CRISTINA HELEN STEVENS"You'we my honeybunch, sugah plum, pumpy-umpy-umpkin
You'we my weetie pie
You'we my cuppycake, gumdrop, gums-gums
You'we the apple of my eye""Wait baby, ulit nga."
Hindi ko naman napigilan ang paghagikhik ko. Parang nalugi ang mukha ni River ngayon dahil sa hiling ni Raven.
"You'we my honeybunch."
"You're" she cut her off
And my baby, just pout at her. Gosh. Ang cute cute talaga ng anak kong ito. "Sugah plum, pumpy-umpy-umpkin."
"Sugar" again, she cut her off.
"You'we my weetie pie
You'we my cuppycake, gumdrop, gums-gums.""You're baby. Sweetie and snoogums-boogums."
River looked at me, asking for a help. "Mommy oh."
Nagkatinginan lang kami saglit ni Raven bago malakas na napahagalpak ng tawa. Sorry naman. Hindi ko lang napigilan ang pagtawa ko. Ikaw ba naman magkaroon ng cute na anak na katulad ng anak ko.
Grabe. Lang.
"Stop mommy!" She hissed.
Napatikhim lang naman ako para pigilan ang pagtawa ko. Pero hindi parin nabubura ang malaking pagkakangiti ko ngayon. "Okay po. Hindi na tatawa si mommy."
"Bulol" Raven whispered.
"I'm not buyoy po kaya." She looked at me. "Right mommy?"
Napatawa lang ako ng mahina bago pinanggigilan na kinurot ang pisngi niya. "Yes baby. You'we not buyoy."
Her brows furrowed. "Mommy!"
At napuno na naman ang malalakas at malulutong na tawanan ang kotse ni Raven. Niyakap ko lang naman si River ng makitang maiiyak na siya.
Mukhang tama nga si Kuya. Sa akin nga nagmana ang anak ko pagdating sa emosyon niya.
"Mommy."
I give a peck in her temple. "Yes baby?"
Hindi naman nakaligtas sa'kin ang pasimpleng pag-ismid niya kay Raven bago tumingin sa'kin. Napatawa na lang tuloy ako sa loob loob ko. "Do I look bad when it comes to singing?"
"No baby." Marahan ko namang hinaplos itong buhok niya. "Ang galing galing mo kaya kumanta."
"Yes River. Your mom is right." Raven said. "Mag kasing galing kayo ni Ai Ai." Dagdag pa niya
Literal na nanlaki ang mata ko at grabe ang pagpipigil sa sarili na wag matawa sa sinabi niya. Para siyang basag. Pati si Ai Ai dinamay niya.
"Ai Ai?" Kunot noong tanong naman ngayon ni River.
"Oo, idol ng mommy mo yun."
I immediately looked at her. Kung wala lang talaga si River ngayon, nadagukan ko na siya. Parang basag ee. Grabe. "Really mom?"
I gulped hard. Kakainis. "Ha? Ah. Oo. Sige na lang."
Nanlaki naman ang mata ng anak ko habang nakatingin sa'kin. Hindi naman halatang gulat na gulat siya. Hay nako. "So, you can sing fow me mommy."
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Cristina Helen Stevens
RomanceHistoria#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020