Chapter XXX

2K 87 1
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS




"Hindi paba tayo uuwi?" Himutok naman nitong kasama ko.

Napailing na lang ako at hindi pinansin ang angal niya. Bahala siya diyan. Hindi pa  ko tapos dito ee.

"Huy Ate Helen! Aba naman. Kibo-kibo din pag may time."

I chuckled. Talaga ngang napapagod na siya ah.  "Bakit ba?" Pa-inosenteng tanong ko.

At dahil nga pinagtitripan ko siya, tanging pag-irap lang ang tinugon niya sa'kin na mas lalo ko namang ikinatawa.

"Pagod na ko." She let out a loud sigh. "Kanina pa tayo naglilibot dito oh. Baka naman gusto mong pakainin muna ako, ano?" Dagdag niya pa.

Napatawa tuloy ulit ako bago siya akbayan. Napaka init naman ng ulo niya. "Bakit ba ang sungit-sungit mo ngayon? Ang init ng ulo mo ah."

She just rolled her eyes at me. "Sino bang hindi iinit ang ulo sa ginawa mo?"

My brows furrowed. "Why me?"

"Sige, maang-maangan pa."

Hindi ko naman napigilan ang sarili at natawanan ko siya. Sorry naman. Maganda lang talaga ang gising ko kaya naisipan kong yayain siya dito sa Mall. Kaso, maling idea pala ang bulabugin ang mahimbing niyang tulog. Hehe. 

"Sorry naman." I bit the inside of my cheeks to just stop myself from smiling. "Ano bang gusto mong kainin?"

She touched her chin and looked up, acted like she was thingking. "Parang mas bet ko kumain ng tahong ngayon." Napailing na lang ako. Katangahan na naman niya. "Pero mamaya na lang gabi yun. Kahit ano na lang."

Inis na binatukan ko naman siya. Puro talaga kalokohan ang natakbo sa isip ng babaeng ito. Grabe talaga. Saan ba ito pinaglihi ni tita? Grabehan ee.

"Basag ka talaga." Iiling-iling na sagot ko.

Tumulis lang naman ang nguso niya na akala mo'y kinatutuwa ko yun. "Nagtatanong ka kaya."

Napairap naman ako. "Maayos na sagot ang kailangan ko Guinevere. Inam ka talagang babae ka."

Isang ngiting alanganin lang naman ang tinugon niya sa'kin. Napailing na lang ako bago siya hilahin sa seafoods restaurant na nakita ko kani-kanina lang.

Na-miss ko ang seafoods ee. Kaya ipupush ko na 'to.

Nakahanap naman agad kami ng maayos na pwesto ng makapasok kami dito. Tahimik lang kaming namimili ng kakainin namin hanggang sa nakapag desisyon na kung ano. Agad namang umalis ang waiter na sa harap namin ng sabihin namin kung ano ang order naming dalawa.

"Magtatanong pala ko."

I scoffed. "Spill it woman."  

Mas mabuti na 'tong ganito, may mapag-uusapan kami. Kaysa naman wala diba. Aba'y mapapanisan ng laway. Eww.

"How are you?" She seriously asked.

I just give my best smile at her. "I'm fine cous." Wala namang dahilan para hindi ako maging okay.

Diba?

Mataman lang naman siyang nakatitig sa'kin ngayon na animo'y binabasa ang kaloob-looban ko. Hindi naman ako nagpatalo bagkus nilabanan ko ang tinging binibigay niya sa'kin.

"Ilang araw na ba ang lumipas mula ng umalis si Raven?"

I gulped hard. Bakit ba lagi na lang nila naisisingit ang pangalan ng babaeng yun? Grabe ah. "Two days." I replied. 

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now