Chapter II

2.6K 108 9
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS




Inis na napakamot ako sa ulo ko. Sino ba naman ang hindi maiinis kung nasa kalagitnaan ka ng masarap na pagtulog, ee may bwisit na gagambala sayo.

Para ang sarap pumatay ngayon. Sa totoo lang.

"Get up na Helen! Baka malate tayo!"

I glared at him. "Edi malate kung malate! May hinahabol kabang oras!" Gigil na tugon ko

Pero ang bwisit na 'to, hindi man lang natakot sa masamang tinging binibigay ko at talagang ngumiti pa ng nakakaloko.

Paano ba nakapasok sa kwarto ko ang mokong na 'to?

"Bumangon kana diyan. Ikaw na lang hinihintay namin."

My brows furrowed. "Namin?"

Hindi man lang niya nagawang sagutin ang tanong ko at dere-deretso lang siyang lumabas ng kwarto ko. Inis na ginulo ko ang buhok ko.

Ano bang oras lang? Ang aga-aga pa pero nandito na siya, binubulabog ang masarap kong tulog. Kung hindi ko talaga siya kapatid, ay ewan ko na lang. Jusko.

Wala na din naman akong magagawa pa kaya imbes na magmaktol, bumagon na lang ako para makapag-ayos ng sarili. Mabuti na lang talaga at naayos ko na ang mga gamit ko kagabi na dadalhin, kung hindi mamumuti ang mata nila kakahintay sa'kin.

Halos saglit lang din ang ginugol ko sa pag-aayos at agad na binaba ang mga naghihintay sa'kin.

Automatic na nagtaas ang kilay ko ng makita ang walang habas kong pinsan na prenteng nakaupo sa sofa at talagang nakapatong pa ang paa niya sa lamesa.

Napaka walang modo talaga.

Agad ko namang tinulak pababa yung paa niya. Saan ba nagmana ang basag na 'to? Grabe ee. "Umayos ka nga ng upo mo."

But she just smirked at me. "Sungit mo naman Ms. Stevens."

I rolled my eyes at her. "Mrs. Morales." Pagtatama ko. "At bakit ba nandito ka?"

So, kaya pala "namin" ang ginamit na word ng kuya kong loko-loko ay dahil nandito ang isa pang bwisit.

"Kasi, sasama ako?" Nakangising sagot niya

I crossed my arms over my chest. "Mabuti naman." I paused. "Para mailunod na kita ng tuluyan."

Pero ang bruhang ito, sinamaan ako ng tingin. "Ipapakain muna kita sa buwaya bago mo ko ilunod."

I raised my brow to her. "Gusto mo?"

Her brows furrowed. "Gus-.."

"Sumabog mukha mo?" I cut her off

"Napakasama talaga ng ugali mo Helen!" Pikong tugon niya

Napatawa naman ako ng malakas. Para talaga siyang si Kuya. Ang lakas makapang-asar pero kapag sila na ang inaasar, abay pikon na pikon.

Tss.

"Easy girls." Kuya Pollux said. "Ano? Tara na?"

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi niya at nagdere-deretso lang ako sa paglabas ng bahay. Hindi ko alam pero parang may pakiramdam ako na kailangan ko talagang sumama sa kanya. Pero sana naman, maging maayos ang paglalagi namin sa lugar na yun.

Siguraduhin lang talaga ng kapatid kong 'to na masusulit ko ang bakasyon na sinasabi niya. Nako talaga.

Nauna na kong sumakay sa Van at kasunod ko naman ang pinsan kong ubod ng kapilyahan. Talagang napairap ako ng pasimple niyang bigyan ng malanding ngiti ang driver namin ngayon.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now