Chapter 22:

867 55 0
                                    

Chapter 22:

*Continuation of flashback*

ALLISON 'POV

"Dahil ginulo nila ang buong section namin, when we are in Grade-12, buo na ang grupo nila. Ang akala namin noong una ay binuo nila ng grupong iyon para lang sa kasiyahan nila, pero nang tumagal ng tumagal ay nag-iba ang mga ikinilos nila. Isa-isa nilang inagaw ang mga asawa ng may-asawa na." Sagot nya.

Ano? Ano daw? Bat ang gulo?

Meron nalang akong 19 remaining questions, kung pakakaisipan ko ang mga bawat tanong na ibabato ko sa kanya ay mas makikilala ko sya ng buo at masasagot ang lahat ng kaguluhan sa sarili ko.

"Paano nila inagaw ang mga asawa ng bawat isa sa inyo? Can you explain it?"

Sandali itong natigilan, para bang kaybigat para rito na magkwento ito sa kanyang nakaraan, ganito ba talaga ang naging dulot ng mga 'yon para magkaganito ka?

"Sinabi ko naman sayo na wala akong naging girlfriend kaya wala silang maagaw sakin, pero iba palang tao ang gagamitin nila para mapabagsak kami. Ginamit nila ang kapatid ko na si Divine Marie, yun ang ginamit nilang alas para mapaalis kami sa section namin at mapabagsak ang grupo na matagal na naming binuo. Pero yun naman ang akala nila, hindi naman nila kami napatalsik, how pity they are."

Kung ganoon ay may kapatid pala siya? Divine Marie? Hindi ba nya nailayo o nabawi man lang ang kapatid nya?

"Pwede bang wala nalang limit yung tanong ko?"

"Why?"

"Kasi gusto kong makilala ka ng buong-buo, at kung gusto mo naman na makilala rin ako ng buong-buo ay salitan tayo ng tanong. Sa ganoong paraan magkakakilala tayong dalawa."

"Mmm...." um-acting pa itong parang nag-iisip. "Ok fine. Game."

"Sino mauuna?" Tanong ko.

"Ikaw. Magtanong kana ulit."

"Sige. Diba ang sabi mo ay may kapatid ka? Divine ang pangalan? Nasa'n na sya ngayon?"

Pansin ko ang pag-iiba ng kanyang itsura, nalungkot ito at tila ba may mga ala-ala na bigla na lamang pumasok sa kanyang isipan at naging ganito katamlay ang kanyang pagmumukha.

"A-ano ok lang naman kung ayaw mong sagutin iibahin ko-"

"No, it's ok. I will answer the question," sabi nya at humugot ng malalim na hininga. "As what i've said earlier, Lion Dark use her, ginamit nila ang kapatid ko na wala namang kinalaman sa lahat. Napaka inosente nya sa lahat ng bagay, pero tinake-advantages nila 'yon. Nakakaloko. Ang sarap kumitil ng buhay, ang sarap mambugbog ng tao ngayon. Nang dahil sa kanila namatay ang kapatid ko. Inako ni Divine ang pagkakamali ni Cent pero wala man lang ginawa si Brixz. Sa tingin mo ba mapapatawad ko ang tulad nila? Never. Kahit na mamatay ako ngayon ay hinding-hindi ko sila mapapatawad. Di bale nalang kung kaya nilang buhayin ang kapatid ko, siguro ay mapatawad ko pa sila at magkaka-ayos pa kami."

"Y-you m-mean patay na si Divine? Paano nyang inako ang kasalanan ni Cent? Diba yung Cent na 'yon ang may gusto kay Ate Lai? Bakit ba ganon sila?"

"Kinidnap si Cent ng mga taong galit sa kanila dahil sa pag-aagaw din nila sa girlfriend ng ibang lalaki. Napagkasunduan ata ng mga lalaking 'yon na pahirapan sila para naman pareho lamang sila ng maramdaman kapag nagkataon pero iba ang nangyari. Ipinangako ni Brixz na kapag pumunta sya meeting place na sinabi ng mga lalaking galit sa kanila ay hindi na kailan man iiwan ni Brixz ang kapatid ko. Pero dahil bata pa ang kapatid ko by that time, naloko sya ng mga gagong 'yon." Huminto sya sa pagkukwento dahil bahagyang napiyok ang boses nya. Nang tingnan ko sya ay may butil na ng luha na pumatak mula sa kanyang mata. "A-after that, nabalitaan ko nalang na.... n-na p-patay na ang kapatid ko."

Ang kaninang hikbi lang ay mas lumakas na ng lumakas na naging hagulgol na. Ako ang naaawa sa kanya, ramdam ko ang sakit, ang bigat, ang pagsisi, lahat-lahat ng emosyon na maaari mong maramdaman ay pinagdadaanan nya ngayon.

"Wala akong nagawa sa lara sa kapatid ko, nang malaman yon ni Mommy and Daddy they always been fighting and arguing, i don't know what i'm going to do hirap na hirap ako. Ang sakit na makita na hindi ayos ang pamilya ko, yung dating sigla nila... unti-unti nang nawala. Si Divine ang naging rason kung bakit laging masaya ang pamilya, pero nang mamatay sya ay nagkagulo na ang lahat. M-my m-mom killed her self. Nagbigti si Mommy.." hindi ko na alam kung anong gagawin ko, halos manikip na rin ang dibdib ko dahil unti-unti narin akong humahagulgol sa iyak.

Ang sakit para sakin na makita syang ganito, pero at the same time ay bilib ako sa kanya dahi hindi nya iniisip ngayon ang ego nya.

"Shhhh..." pagpapatahan ko. "Kaya mo yan ok? Nandito lang ako. Sorry kasi pinilit pa kitang magkwento. Kasalanan ko tuloy kung bakit ka umiiyak."

Hindi man sya sumagot pero ramdam ko na umiling sya na ang ibig sabihin ay hindi ko kasalanan o kaya naman ay wala akong kasalanan.

"A-after non..." hindi na naman nya naituloy sakin pumiyok na talaga ang boses nya dahil sa pag-iyak nya.

"Wag mo nang ituloy please..." sabi ko.

"No! Gusto kong malaman mo kung anong klaseng tao ako, gusto kong malaman mo ang buong pagkatao ko ng wala akong tinatago na kahit anong kasinungalingan sayo... gusto kong mahalin m-mo a-ako dahil naging tapat ako sayo. Ayaw kong magtago ng kahit ano sayo."

"Naiintindihan ko pero hindi mo naman kailangan na ikwento pa kung hindi mo na kaya.. minahal na kita kaya naman kailangan kong tanggapin kung sino ka at ano ka. Sila ang nagkasala sayo at hindi ikaw." Sagot ko. "Tanggap kita ng buo Hermes Temmirson Alvarez"

Sabi ko at duon ay mas lalo pa syang humagolgol ng iyak.

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now