CRISTINA HELEN STEVENS
"We're here ladies."
Napatingin naman ako sa tapat ng malaking bahay kung saan kami huminto. At ito na naman ang kakaibang kaba na hindi ko alam kung bakit ko ba nararamdaman.
"Tara na."
Kahit kabang-kaba nagawa ko paring tumango sa pinsan ko at sumunod sa kanya sa labas.
Kusang napapikit ang mata ko ng tumama sa balat ko ang malakas na simoy ng hangin. Sa hangin na yun, nakaramdam ako ng pagkakalma. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, iba ang dating ng hangin na yun. At sana naman, walang mangyayaring hindi ko magugustuhan.
"Tara na sa loob. Naghihintay na sila sa'tin." Kuya Pollux said
Hindi na kami sumagot pa sa kanya at sumunod na lang. Naramdaman ko naman ang marahang kamay ng pinsan ko na pumulupot sa braso ko. Literal na napairap ako. Ang lakas ng loob niyang sagut-sagutin ako pero takot naman siyang humarap sa maraming tao. Jusko.
"Kilala mo mga tao dito?" She whispered at me
I shook my head. "No. Si kuya lang ang may kakilala dito."
Hindi na niya ko sinagot pa at tumahimik na lang. Pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay na yun, bumungad sa amin ang malalawak na ngiti ng mga tao na nandito.
Akmang tatanungin ko si Kuya ng biglang dumating si Ate Pia na may malawak na ngiti. Napangiti din tuloy ako.
Mukhang alam ko na kung nasaan kami.
"Hi love. Sorry medyo nadelay ang biyahe namin." Kuya Pollux sweetly said to her
I just raised my brow. What a sweet guy. Tss. "It's fine love." Ate Pia replied. "Hi Helen, hi Guinevere."
Marahan naman niyang hinalikan sa pisngi ko at sinamahan na din ng mainit na yakap na nakangiting tinanggap ko. Ganon din ang ginawa niya sa pinsan ko kaya kahit papaano, kumalma ang sistema ni Guinevere. "Welcome to my place." Ate Pia said.
-------------
"I'm so freaking tired." Himutok nitong kasama ko
Napailing na lamang ako ng talagang napaikot-ikot pa siya sa higaan ko. Ibamh klase talaga ang isang 'to. Nag-aayos ako ng gamit ko kanina, ng bigla-bigla na lang siya pumasok sa kwarto ko at ayan nga, prenteng nakahiga na akala mo'y ito ang kwarto niya.
"Ikaw Len? Hindi ka ba napagod?" She asked
I just shrugged. "Hinding-hindi ako mapapagod."
"Double meaning ba yun?"
Napatawa naman ako ng mahina bago siya batuhin ng kung anong napulot ko sa bag ko. Nahalata niya pa yun ah. Talaga naman.
"Can I ask you something cous?"
I nodded, still not looking at her. "What is it?"
"Nasuot mo ba 'tong red lingerie na hinagis mo? Kailan? Noong honeymoon niyo si RJ?" Sunod-sunod na tanong niya
Kunot noong tiningnan ko siya. At ang gaga, talagang pinapaikot niya pa sa daliri niya yung red lingerie ko.
Jusko. Makakalbo ako sa babaeng ito.
Agad akong tumayo at inis na inagaw sa kanya yung damit ko. Katanga ko din talaga. Hindi ko alam na ito pala ang hinagis ko sa kanya kanina.
Kautas.
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Cristina Helen Stevens
RomanceHistoria#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020