Chapter 13:

1.1K 76 4
                                    


Chapter 13:

ALLISON 'POV

Sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit si Hermes ang nakilala ko? Nakakainis kasi hindi naman ako pinipigilan ng puso ko, feeling ko tuloy ay mukhang hulog na hulog na ako. Lunod na lunod na sa pagmamahal nya.

Hahahah joke lang! Wala namang nagbago. 2 months  nako sa school na yon, pero ganun parin at walang pagbabago. Todo protekta parin ang lahat sa kanya-kanya nilang mga asawa. Si Hermes? Nakakainis! Dahil nakapalda na ako, at hindi nya mapaki- usapan ang principal na mag-jeans nalang ako sa tuwing papasok ako ay nagdala ito ng kumot sa school.

Nilalabas lang naman nya 'yon sa tuwing si sir Manchi na ang teacher namin, nung una nga tinawanan kami ng mga kaklase namin. Sina ate Lou at ang lahat. Pero dahil naasag sila ni Hermes ay nakigaya narin ang lahat. Nung araw na tinanong ko si ate Lou ay talagang nagulat ako sa sinabi nya. Kaya naman pala todo kung makaprotekta tong mga possesive kong mga kuya-kuyahan , eh.

*flashback*

Recess na ngayon oras na ito kaya naman lumabas nanaman kaming lahat, dumeretso na naman kami sa bahay/ tambayan. Grabe sobrang tahimik ng mga kuya-kuyahan ko, tapos naririnig ko ang mga usap- usapan nila na tungkol kay sir Gil a.k.a manchi the 'manyak'.

Naguluhan ako sa narinig ko kaya naman nagtanong ako kay ate Lou. "Ate, bakit Manchi ang tawag nyo kay sir Gil?"

Mukhang nagulat sya sa tanong ko pero sinenyasan nya akong maupo, nasa tabi kami ng ilog  ngayon. Nag-aya ako dahil gusto ko din naman mag-swimming, tyaka isa pa napaka-ganda dito at nakapaka-linis ng tubig.

"Curious ka ba kung bakit sir Manchi ang tawag namin sa lalaking 'yon?" Tanong ni ate Lou. Tumango naman ako. "Dahil manyak sya."

"Hindi ko po maintindihan, ate Lou." Sabi ko.

"Manyak + Monkey = Manchi. Ganun lang ang naisip namin na itawag sa kanya para naman hindi magtaka ang mga ibang teachers."

"Bakit naman po nasabi nyo na manyak sya?"

"Kase ganun sya, wag mong alamin sakin ang sagot, Alli. Sa boyfriend mo."

"Hindi ko naman po sya boyfriend eh."

"Asawa mo na?" Pang-aasar nya.

"Ate naman, eh. Hindi naman po," pagtanggi ko. "Nanliligaw palang po sya."

"Hahaha!! Si Hermes nanliligaw palang? Bago yon ah?"

"Bakit po?"

"Wala, wala. Hahaha, may-aasarin nanamn ako. Btw, bumalik kana sa kwento mo."

"Wag na po, ayos lang hahaha."

Kaya pala.... kaya pala ganun ang tawag nila. Naku! Kailangan ko nang umiwas dun.

*end of flashback*

Yun ang dahilan nila, iniisip ko nga kung sino naba ang nagawan ng masama ng Sir ko na ito? Paano nila nalaman? Ba't hindi nalang sila magsumbong? Grabe! 2months na ako dito pero ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon.

Simula nang sinabi 'yon ni Ate lou ay hindi na ako umangal kapag binibigay nya sa 'kin yon, nakigaya na nga rin ang lahat eh. Naging masaya ang 2months na pananatili ko dito, kaso sa buhay ng tao ay talagang kailangan mong magsakripisyo at magkaroon ng problema.

Ayon! Di parin pinapansin ni Ate Lai si Kuya Shan, iniisip ko tuloy na pagbatihin sila pero paano? Masyadong naging busy ang lahat dahil may performance na gagawin ang bawat section. Sabi nila kada taon naman daw ay ginagawa 'yon ng mga kada section. May dalawang estudyanteng representative ang section, at per grade level ay may mananalo. 7 section mayroon ang mga firstyear college, pinaka huli kami.

Sya nga pala, si ate Lai at ate Mikee ang representative ng section namin. Kakanta silang pareho pero hindi sabay sa stage. Excited nga akong pakinggan kumanta si ate Lai dahil gusto kong makita ang magiging reaksyon ni kuya Shan.

Nasa canteen kami ngayon ni Hermes, katabi ko sya sa upuan dahil 'yon ang napag-usapan namin. Nanliligaw nadin sya, sinabi ko 'yon. Manligaw muna sya bago nya sabihin na kanya ako. Pumayag sya basta't wag na wag na wag lang daw akong sasama kay Manchi. Oo, naman afad ang naging sagot ko. Ang sweet nga nyang nanliligaw, eh. Kasi naman araw-araw may yakult at stick-o ako ang sarap.

"Hindi ka nagsasawa sa pagkain ng ganyan?" Tanong ni ate Lou, hinarap ko sya pero nakaturo sya sa kinakain ko.

Umiling lang ako. "Masarap po ito, at nasustansya sa katawan ang yakult."

"Pero mas masustansya ang gatas" singit ni kuya Brent.

"Malaki na po ako bakit pa ako mag-gagatas?"

Imbis na sagutin ay tinawanan nila ako. Si ate Lou, ate Lai, kuya Brent at kuya Shan ang madalas naming kasama. Si kuya Ryle at yung iba kasi ay mas focus na nilalambing ang isat-isa. Hindi katulad ng mga ito na ang ilap sa mga asawa nila.

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan, hanggang sa ang ingay na 'yon ay biglang natahimik ng biglang pumasok ang mga ilang estudyante. 4 na lalaki at 2 babae na sobrang kapal ng make-up. Ang pangit nila.

"Tara na, kundi tayo aalis gulo nanaman 'to." Sabi ni ate Lou.

Isa-isang nagsitayuan ang nga kasama ko, nagtataka man ay tumayo nalang rin ako. Iba kung tumingin yung apat na lalaki saming tatlong babae, yung mga kasama nilang babae ay mukhang nagpapapansin kay Hermes.

'Wag ang bata ko! Buburahin ko ang mga make-up nyo gamit ang kamao ko.'  Sabi ko sa isip ko.

Nang bumaling sila ng tingin sakin ay tiningnan nila ako ng masama, kaya naman sa inis ko ay itinaas ko ang middle finger ko at iniharap sa kanila. Mukhang nagulat sila sa ginawa ko dahil natigilan sila, pero may narinig naman akong mahinang tawa sa likod ko.

"Nice," sabi ni kuya Brent. "Wag mong hahayaan ang mga 'yon na landiin si Hermes, madali pa naman bumigay 'to."

Nakita ko kung paano tingnan ng masama ng lahat si Brent, ngunit tumawa lang ang loko. Tiningan ko si Hermes ngunit umiling lang sya, nagkibit- balikat lang ako sa kanya.

Palabas na sama kami ng canteen ng may humarang sa daraanan namin, yung apat na lalaki at dalawang babae 'to. Nakainis na ang mukha nila!nakakairita! "Hi, miss!!" Bati ng isang lalaki sakin. Matangkad din ito parang si Hermes. "My name is Gimar." Pagpapakilala nya saka inabot ang kamay.

"Wag mong tatanggapin," bulong ni Hermes.

Ngunit imbis na makinig ako sa kanya ay kinamayan ko din ang lalaki at nagpakilala. "Allison Alfaro...." naka-ismirk ito at yung mga kasama nya, nakita ko ang galit sa mukha ni Hermes, humarap ako muli sa kausap ko. "Alvares," dagdag ko. "My name is Allison Alfaro Alvares."

Nakita ko ang gulat sa mata ng kaharap ko ngayon, binitawan ko ang kamay nya saka bumaling kay Hermes na ngayon ay sobra na ang ngiti sa labi. "Tara na? Kailangan pang mag-rehearse ni Ate Lai."

Tumango naman sila isa-isa at lumabas sa canteen na may nanunuksong tingin, "Allison Alvares." Dinig kong bulong ni Hermes. "Bagay na bagay."

:)

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now