Chapter XXV

1.9K 101 32
                                    

CRISTINA HELEN STEVENS



"Magpinsan kayo?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Ni hindi pa niya nagagawang ibuka ang labi niya para sumagot sa tanong ko ng mabilis ko siyang sinampal.

At kung bakit? Hindi ko alam. Basta, gusto ko siyang saktan ngayon. Inis na inis ako sa kanya.

"P-pinsan mo si Veron. At may anak ka sa kanya?" Gosh. Ano ba talagang nangyayari sa babaeng ito. Gulong-gulo na ko. Hindi ko na siya maintindihan pa. "Damn you Raven! Answer my fucking question!"  I hissed at her.

Marahas naman siyang napabuntong hininga at mabilis na nag-iwas ng tingin sa'kin. Inis na sinuntok ko naman siya sa balikat niya. "Sagut-..."

"Hindi ko anak si Kiko, Cristina." She cut me off. "Magpinsan nga kami diba, so paano ko magagawang pumatol sa kanya?" Tila stress na stress na sagot niya sa'kin.

I let out a heavy sigh. Shit lang talaga. Bakit ko ba pinoproblema ang babaeng ito? Pati ako nai-stress sa kanya.

"That was just a game Cristina." She added.

My brows furrowed. "Game? What did you mean Raven?"

Kitang-kita ko ang paglunok niya ngayon kasabay ang paghinga niya ng malalim. "Pinsan ko talaga siya. Hindi fiancé nor girlfriend." Kahiy nanginginig, nagawa parin niyang abutin ang mga kamay ko. "I'm sorry, they want revenge on you Cristina." She gently caressing my hand. "Gusto nilang pagsisihan mo ang lahat ng naging kasalanan mo sa'kin. Gusto nilang." She paused for a second. "Maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko noon sayo habang magkasama tayo."

Natigilan ako. Ni hindi ko makuha ang salitang dapat sabihin sa kanya matapos kong marinig ang lihim na 'yun. Miski paglunok nga, hirap akong gawin ngayon.

"At ikaw?" I gulped hard and clenched my fist. "Do you want it?"

She was just staring intently at me right now. "Y-you let them Raven." I added.

"Yes." She nodded immediately. "Because I'm fucking mad at you." That's it. Nasabi na niya. Wala na kong kailangan pang malaman. Na-gets ko na ang lahat. Lahat-lahat. "You hurt me so bad." She added

I scoffed. "At ako? Hindi mo sinaktan?" Fuck it. Ano ba itong nangyayari sa'kin ngayon? Hanggang ngayon ba naman, ako parin ang paboritong paglaruan ni kapalaran.

"Hindi lang taon ang nasayang Raven." I took a deep breath, trying to calm myself. "Pati luha ko nasayang din dahil sa walang kwenta niyong katangahan." Inis na inagawa ko ang kamay ko mula sa paghahawak niya at buong lakas siyang sinampal. "Oo Raven, nagsisi ako." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at mabilis na lumandas ang luha ko.

Nasasaktan ako..

Pero higit sa lahat, nanghihinayang ako.

"Nagsisisi ako na sinaktan kita." I slapped her face again. "Nagsisisi ako na nakilala pa kita."

Kung alam ko lang talaga na pinlano nila ang lahat ng yun para paghigantihan ako, pinag-uuntog ko silang lahat.

Mga bwisit sila.

"I'm sorry."

Marahas ko na lang na pinunasan ang luha ko gamit ang kamay ko. Wala na din namang mangyayari kung iiyak ako ng iiyak dito. Hindi naman maibabalik ng luha ko ang nakaraan.

Kaya imbes na saktan siya at magalit dito, kinalma ko na lang ang sarili ko.

Saglit lang namayani ang katahimikan sa aming dalawa ako na ang unang magsalita. "Bakit hindi ko alam na pinsan mo siya?" Mahinang tanong ko sapat lang na marinig niya.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now