Chapter XXVI

2K 94 31
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS




"Love, are you alright?"

Napa-ayos naman ako ng pagkakaupo at pilit ang ngiting tumingin sa kanya.
"Yes love."

He just took a quick glance at me. "You're not in your mood Helen." He said, worriedly. "Tell me, what's wrong? What's bothering you?" Pagtatanong niya pa.

Napahinga naman ako ng malalim. Nakakahiya. Kasama ko siya ngayon, pero parang wala lang din ako sa tabi niya.

Ano na bang nangyayari sa'kin?

I held his hand and give my genuinely smile trying to assure him that everything's alright. "I'm fine love." I gulped hard. "Medyo stress lang sa work. I'm sorry."

He nodded slowly. "Gusto mo bang next time na lang natin ituloy 'to? Para makapag pahinga ka din ngayon."

Naalerto naman ako sa sinabi niya. "No, ituloy natin 'to."

"Are you sure?"

I immediately nodded at him. "Yes. Ngayon lang tayo makakalabas ulit na tayong dalawa lang."

Napabuntong hininga lang naman siya sa'kin saka marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Namayani na ulit ang katahimikan sa aming dalawa habang lulan kami nitong sasakyan niya.

Saglit lang din ang ginugol namin sa daan bago kami tuluyang nakahinto sa tapat ng isang restaurant. Hindi naman na ako umangal pa ng pagbuksan niya ko ng pintuan.

"Ready?"

Napangiti naman ako. Sino ba naman kasing hindi mapapangiti kung ganito ka-gwapo ang fiancé mo.

I chuckled and give a peck in  the bridge of his nose. "Ready love."

Marahan niya lang hinawakan ang kamay ko at maingat akong iginiya sa loob. Walang patid ang malaking pagkakangiti namin ngayon ni Stephen hanggang sa tuluyan na kaming makahanap ang mapu-pwestuhan.

"Thank you." He suddenly said.

Napakunot noo naman ako. "For what Stephen?"

Hindi ko na nagawa pang umangal ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at marahan itong minasahe. "For loving me Helen."

Mas lalo akong nagtaka ngayon. Ano ba itong mga lumalabas sa bibig niya? Bakit ganito naman ata ang mga pinagsasasabi niya? Napaka gulo niya ah.

"Stephen what are you tal-.."

Ni hindi ko man lang nagawang tapusin ang itatanong ko sa kanya dahil sa biglang pagtunog ng cellphone niya. Hindi ko alam pero napairap ako.

Pati ba naman cellphone, nakiki-epal sa sitwasyon ngayon. Grabe lang talaga.

"I'll just take this call love, wait a minute."

Isang tipid na ngiti lang ang tinugon ko sa kanya. Kasabay naman ng pag-alis niya, ay siyang pagdating ng waiter. Napailing na lang tuloy ako bago mabilis na kinuha ang menu sa kanya. 

Wow lang talaga. Tss. 

Parang nananadya sa'kin ang tadhana ngayon. Kakairita.

Nasa kalagitnaan ako ng pamimili ng makakain ngayon ng pasalampak na naupo si Stephen sa upuan na nasa harap ko lang din.

"Are you done love?" I asked, still looking in this menu.

Wala naman akong narinig na sagot sa kanya kaya takang-taka akong tiningnan siya.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now