Chapter IX

2K 97 4
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS


"I think I can't do this." Garalgal kong saad.

Sino ba naman kasi ang ma-eexcite sa ganitong plano? Alam ko namang matanda na ko at nasa tamang edad na, pero ang pagkakaroon ng anak na hindi pinagpaplanuhan? Jusko, hindi ko alam.

Paano kung mag-fail ako sa pagiging ina? Paano kung hindi ko kayanin ang mag-alaga ng bata?

Damn it! Sa lahat ng taong nasa tamang edad na, ako ata ang pinaka bobo.

"Yes Helen, you can." Ianthe simply said

I pout and took a deep breath. Ang gagaling talaga ng mga kaibigan ko. Napaka-supportive nila pagdating sa ganitong bagay. Tss.

"Pwede bang umatras?" Kagat labing tanong ko

Mukhang mali ata na natanong ko sa kanila ang bagay na yun. Nakatanggap lang naman kasi ako ng masasamang tingin galing sa mga kaibigan kong ito.

At teka lang ah, bakit ba nandito sila? Hindi ba sila hinahanap ng mga asawa't anak nila?

"Don't you dare Helen." Athena coldly said. "Ang layo-layo ng binyahe namin para lang sayo kaya wag na wag mong tangkain pa ang umurong." She added

I just rolled my eyes at her. "Edi sana hindi kana sumama pa sa kanila diba. Sana naghintay kana lang dito sa Manila." Sagot ko. "Tutal, sanay ka namang maghintay."

Pero ang gagang 'to, tinaasan lang ako ng kilay. Tapyasin ko kaya kilay nito. Tingnan lang natin kung makakapagtaray pa siya sa'kin.

"Ang ingay niyong dalawa. Pwede bang manahimik kayo kahit ilang minuto lang." And it's Penelope

Nagkibit balikat na lang  ako bago sundin ang gusto niya. Wala naman akong nagawa kundi ang ilibot ang tingin ko sa kabuuan ng opisina ng OB-gyne ko.

Mukhang hindi parin nagbabago ng taste ang babaeng yun. Mahilig parin siya sa mga simpleng bagay.

"Aren't you scared?" Cassandra asked

My brows furrowed. "Scared? Why would I?" Okay fine, I lied. Tss.  Sa mga oras na 'to, grabe na ang kabang nararamdaman ko.

Sana lang talaga, mapagtagumpayan ko ang laban na 'to. Gosh.

"Well, ako kasi noon kay Blossom, kabado ako." Nakangiting sagot niya sa'kin. "Binalak ko ding umurong sa ganito pero syempre hindi ko tinuloy. Nilabanan ko yung takot ko dahil kay Brier."

Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata niya habang sinasabi niya sa'kin ang mga katagang yun. Mahal na mahal niya nga talaga ang asawa niya.

"Gusto kong magkaroon ng pamilyang matatawag kong sa'kin kaya tinatagan ko ang loob ko." Pagpapatuloy niya. "And I know Helen, you can do this." She held my hands.

I inhaled deeply and nodded at her. "Thank you Cass." I sincerely said

Her lips formed into a sweet smile. "Always for you my friend."

Napabuga na lang ako ng malalim na paghinga bago ituloy ang ginagawa ko kanina. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiwi ng mapansin ang mga tarpaulin na nandito. Napatingin tuloy ako sa tiyan ko.

Ano kaya magiging itsura ko kung magiging buntis na ko? Mas lalo kaya akong gaganda? O baka naman magmukha akong losyang?

Ano ba naman yan! Kaurat ah. 

Lahat na lang pinoproblema ko jusko.

"Hello girls. Sorry kung natagalan."

Napa-ayos naman ako ng upo ng dumating na ang doctor ko. At ito na naman  ang kabang nararamdaman ko kani-kanina lang.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now