Chapter 5:

1.6K 78 1
                                    

Chapter 5: Lovenat

ALLISON 'POV

Kasalukuyan parin akong naka piggyback ngayon sa kanya, bakit kaya ang bait nya sakin? Ngayon ko palang sila halos makita at makilala, pero ang turing nila sakin ay hindi na kakaiba.

Pero ang weird lang na lahat pala sila kasal na, Sa edad nila ay hindi na bawal iyon dahil nasa hustong gulang na sila. The possesive section...iyon ang tawag sa section nila. Kakaiba pero malaki ang dahilan nila para ganun ang ipangalan sa section nila.

"Bakit hindi kapa nag-aasawa?" Tanong ko kay Hermes, nakapilig ang ulo ko sa balikat nya.

Ilang sandali syang natahimik bago ako sinagot, "Dahil hinihintay kita."

Ilan lamang salita iyon pero kakaiba na ang epekto no'n sakin, bigla nalang kumabog nang mabilis ang puso ko. Bakit ba kasi nararamdaman ko ito? At bakit kailangan pa niya akong hintayin kung sa gwapo niyang ito ay marami ang mahuhulog sa kaniyang kababaihan?

Hindi ako nagsalita, alam ko na nararamdaman nya ang tibok ng puso ko. Inihiga ko lang ang sarili ko sa likod niya at doon ko ipinahinga ang sarili ko.

Ilang minuto na ang nakalipas, naalimpungatan ako. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa loob na ako ng bahay. Sa loob ng isang kwarto.
Nakita ko na simple lang ang kwartong ito, amoy panglalaki at kulay panlalaki din ang kulay. Kulay itim na may halong puti at abo ang kulay ng pader. Pati ang mga kagamitan na gaya ng Kama at mga unan.

Dahan-dahan akong bumaba sa kama at bigla kong naalala na oras na pala! Gabi na sa labas ng bahay, sigurado akong hinihintay na ako ni mamskie at papskie. Bakit ba kasi ako natulog? Teka! Natulog o nakatulog? 

Mabilis pa sa bente kwatro oras ay lumabas ako sa loob ng kwarto na 'yon at napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko sina mamskie at papskie sa sala na naka-upo at kausap ang lahat, maliban sakin. Hindi yata nila ramdam ang presensya ko kaya ako na mismo ang nag-ingay.

"Mamskie? Papskie? Ano pong ginagawa nyo dito?"

Lahat sila ay lumingon sakin, nagulat si mamskie at papskie ng makita akong gising na. "Baby, sorry nagising ba kita?" Tanong ni Mamskie,pero umiling ako.

"Ano pong ginagawa nyo dito?" Pag-uulit kong tanong.

Nginitian nya ako at nilapitan. Hinawakan nya ako sa braso ko at inalalayan na umupo sa sofa. "Tinawagan kasi kami ni Hermes, sabi nya na kasama ka daw nya at ipagdala ka daw namin ng damit kasi dito ka na daw matutulog." Masayang kwento nya.

"Ako? Matutulog? Dito sa bahay
Nato? Mama naman." Maktol ko.

"Anak wala naman problema samin yon," sabi ni mama. Tiningnan ko si papa para humingi nang tulong pero ngiti lang ang isinalubong nya. Nang ipalibot ko ang tingin ko sa mga kaklase ko ay nagkibit-balikat lang sila.

Pero napansin ko na para bang wala si Hermes. Nasaan na kaya ang lalaking yon? Baka naman nambabae na? Tanong ng isip ko.

"May hinahanap ka?" Tanong ni Lai.

"Ah?" Maang-mangan na tanong ko?

"Tinatanong ko kung may hinahanap ka."

Wow. Lakas ng loob ah? Inulit pa talaga ang tanong. Ba't ko naman hahanapin ang lalaking yun? Sino ba sya?

"Sinong hahanapin ko?" Tanong ko pero mukhang nagulat sila. Napa-singhap naman sila isa-isa.

"Wala yon anak," si mama na ang nagsalita. "Aalis na nga pala kami ng papskie mo,ah? Dadaan pa kasi kami kay lola Sally mo para ibigay ang mga prutas na ito."

Tumayo silang lahat kasama sina mama at papa, tumayo nalang rin ako at hinatid sila sa labas ng bahay. Kulang kami. Wala ba talaga si Hermes?

Siguro nagbabae na talaga 'yon.

Pagkahatid ko kila mama ay mabilis kong kinuha ang gamit ko at naligo. Mabilis lang akong naligo dahil sobrang lamig ng klima dito, ang sarap amuyin ang sariwang hangin. Napakasarap sa pakiramdam na ganiyong lugar dito sa Pilipinas. Doon sa banyo ng kwarto kung saan ako nakatulog kanina ay doon ako naligo, biglang tumunog ang tiyan ko.

Bumaba na ako at narinig ko ang ingay nila na nanggagaling sa kusina, dahan-dahan akong naglakad papunta roon. Mukhang hindi nila ako naririnig, dahil mas maingay ang boses nila kaysa sa mga yapak ko.

"Tawagan nyo na si Hermes, sabihin nyo hinahanap na sya ng prinsesa nya." Si ate Lou yon.

"Sus... alam naman kasi nyang pupunta tayo dito sa Bahay hindi pa binilhan ng stick-o tyaka yakult ang prinsesa nya." Si brent.

"Ang daldal nyo!"

"Nagsalita yung hindi."

"Bahala kayo dyan, kapag si Alli nagising ng dahil sa kaingayan nyo. Lagot kayo kay Hermes, peksman"

Saan kaya pumunta si Hermes? Tanong ko sa sarili ko. Sino ba naman ang sasagot sa tanong ko? At anong pakialam ko sa lalaking yon?

Nagdere-deretso nalang ako sa paglalakad papunta sa kusina, lahat nga sila narito pero nalang sa Hermes na yon. Sino kaya ang prinsesa nya?

"Tapos kana palang maligo, Alli. Kumain kana at wag kang papagutom, baka kami ang mapagalitan kapag nagutom ka." Bilin ni ate Lou.

"Bakit naman kayo papagalitan ni Mama at Papa? Sa bahay nga namin hindi ako kumakain madalas dahil hindi ko hilig ang pagkain, madalas na kinakain ko ay mga siomai at calamares." Sabi ko pero wala silang imik bagkus ay tinitingnan lang nila ako.

"Hindi iyon ang ibig nyang sabihin,Alli.” Sabat ni Lai.

"Ah?"

"HHAHA, kumain kana. Mamaya lang ay ipapasyal ka ni Hermes dito sa lugar." Sabi nya pa.

"Hindi ako sasama," sabi ko na ikinatigil nila sa pagkain nila at tinignan ako. "Pagod ako at masama ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit."

Tumayo si Lai at ate Lou at pinuntahan ako, hinawakan ni ate Lou ang noo ko, "Ang init mo? May sakit kana pala ba't hindi mo sinabi?" sermon nya.

"Ngayon ko lang naramdaman ate."

"Sige na, akyat ka na sa kwarto. Hahatiran na lang kita ng pagkain at gamot."

Tumango lang ako at umakyat na sa kwarto, inalalayan pa ako ni Lai,Nicky, at Daisy.

"Nawala lang si Hermes ay nilagnat kana." Pang-aasar ni Nicky sakin.

“Hindi na man sa ganon Ate Nicky. Kaninang umaga pa lang ay ramdam ko na ang sakit ng pakiramdam ko,ngunit hindi ko lang pinansin,” pagtatanggol ko sa sarili ko.

“Ang issue mo kasi talaga, Nicky. Pati itong si Alli ay dinadamay mo sa kakaganyan mo,” pakikisabat ni Ate Lai.

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now