CRISTINA HELEN STEVENSTahimik lang kaming dalawa dito habang lulan kami ng sasakyan papunta sa mansion. Sobrang seryoso siyang nagmamaneho habang ako, hindi mapakali dito sa inuupuan ko at mataman lang na nakatingin sa labas nitong bintana ng sasakyan niya.
Mukhang masamang ideya na hinayaan kong iwan ako ni Guinevere kasama ang babaeng kasama ko ngayon.
Dapat palang pinigilan ko siya kanina, edi sana hindi awkward ang atmosphere namin dito.
Nice Helen. Ang galing mo talaga mag-isip.
"Cristina" she finally broke the silence.
I gulped hard before I looked at her. "Hmm?"
"How are you?" She asked, not looking at me.
I just smiled at her. "I'm fine Raven. Thank you for asking."
She nodded slowly. "For what happened last night." She paused. "I'm sorry."
Nahigit ko naman ang paghinga ko. Ito na naman kami. Ito na naman siya sa sorry na yan.
Bakit ba lahat ng bagay kailangan ihingi ng tawad?
Imbes na makipagtalo pa, nakangiting tumango na lang ako sa kanya. Wala naman akong ibang masasabi pa ee. "Okay lang." Bukod dyan. Tss.
She just took a quick glance at me. "Can I ask you something?"
Napairap naman ako. Hindi paba siya nagtatanong sa lagay na 'to? Wow lang ah. "You're already asking woman."
Isang matamis na ngiti naman ang tinugon niya sa'kin dahilan para mapangiti din ako.
Wag niyo kong tanungin, dahil miski ako, hindi ko alam.
"Bakit ka nagsinungaling sa'kin?" Mahinang tanong niya, pero sapat lang para marinig ko.
Natigilan naman ako. Kasabay din nun ang unti-unting pagkabura ng ngiting nakapaskil sa'king labi.
Bakit ba sa lahat ng pwede niyang itanong, yun pa?
"Ahm." I cleared my throat. "Dahil yun ang sa tingin ko'y tama."
Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya at binalik at atensiyon sa labas ng bintana.
Kahit papaano, mula dito sa repleksiyon nitong bintana natatanaw ko siya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya ngayon marahil dahil sa pagsagot ko.
Hindi ko siya masisisi kung magagalit siya. Tatanggapin ko ang galit na yun dahil alam ko, deserve ko yun.
"Tama?" She scoffed. "Tama ba ang ilayo mo sa'kin ang anak ko? Sa loob ng tatlong taon."
I gulped hard and looked down. "I'm sorry." Napabuga na lang ako ng hiningan bago siya buong tapang na tiningnan. "Ayaw kong maging sagabal sa pagmamahalan niyo ni Veron." Wait, speaking of that woman. "Ano na palang balita sa inyo? Kasal na ba kayong dalawa?" Wala naman sigurong masama kung mag-uusisa ako diba?
"Wag mong ibahin ang usapan Cristina." She seriously said.
Napanguso na lang ako. Napaka sungit ah. Nagtatanong lang naman ako ee. Hmp. "Oh edi, sorry na nga." Inis kong tugon sa kanya.
Ang arte na niya ngayon ah. Daig niya pa si Selene at Ianthe sa kaartehan niya. Talaga ka naman. Tss.
"You lied."
I inhaled deeply. "I'm sorry Raven." Sunod-sunod din na paglunok ang nagawa ko ngayon. Alam ko namang hindi maibabalik ng sorry ko ang nakaraan, pero sana naman kahit doon lang mabawasan ang mabigat sa damdamin niya. "Sorry." Pag-uulit ko.
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Cristina Helen Stevens
RomanceHistoria#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020