CRISTINA HELEN STEVENS"Ooh R-raven. Diyan nga, a-ayan."
Napahigpit naman ang kapit ko dito sa upuan dahil sa pagdiin ng daliri niya sa'kin.
Grabe. Ni hindi ko nga naisip na mauuwi sa ganitong eksena ang araw kong ito. Nakaka-frustrate. Jusko.
"Masakit?" She softly asked.
I nodded at her. "Malamang. First time ko yan." Inis na sagot ko naman sa kanya. Akmang babatukan ko pa siya ng makaramdam ako ng kiliti dahil sa ginagawa, kaya sa huli napapikit pa ko. Nakakainis talaga. "Aahh."
Saglit lang naman itong pagpikit ko at mabilis din akong napamulat saka takang-taka siyang tiningnan dahil sa paghinto niya sa ginagawa.
"Why did you stopped Raven?" Kunot noong tanong ko
But she just shrugged at me. "Alam mo, mas gusto kong marinig yang ungol mo sa ibang paraan." At ngayon nga, nakangisi na siya.
Nanlaki naman ang mata bago mabilis na kinurot sa tagiliran ang bwisit na 'to. "Manyak ka! Tapusin mo na nga yan!"
My eyes automatically rolled when she laughed hard. Tatawa-tawa naman niyang pinagpatuloy ang paghilot sa paa ko na talaga namang kina-inis ko ng husto. Nagawa niya pa kong tawanan sa habang ako nagdudusa dito. Bwisit.
"May pagtakbo ka pa kasing nalalaman ee. Ayan tuloy, napala mo."
Napairap akong muli. "Kung hindi mo sana ako hinabol, edi hindi ako tumakbo diba." Para kasing basag. Ang manyak-manyak niya kasi, kaya malamang tatakbuhan ko siya.
"Ee pano kita hindi hahabulin ee natakbo ka?" Nakangising tugon niya sa'kin.
Aba! Talagang nasagot pa siya. "Ee kaya nga ko natakbo kasi hinahabol mo ko ee."
"Ee kaya nga kita hinahabol kasi natakbo ka." She replied.
My brows furrowed and we looked each others eyes before we burst into laughter.
Para kaming tanga. Tss.
Kahit natawa ko ngayon, syempre hindi ko parin makakalimutang hampasin siya sa balikat niya. Hindi naman siya umangal bagkus mas lalo pang napatawa. Napailing na lang tuloy ako. Ang saya niya ahh.
"Sa susunod kasi na maisipan mong takbuhan ako, wag ka magsusuot ng may mataas na takong." She paused and looked at me. "Malulumpo ka ng wala sa oras ee."
Pekeng ningitian ko lang siya. "Hayaan mo, sa susunod ihahampas ko sa mukha mo yung heals ko bago ako tumakbo." Barumbadong sagot ko.
Tanging iling lang naman ang tinugon niya sa'kin bago ipagpatuloy itong ginagawa niya ngayon.
Saglit niya pang binalutan ng panyo yung paa ko bago kami tuluyang natapos dito.
Napabuntong hininga naman siya kasabay ng pagtayo niya. Hindi ko naman magawang labanan ang tinging binibigay niya sa'kin ngayon kaya sa huli, panay ang iwas ko ng tingin sa kanya.
"May gusto ka pabang puntahan?" She asked, suddenly.
I inhaled deeply. "Ihatid mo na lang ako sa bahay. For sure, naghihintay na sa'kin si River." Sagot ko
"Okay, tara." Mabilis na sagot niya.
Inalalayan lang naman niya kong makapasok sa loob ng sasakyan bago siya umikot para makasakay sa driver seat.
Tahimik na kaming dalawa ngayon habang lulan kami nitong sasakyan. Nakatuon lang ang pansin ko sa labas ng bintana nitong sasakyan haban siya, focus na focus sa pagmamaneho.
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Cristina Helen Stevens
RomantikHistoria#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020