Chapter 1

2.5K 103 1
                                    


Chapter 1: First Day

ALLISON 'POV

"Hello!" Napalingon ako sa babaeng nasa harap ko ngayon.

Nginitian ko lang sya at binati rin. "Hi," sabi ko pa na ikinatili nya. Nagulat naman ako sa ginawa nya. Bakit naman kaya? At sinong normal ang pag-iisip ang titili ng gano'n?

"Ang cute naman ng boses mo! Ako nga pala si Laida! Just call me Lai, but not Ida." Inilapag nya ang kanyang kamay.

Tinanggap ko naman iyon at nagpakilala rin, pero ng inabot ko na iyon ay hinila nya ako. Ang akala ko lang ay yayakapin nya lang ako pero hindi pala dahil may ibinulong ito.

"Crush ka nyan ni Hermes, nakakakilig kayo."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko naman siya maintindihan, hindi ko din kilala ang sinasabi niya. Hermes? Who's that? Bago palang ako rito, pero kilala na ako nung Hermes na 'yon?

Nang akmang magtatanong ako kung anong ibig niyang sabihin ay may nagsalita na sa likuran ko na siyang ikina-igtad ko ng bahagya sa pagkakatayo ko.

"You're hurting her, Lai." Sabi 'yon ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kinatatayuan namin ni Lai.

Nang tingnan ko ito ay seryoso ang tingin niya sa akin, kaya naman napalunok ako. Ang mapupungay niyang mata, ang umiigting nitong panga, ang matangos nitong ilong, ang makapal na kilay at ang mapula-pulang labi ay nakakadagdag sa angas niya.

Parang iyong mga nakikita ko lang na artista sa ibang bansa ang postura niya.

Napakatangkad niya at ang maskulado nitong katawan ay mas lalong nagpapadagdag sa ka-gwapuhan niya. Siya ba yung Hermes na sinasabi ni Lai?

"Luh! Sorry, Allison!" paghihingi nya pa ng tawad at hinawakan pa ang kamay ko

Umiling ako at ngumiti ng tipid. "Okay lang naman ako, huwag mo akong intindihin." Tipid kong sabi.

Nagulat naman ako dahil may biglang nanghila sa kamay ko kaya naman napa-upo ako sa upuan. Shit! Muntikan na akong ma-out-balance doon, ano bang problema nito? Nakaka-inis at nakaka-irita! Bwisit!

"Sit-down," malumanay man ang pagkakasabi no'n ay nandoon parin ang ang utos sa baritonong boses niya.

Narinig ko na nagbulungan ang mga iba pang kaklase ko ,malalapad ang mga ngiti nila na hindi ko naman maintindihan kung bakit. Para bang sa likod ng mga ngiti na 'yon ay may malalim rin na sikreto.

Naiilang na ako sa pagtitig ng lalaking ito sa akin. Kinakabahan ako sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit nya ginagawa 'to. Hindi ko alam ang rason kung bakit ganito siya kung tumitig. It's weird. Really, weird.

Hindi pa ako nakapag- pakilala sa kanilang lahat, dahil parating pa lang ang next teacher namin which is adviser talaga namin.

"Nandyan na si Manchi!" Sigaw ng isa sa kaklase kong lalaki.

Kita ko ang pag-iiba ng pwesto ng mga classmate ko, kung kanina ay babae at babae, lalaki at lalaki ang magkatabi. Ngayon ay babae at lalaki na ang magkakatabi.

Hindi na umalis sa upuan si Lai, bagkus ay yung isang classmate ko ang kusang lumapit sa kanya. Gwapo rin ito, at talaga nga namang biniyayaan lahat ng itsura ang section na ito.

"Huwag ka nang aalis dyan, Allison. Safe ka kapag kasama mo si Hermes. Bukod sa hindi ka na mapapahamak, hindi ka mapapakialaman ni Manachi." Inginuso nya si Hermes na ngayon ay bakas ang konting galit sa mukha nya.

Nakakunot ang noo nito at nakakuyom ang kamao nito na parang handa nang manuntok kahit na anong oras. Galit na galit siya.

Ngumiti ako ng tipid. Naiilang parin sa inaakto ng mga taong nasa paligid ko, lalo naman sa lalaking katabi ko.

"Ayos lang ako, kaya ko naman ang sarili ko,e. " tipid na sabi ko. Tinanguan nya lang ako. "T'yaka ka pala,Lai." Tinaas nya lang ang kilay nya. "Alli, nalang ang itawag mo, ayaw ko kasi ng Allison."

Kumunot ang noo ni Lai at nung katabi nya na biglang napalingon ng sabihin ko 'yon,"Bakit naman?" tanong nya na nakataas parin ang kilay.

"Privacy..." sabi ko. Saglit siyang natigilan at tiningnan ang lalaking katabi ko, sinundan ko din ng tingin si Hermes at na kita kong tinanguan niya lang ito.

"Okay, if that's what you want, Alli, masusunod," napangiti naman ako sa sinabi nya.

Curious ako! Pwede naman siguro akong magtanong diba? Hindi naman ko pusa para mamatay sa sinasabi nilang 'CURIOUSITY ALWAYS KILL THE CAT'

"Lai?"Tawag ko at dali-dali syang humarap sakin. "Bakit Manchi ang tawag nila sa Adviser natin?"

Manchi? Pero ang alam ko... Hindi ganoon ang apelyido ng adviser namin. Hindi naman Manchi 'yon.

Hindi siya nakasagot bagkus ay tiningnan nya muna si Hermes. Yung lalaking katabi, napatingin ako muli rito at tumango lang si Hermes. "Kasi mukha syang monkey, hahahah!!!"

Napangiti naman ako ng bahagya doon sa sinabi nya, pero bakit kailangan na may permiso pa bago sabihin yon? Magtatanong pa sana ako kaso dumating na ang adviser namin.

Pagpasok nya ay nakita kong nag-iba ang itsura ng mukha ng mga kaklase kong lalaki, sumeryoso ang mukha nila. Kung kanina ay sobrang ingay nila, ngayon ay para silang papatay.

Napalingon ako sa isang makisig na lalaking pumasok sa room. Nakangisi ito. Nakaramdam ako bigla ng kaba sa paraan niya ng pagtingin sa iba.

Ang akala ko ay mukhang monkey talaga ang Sir namin pero hindi pala! Shit ang gwapo! "Good morning class," bati nya. Hindi ako sumagot dahil hindi din sumagot ang mga kaklasi ko. Bakit kaya?

Tiningnan ko lang ang sir ko at ngumisi ito ng makita ako, kinabahan ako sa paraan nya ng pagngisi. Ramdam ko na may humawak sa kamay ko, S-si.... Hermes.

"May new classmate pala kayo," mapang-asar na sabi nya.

"It's obvious, dumbass!" Lahat ay lumingon sa likuran ng magsalita si Hermes.

Gago ba siya?! Ba't niya sinasabi sa teacher namin 'yon? Baka ma-kick-out 'to sa school sa ginagawa niya, ah?!

"Why? You want a new target, huh? 'Don't you ever touch your filthy hands on her, not this time."

Nginisian lang sya ng Sir ko at tinawag naman ako nito para magpakilala sa harap ng board. Tatayo na sana ako pero mas hinigpitan ni Hermes ang pagkakahawak nya sa kamay ko. "No need. She's Allison Alfaro, 17 years old. Alyana and Ericson Alfaro is her Mother and Father."

Nagulat ako sa mga narinig ko, natigilan si Sir ko pero ngumisi muli ito. At nagsalita muna ito bago magturo, "So possesive."

Hindi sya pinansin ni Hermes, ganoon din ang mga classmate ko. Nakakapagtaka lang dahil para bang todo protekta ang mga kaklase kong lalaki sa mga classmate kong babae.

Isa-isa kasing naglabas ng mga jacket ang mga classmate ko at ibinigay 'yon sa mga classmate kong babae. Anong meron? Oo nga at maiksi ang palda ng mga ito, but, I know it's normal in this school.

Buti nalang at naka jeans ako at mahabang t-shirt kaya naman komportable akong gumalaw. Hindi rin ako ma-iilang tulad ng iba.

Pilit kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Hermes pero ayaw nyang bitawan. May inilapag na sulat si Lai sa desk ko.

'Wag kang papalag,Alli. Para sayo yang ginagawa nya.'

Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Hinayaan ko lang sya pero hindi na bukas dahil naiilang na ako!

____________

PS: I'm so sorry because umabot ng years bago ko ma-revise ang first ever story ko here in wattpad. Sobrang na-busy lang sa school at sorry agad in advance if parang jeje ang mga words, yung iba kasi hindi ko na iniba pero nag-add ako ng iilang words and make it more simple so that you can understand it. Thank you for your patience, guys!

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now