CRISTINA HELEN STEVENS"What are you doing here Samuel?"
Hindi niya ko sinagot bagkus mataman lang niya kong tiningnan na talaga namang ikinakaba ko ng husto. Ayaw ko ng klase ng tinging binibigay niya sa'kin.
Kilalang-kilala ko na ang lalaking ito, at alam ko kung ano ang natakbo sa isipan niya ngayon.
"Helen"
Akmang hahakbang na siya papalapit sa'kin ng maagap ko siyang pinigilan.
Ayaw ko na..
Ayaw ko ng makagawa pa ng kasalanan.
"Umalis kana Sam." Walang pagdadalawang isip na saad ko
He immediately shook his head. "No Helen. Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama."
I gulped hard. What the fuck is wrong with him? "Umalis kana." Pag-uulit ko. "We're done Samuel. Kaya please lang, umalis kana."
Matagal ko ng tinapos ang kung anomang meron sa aming dalawa. At kahit ano pa ang gawin niya, hindi na ko magiging tanga.
"Please Helen, don't do this to me." And now, he's crying for damn sake! Gosh. Ano ba talagang problema sa lalaking ito?
"Sa-.."
"Please Helen, come back to me." Pagmamakaawa niya. "Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Bumalik ka lamang sa'kin."
I shook my head in disbelief. Hindi ko akalain na hanggang ngayon, hindi parin siya nakakamove-on. At hindi ko din lubos akalain na magiging sakit siya sa ulo ko.
"Kahit ano pang gawin mo Samuel, hindi na ako babalik sayo." Buong tapang kong sagot sa kanya.
Napabuga pa ko ng malalim na paghinga bago buong tapang na tinapatan ang tinging binibigay niya sa'kin. "Malaking kasalanan ang mahalin ka Samuel." I paused and gulped hard. "Nasaktan ko ang babaeng mahal ko. At ngayong gusto ko siyang bumalik sa'kin, hindi na ko gagawa pa ng dahilan para iwan niya akong muli. Kaya please lang Sam, kung talagang mahal mo ko umalis kana at wag ka ng bumalik pa." Mahabang lintana ko
Kung kinakailangan na saktan ko ang damdamin niya, gagawin ko. Dahil sa pagkakataong ito, si Raven naman ang iisipin ko. Ang nararamdaman naman niya ang pagtutuunan ko. At siya na ang magiging priority ko.
"Uulitin ko, umalis kana."
Pero tila bingi siya at mabilis ang hakbang na ginawa niya para tuluyang makapasok sa bahay ko. Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko.
Damn it! Ano ba itong napasok kong gulo?
"Helen, I'm begging you, don't do this to me."
Bawat paghakbang na ginagawa ay siyang pag-urong ko. Ramdam na ramdam ko din ang kakaibang kaba ng tibok ng puso ko.
Takot...
Yan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
Damn! Nakalayo na ba ang mga gaga kong kaibigan? Sana naman maisipan nilang bumalik dito para makatakas ako sa kinasusuklaman kong eksena.
"I want you Helen."
My eyes literally widened. What the fuck? Is he fucking serious?
"U-umalis kana Samuel." Kahit kinakabahan nagawa ko paring magsalita.
Mabilis naman siyang umiling sa'kin. "Hindi ako aalis hang-.."
"Hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig ang sinabi niya."
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Cristina Helen Stevens
RomanceHistoria#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020