CRISTINA HELEN STEVENS
( "Ano? Kailangan mo ba ng resbak?" )
Napailing naman ako. Ang aga-aga pero boses na agad niya ang narinig ko. Take note, hindi lang boses niya, kundi boses nilang lahat.
Parang mga ewan. Istorbo sila sa masarap kong pagtulog ee.
"No need Kend. I'm fine. Don't worry."
( "Oh really ah? Aren't you scared?" )
I chuckled. I'm fucking scared woman. Natatakot ako na baka hindi na nga mabuo ang pamilyang pinapangarap kong mabuo. "No, I'm not." I lied. Tss.
( "Wow. What a brave woman?" ) nahihimigan ko pa ang pangungutya sa boses niya. Kaya napairap naman ako sa repleksiyon ko sa salamin.
Ano kayang magandang suotin ngayon? Gusto ko yung, makita pa lang niya ko talagang mabibighani na siya sa ganda ko. Tipong hindi siya magdadalawang isip na balikan ako. O kaya naman manghihinayang siya na iniwan niya ko at naghanap ng iba.
Tss. Poor Raven. Ang diyosa na ng asawa mo, tapos ipagpapalit mo lang sa babaeng hindi man lang nalagpasan ang kagandahang mayroon ako. Hay nako.
( "Sure ka ba talagang ayaw ng resbak galing sa'min?" ) and it's Thalia.
Napangiti naman ako. Talagang hindi nila ko titigilan hangga't hindi ako pumapayag sa gusto nila.
Pero, I'm sorry friends. Mas gusto kong ako na muna ang gagawa ng paraan para makuha siya. "I can handle this girls." I simply said
( "Make sure na sayo parin siya uuwi sa huli Helen." ) I heard Ianthe said. ( "Dahil kapag nakita kong talo kana, wala ka ng magagawa pa kundi ang hayaan kami sa plano namin." )
My brows furrowed. "What do you mean Ianthe Violet? What plan are you talking about?" Minsan talaga, ang weweird nila. Hindi ko na alam kung anong natakbo sa isip nila ngayon.
( "Are we clear Cristina Helen?" ) pag-iiba niya
I shook my head in disbelief. Wala parin siyang pagbabago, siya parin ang kaibigan kong saksakan ng sungit at suplada. Isama mo pa na hindi siya natanggap ng pagkatalo.
Ianthe is Ianthe. Tss.
I sighed in defeat "Yeah, fine. As if I have a choice."
( "Well, you don't have a choice Stevens." )
Napairap na lang ako sa kawalan. "I'm still a Morales."
Pero ang mga bruha, tila tuwang-tuwa pa sila na naiinis ako at talagang naghagalpakan sila ng tawa. Nakakautas ah. Sa pagkakaalam ko, walang nakakatawa sa sinabi ko.
Mga bwisit talaga sila.
( "Anyway, maganda ba?" ) Cassandra asked
Napakunot noo naman ako. "Oo naman, araw-araw naman akong maganda Cass."
I heard her tongue clicking. ( "Ha Ha. Funny." ) I bet she's rolling her eyes right now. ( "Ang ibig kong sabihin na bruha ka, maganda ba yung pinalit sayo?" )
Napangiti naman aka bigla. "Masamang magsinungaling Cass. Kaya syempre, mas maganda ako." I flipped my hair infrong of the mirror. "Walang panama sa kagandahang meron ako."
( "Mas maganda ka nga, mas mahal naman siya." ) pambabara naman sa'kin ng bruhang si Athena.
Parang bulang nawala ang malaking pagkakangiti ko. Nakakainis talaga kapag siya ang nagsasalita. "Pasmado bibig mo Minerva ah. Sasabunutan talaga kita kapag nagkita tayong dalawa."
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Cristina Helen Stevens
RomanceHistoria#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020