nya! Damn! Sya na ang nagsuot sakin ng jacket nya mismo. "Huwag na huwag mong huhubarin ang jacket na yan hanggat hindi tayo nakakakalabas ng school na ito.'

Hindi na ako nakapalag pa dahil hinila na nya ako palabas, lahat ng mga estudyanteng babae at lalaki at masama ang tingin samin dalawa. Nakita ko ang mga classmate ko na naghihintay samin, nakangiti ang mga babae at nakangisi naman ang mga lalaki.

"Bat antagal nyo?"

"May problema?"

"Tara na, mamaya na yan."

"Gutom na ako, ano ba kayo."

"Kawawa naman ang tiyan ng baby ko, let's go."

Ibat-ibang reklamo ng mga classmate kong lalaki yan, ang daldal nila. Yung mga babae naman rito ay tahimik lang, isa-isang binatukan ang mga classmate kong lalaki na nagrereklamo.

"Let's go," sabi 'yon ni Hermes na ayaw parin bitawan ang kamay ko, naghiyawan ang mga classmate ko. Teka! Sobra na ito! Ano pang silbi ng pagiging boyish ko kung hindi ako papalag sa lalaking ito!

"Teka lang!" Sigaw ko na nagpahinto sa kanilang lahat. Isa-isa nila akong tiningnan na may pagtataka.

"What's wrong?" Tanong nung isang babae na ang Buenavista ang nakalagay sa likod ng jacket. "Btw, I'm Nicky."

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Nicky pero tiningnan nya lang si.... Hermes! Bakit ba sa tuwing nagtatanong ako ay sya lagi ang tinitingnan.

"Mamaya ka nalang magtanong, Alli. Ang mahalaga ngayon ay makalabas na tayo dito para makakain." Sabat ni Lai.

"Anong labas? Makakain? Hindi ako sasama," tanggi ko na mas kinabigla ng lahat.

"Masyado nyo kasing binigla, e." Sabat nung isa kong classmate na babae rin, Casttro ang apelyido nito sa likod. "Speed masyado si Hermes."

Naglakad ito palapit sakin at kinalas ang pagkakahawak ni Hermes sa kamay ko,buti nalang at hulog ka nang langit! Thank you!

"Sakin sya sasabay, ikaw Brent sa kotse ka ni Hermes sumakay. Sa kotse ko sasakay si Allison." Dagdag nya.

"No! Sakin sya sasakay." Sabi naman ni Hermes.

Bakit ba ayaw nyang magpatalo?! Nakakainis na sya!

"I agree, Love." Sabat nung Brent.

"No! Sakin. Sya. Sasabay. Period." Madiin nyang sabi.

"Lou.... please kahit ngayon lang." Nakiki-usap na tinig ni Hermes.

Magsasalita pa sana si Lou, pero agad kong kinalas ang pagkakahawak nya sakin at tumakbo ako ng mabilis, narinig ko ang pagsigaw nila pero hindi ko sila pinansin dahil naguguluhan pa ako sa nangyayari at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

May narinig pa akong humahabol sakin, hindi ko iyon pinansin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang likod ng lumang classroom, doon ako hiningal ng todong-todo.

Iniisip ko parin kung bakit ganon umasta ang mga kaklase ko, lalu na yung Hermes nayon! Meron pa syang nalalaman na 'because your mine' hindi ko nga alam bat nya ginagawa yun eh.

Hindi ko na namalayan ang oras, ramdam ko na para bang inaantok ako at nakatulog na pala ako. Naramdaman ko nalang na para bang may kasama akong iba kaya naman dahan- dahan kong iminulat ang mata ko ay nakita ko si..... Hermes? S-sa tabi ko?!

Bwisit na lalaking 'to! Bakit ba ayaw akong tigilan? Sasampalin ko na sana pero nakita ko na natutulog sya. Hindi ko na naituloy pa ang plano kong pagsampal sa kanya ng mapatingin ako sa mukha nya.

"Shit! Bat ba ang gwapo ng nilalang na ito?" Bulong ko habang nakatingin parin sa mukha nya.

"Ok lang na pagmasdan moko, libre lang yan.

Dahil sa gulat ko ay napatayo ako at napa-atras na syang naging dahilan para maout-balance ako at mahulog sa lupa. Napapikit nalang ako, pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi ko naramdam ang pagbagsak ko.

Nang imulat ko ang mga tingin ko ay nasa itaas na ako ni Hermes, at sya ang nasa ilalim ng lupa ngayon. Dali-dali akong tumayo pero hinila nya ang kamay ko kaya naman sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahalikan ko sya!!!!

Yung first kiss ko!!!!!

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now