CRISTINA HELEN STEVENS
"What do you want love?" I sweetly asked her
Grabe ang pagpipigil ko ng pagkakangiti ko ng alanganin siyang ngumiti sa'kin. Gosh. I'm sorry Shaine. Ikaw naman kasi, bakit kaba kasi bigla-biglang sumusulpot? "Ahm." She cleared her throat. "Ikaw"
Natigilan naman ako at bahagyang umawang pa ang labi ko dahil sa naging sagot niya.
Ano daw?
"I mean, ikaw? Anong gusto mo?" Maagap na dugtong niya.
Napatango naman ako. Yun naman pala. Tss. Ayaw kasing lilinawin ee. "Marunong kabang maghimay ng crab?" Nakangiting tanong ko
She immediately nodded, smiling at me. "Ofcourse. Ipaghihimay kita."
Napangiti naman ako. Nakamasid lang ako sa kanya habang busy siya sa paghihimay ngayon.
Maganda naman talaga kasi si Shaine. At ewan ko ba kung anong ikinaseselos sa kanya ni Raven.
Pasimpleng ko naman siyang sinulyapan at nahuling masamang nakatitig sa'kin. Mabilis naman akong napa-iwas ng tingin habang nagpipigil parin ng ngiti.
Simula ng dumating si Shaine dito kani-kanina lang, hindi parin nagbabago ang klase ng tinging binibigay sa'kin ng asawa ko.
Mukhang hanggang ngayon nagseselos parin siya kay Shaine.
"Here, eat this."
I smile sweetly at her and give a peck in her right cheek. "Thank you love." I lovingly said.
Hindi ko na nagawa pang sulyapan ang mga kasama ko at talagang nagsimula na kong kumain. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang tinging binibigay sa'kin ng babaeng nasa harap ko pero wala akong pakialam.
Napagod ako kakaiyak kagabi kaya hindi ko muna siya papansinin. Bahala ng uminit ang pwet niya sa selos.
"Hey love." Hindi naman na naka-angal pa si Shaine ng masubuan ko na agad siya ng pagkain. Napatawa pa ko ng mahina dahil sa gulat na gulat siya.
"Masarap diba?" Nakangiting tanong ko
Kahit nag-aalangan, nagawa niya paring tumango sa'kin. "Yeah, masarap nga."
I chuckled. I was about to say something when someone cleared throat. I mentally rolled my eyes. "Ang haharot ah." Guinevere said. "Kailan niyo ba kami bibigyan ng pamangkin?"
I bit my lower lips to stop myself from smiling when I saw my wife's reaction because of my cousin said. I cleared my throat and held Shaine's hand. "Honestly, we're planning to make a babies." I looked at her. "Right love?"
She nodded and gently kissed my forehead. "Yes love."
Tuluyan na kong napangiti. Kung wala lang talagang asawa itong babaeng 'to, iisipin kong crush niya ko.
Okay, ang assuming ko.
Pero kasi, ang sweet niya. Mukhang alam ko na agad kung paano nahulog ang loob ni Margo sa kanya.
Shaine is a caring and sweet woman. Kahit minsan lang namin siya makasama, aaminin kong ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Napaka buti niyang tao at kaibigan.
Pero hindi ko ba alam kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Raven. Ang bait kaya ni Shaine.
"Wow. Babies talaga?" Kuya Pollux glady asked.
I chuckled and nodded at him. "Yes, gusto mo maging coach ng isang basketball team diba? Then, ibibigay namin sayo yun."
Napatawa na lamang ako sa loob loob ko. Grabe. Saan ko ba nakukuha ang magsalita ng ganon? Ni hindi ko nga alam kung kakayanin ko bang mabitbit ng isang baby sa tiyan ko tapos ang lakas ng loob kong sabihin na gagawa kami ng isang basketball team?
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Cristina Helen Stevens
RomanceHistoria#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020