Chapter XVII

2K 102 63
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS






3 Years later...








"Black, mommy."

"And this one baby."

She pout. "Bo-lue po."

Napangiwi naman ako. Grabe naman yung bo-lue. "Baby, say Blue."

"Bo-lue."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napatawa na ko. Ang cute cute niya. Halatang-halata sa kanya na sobrang bored na bored siya habang nagtuturo ako, pero nakikinig naman siya.

Kaya lang, bulol. Haha.

"Mom, gutom na po."

Marahan ko lang dinampian ng halik ang noo niya. "Wait for me. Okay?"

She just nodded at me. Agad naman akong tumayo at tinungo ang kusina. At syempre, naghanda na din ako ng makakakain niya. Mukhang nagutom nga ang anak ko.

Naghanda lang ako ng chocolate pancake na gusto niya at isang basong gatas. Naabutan ko lang naman siya na pinaglalaruan yung mga krayola na akala mo'y barbie yun.

Minsan talaga napapaisip din ako ee, ano ba klaseng utak meron ang anak kong ito? Grabe.

"Mommy."

Ngumiti lang naman ako sa kanya bago tumabi sa kanya at inabot yung pagkain na hinanda ko. Wala naman siyang pagdadalawang isip na kinain yun. Mas lalo lang lumawak ang ngiting meron ako ngayon.

Kamukhang-kamukha niya ang mama niya.

Nakakainis. Ako ang nagdala sa kanya sa loob ng siyam na buwan pero siya ang kamukha.

Unfair. Tss. 

"Aaral paba ulit tayo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Sa mga oras na 'to, tanging tawa ko lang ang maririnig sa loob ng  kabahayan. Hindi ba naman ang hindi matatawa sa kanya? Parang bigla siyang nalugi ng sabihin kong mag-aaral na ulit kami.

Ang mga bata talaga ngayon. Hay. Kakaiba.

"Mom, laro na po ako. Pede?" She asked, puppy eyes.

I chuckled and nodded at her. Wala naman akong magagawa ee. Hindi naman ako makakahindi sa kanya ee. Nakangiting nakatingin lang ako sa kanya habang masaya na siyang naglalaro ng mga laruan niya.

Napailing na lang ako. Magkakaroon na naman ng sariling mundo ang anak ko.

Imbes na panoorin siya, kinuha ko na lang ang laptop ko at tinawagan ang mga bruha ko. Namimiss ko na sila ee.

Hindi naman ako nabigo at saktong-sakto na online din sila. Wala tuloy patid ang ngiti ko ngayon.

( "Hello there Cristina." ) Athena greet me.

I chuckled. "Hello Minerva. What's up?"

She just rolled her eyes at me. ( "Tired." )

( "At saan ka naman napagod Minerva? Ee pa-chill chill ka nga lang diyan sa bahay mo." ) And it's my friend, Cassandra

( "Walang basagan ng trip Cass. Napagod ako sa bebe time namin ni Lachesis." ) She paused. ( "Inggit ka lang ee. Pa-hard to get kasi asawa mo." )

Hindi ko naman napigilan ang malakas na pagtawa ko. Masyadong pasmado ang bibig ni Athena. Jusko

( "Alam mo, dapat na kitang ipa-dispatsa, masyado ka ng maraming nalalaman." ) Inis na sagot naman ng isa.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now