Chapter 6:

1.4K 83 3
                                    

Chapter 6: It's hurt.

LAI' POV

"Where's Allison?" Bungad na tanong ni Hermes.

May dala itong dalawang plastic bag na malaki, tama nga kami binili ng pagkain ang prinsesa nya.

"May sakit ang soon to be wife mo, nasa itaas na." Si Shan ang sumagot.

"What? Hinayaan nyo doon ng mag-isa?" Galit na sabi nya samin.

Inis naman akong pumunta sa pwesto nya at pinaweynangan sya,"Sa amin mo sinisisi ang ganoon? Ikaw ba? Nasaan ka ah? Tsk! Wag mong isisi sa amin ang mga bagay na ikaw rin ang may kasalan. Iniwan mo, ba't mo samin sinisisi?"

Natahimik naman sya at nakonsensya sa sinabi ko, nginisian ko lang. Wag na wag nyang isisisi sakin ang mga pagkakamali na sya mismo ang may gawa.

"Nasa itaas na sya, sa kwarto mo. Hindi nya pa alam na kwarto nyong dalawa 'yon, sampung kwarto lang ang meron tayo dito,alam mo naman iyon diba?" Tumango sya. "Mapipilitan kang matulog kayo ng magkatabi dahil kailangan mong alagaan ang prinsesa mo."

Tumango sya at saka iniabot samin ang mga binili nya, ang problema ay isang paper bag lang ang iniabot nya. "Para kanino yung isa?" Tanong ni Myla ang asawa ni Duke Sanchez.

"Para sa kanyang iniibig." Panunukso ni Sye.

"Para sa kanyang Irog."

"Para sa kanyang binibini."

"Para sa kanyang-----"

"Pag hindi kayo tumigil dyan kayo ang magpapabayad sa bill ng ilaw at tubig." Sabi ko at nilingon si Hermes na ngayon ay ngumisi.

"Joke lang hahahah!!!!" Sabi nila at sabay na nagsitawanan.

Umalis na sila at pumasok na sa kanya kanya nilang kwarto, gabi na rin kasi at kailangan pa naming mag-aral lahat. Hindi naman porket may mga asawa na kami ay papabayaan na namin ang pag-aaral namin, sa edad kong ito ay hindi ko papangarapin pa na mahinto muli ng dahil lang sa sarili kong kasiyahan. Gusto kong sa oras na maging malaya ako ay nakapagtapos na ako ng pag-aaral.

"Umakyat kana, nandoon sa itaas ng ref ang gamot." Sabi ko kay Hermes sabay turo sa taas ng ref, "Nasa itaas narin naman ng lababo yung soup na ginawa ko, pakainin mo muna sya bago painumin ng gamot. Hindi pa sya kumakain dahil pinahingahan nalang muna namin sya."

"Thank you, Ate Lai." He said. I just nod and smile at him.

Hindi ko na sya kinibo pa, niligpit ko nalang ang mga pinagkainan namin, hindi ko pinansin ang presensiya ni Shan. Walang gustong magsalita samin at tahimik lang kaming nagligpit ng pinagkainan. Toka namin mag-asawa ang paghuhugas ng plato ngayon.

Habang nililigpit namin ng tahimik ang mga pinagkainan ay may biglang tumawag sa cellphone ko. "Ako na." Sabi nya.

Naglakad sya kung saan nakalagay ang cellphone ko, pinagpatuloy ko lang ang pagliligpit hanggang sa tumigil ito sa mata ko na may nanlilisik na mata.

"Sino si Bruce?" Saad nya sa naiiritang boses.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa kanya at patakbo akong lumabas para hindi nya marinig ang pag-uusapan namin.

Shit! Ipapahamak talaga ako ng baklang 'yon!

"Ano bang kailangan mo?" Inis na sabi ko sa kanya sa telepono.

["Ayy!!! Sorry naman bakla! Hindi ko naman kasi know na si Shan ang may hawak ng phone mo." Paghihingi nya ng tawad. ]

"Ano ngang kailangan mo?" Pag-uulit ko at may inis na talaga sa boses ko, malapit na akong mapuno sa baklang ito.

["Samahan mo'ko sa Mall, Libre ko bakla!"]

"At bakit naman kita sasamahan?"

["Kasi mahal mo ang baklang step sister mo."]

"Hahahah!! Oo na mahal na kita! Pero hindi ko alam kung may libre akong oras, i have a lot of work here."

["Ganon?"]

"Yes, ganon." Panggagaya ko.

["Awww....ang sad naman, pero subukan mo lil sis ah? Magagalit ako sayo.]

"Wow, ah? Ikaw pa may ganang magalit, ikaw nga itong di nagpapakita sakin at nagpaparamdam. Tapos sakin kapa magagalit? Kung ihampas kaya kita sa pader?"

["Hahahahhaha!!! Sya babushhhhh!! call me if you want go with me ok?" Malanding saad nya.

"Oo na, ang landi mo."

["Hhahahahha!!!! Inggit ang lil sis ko huhuhu!! Wag kang mag-alala kapag buking na tayo kay erpats ako mismo magme-make-up sayo, basta ngayon zip-zip muna natin yung mga mouth natin ok? Hahahha bye lil sis.. I love you!"]

"Haha, bye. I love you too." At saka ko pinatay ang tawag.

Pagharap ko ay bumungad sakin ang galit na mukha ni Shan, hindi ko alam kung bakit sya ganito. "Are you tired?" Sabi nya sa malamyamg boses.

"What? What are you talking about?" Inis na sabi ko.

"Are you tired for loving me?" Napaawang ang labi ko sa sinabi nya, nakita ko na may isang butil na patak ng luha.

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Are you still love me or not?" Sabi nya pa pero hindi ko talaga alam ang gusto nyang iparating.

"Shan, bukas nalang tayo mag-usap. Pagod ka, pagod ako, pagod tayong lahat, ok? Bukas nalang tayo mag-usap yung fresh na yung utak ko at hindi ngayong araw na ito na pareho tayong pagod." Mahinahon na paki-usap ko.

"But you didn't answering my question!" Sigaw nya. "Do you still love me or not?!"

Napakunot ang noo ko pilit na pinoproseso sa utak ko ang mga sinasabi nya, anak ng!!! Ano bang problema nya? Sa inis ko, imbis na sagutin sya ay tinalikuran ko nalang sya pero mas nagulat ako ng yakapin nya ako at isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko at doon tuluyang umiyak. "Please, Lai. Don't leave me, please say that you love me too. Wag mokong iiwan, alam ko naman kung bakit mo 'to ginagawa, alam ko naman kung bakit pinagpapalit mo na ako sa Bruce na 'yon pero wag naman sana ngayon na kasal pa tayo."

Si Bruce? Yung step brother kong bakla? Pinagseselosan nya 'yon? Kaya ba sya ganito kasi nagseselos sya at gusto nyang sabihin ko na mahal ko din sya at hindi ko sya iiwan? Nahihibang na ba sya?

"Nahihibang kana, bitawan mo 'ko, Shan. Ngayon mo damdamin ang mga sakit na pinaranas mo sakin ng mga panahon na seryoso pa ako sayo." Kinalas ko ang pagkakayap nya sakin at iniwan syang nakatayo habang umiiyak parin.

Gusto kong aminin na bakla ang kausap ko at hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba dahil mahal na mahal kita. Pero gusto kong maranasan ko ang lahat-lahat ng sakit na pinaranas mo sakin noon, mahal kita pero gusto kong makita mo kung ano ngaba ang halaga ko sayo at ang halaga ng relasyon na mayroon tayo.

Nextchapter♡

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now