Chapter 18:

1K 65 9
                                    


Chapter 18: 'Final Message'

LAI 'POV 

Last subject nalang and breaktime na. Kaloka, nakakainip ngayong araw na ito, at hindi mapakali ang kalooban ko ngayon.

Umuulan pa sa labas kaya baka hindi narin ako lumabas, mas naging malungkot pa ang kalooban ko dahil doon. Yung lamig na binibigay ng ulan na 'yon ang mas nagpapalungkot sa'kin, i hate the rainy day.

"Good afternoon, Class. So,now, hindi muna ako magpapasulat, magtatanong lang ako. Dahil 2days nalang before the Valentine's Day, i just want you all to create an message. But, because you're all now an teenager, magkakaroon ito ng twist. At ang twist ay hindi nyo sasabihin kung para kanino ang message na 'yon. Basta't kapag tinawag ko na kayo ay magsasalita lang kaho dito," she explaine "Dito nyo malalabas lahat ng hinanakit nyo sa taong iyon, pwede rin kayong magpasalamat sa kanya o kaya naman ay manghingi ng tawad, kung ano lang ang gusto nyong sabihin. Kuha nyo?"

"Yes,Miss." Sabay-sabay namong saad.

"Let's start on you, Loulette ." Tinutukoy ni Miss si Lou.

Gulat na napatayo si Lou, "Ba't po ako agad?"

"Dahil gusto ko." May otoridad sa boses nito.

"Sige na nga po, kahit kinakabahan ako. Psh! Ang bilis maman." Reklamo nya kaya napangiti ako. Walang pinagbago.

Maangas itong naglakad papunta sa harap ng board at ngumiwi.

"Start now."

"Ehmm-- Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero ang gusto ko lang sabihin is Thank you, and Sorry sayo. Ako yung tipo ng babae na mahirap paki-usapan, pag ayaw ko ng kausap ay ayaw ko. Lahat ay takot sakin dahil sa sobrang sungit ko 'raw." Natawa sya ng mahina na nakapag-patawa rin samin. Tahimik ang lahat at nakikinig. "Pero, ang hindi ko inaasahan na may isang taong maglalakas loob na kausapin ako at parang isip bata kung kumilos at magsalita. Naiirita ako sa gano'n, ayaw ko sa maingay.  Ang problema, baliw ka, kung ano-anong tricks ang ginawa mo para lang mapansin kita. Nakakatawa ka nga dahil ginawa mo iyon, hindi ko alam na ang mga bagay na kinaiinisan ko sa tao ay magugustuhan ko rin pala sayo."

"Thank you dahil nag-istay ka sa 'kin. And sorry sa mga time na binalewala kita. Gusto kita pero hindi kita mahal, pilit ko parin kasing pinoproseso sa utak at sa puso ko ang lahat-lahat ng nangyari. Simpleng message lang ito para sa iyo pero sana ay magustuhan mo,yon lang, I like you."

Namuo nang ingay dito sa loob ng room at sunod-sunod pang tinawag ni Miss ang lahat hanggang sa ako,si Hermes,Allison,at Shan nalang ang hindi nagsasalita.

"Hermes Alvares," tawag ni Miss at tumayo naman ito.

"Wala naman akong mahabang sasabihin, i'm just a simple guy, simple guy na inlove na inlove sa isang babae. She's simple, noisy, and weird. Ang gusto ko lang sabihin sa  kanya na mahal ko sya hindi ko kakayanin kung iiwan mo ako. Ikakamatay ko kung makikita kong hawak kanang iba. Thanks" lihim akong napangiti at lumingon kay Allison na nakangiti rin. So sweet.

"Allison Alfaro," Sabi ni Miss. Tumayo na rin siya at pumunta sa harap.

"Wala rin akong masyadong sasabihin, gusto ko lang sabihin na, Mahal din kita. Ikaw yung pinaka magandang regalo na natanggap ko noong pasko. Hindi naging tayo dahil napilitan ako, sinagot kita dahil natatakot ako na baka mawala ka sakin, yung pagtitiyaga mo na intindihin ang weird kong ugali at ang mga kilos mo na hindi ko aasahang gagawin mo ay yun rin pala ang makakapagpahulog ng kalooban ko sayo. Saka ko na sasabihin yung iba kapag nasa harap na tayo ng simbahan at sinabi na ng Pari na bigkasin na ang mga wedding vows natin, sa ngayon 'yon lang muna. I love you." Mas lalong lumapad ang ngiti ko, pero aaminin ko rin na medyo naiinggit ako. Sana all.

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now