CRISTINA HELEN STEVENS
Hindi ko alam kung anong mas sasakit. Ang makitang may mahal na iba ang mahal mo, o ang malamang huli na ko sa lahat.
Parang ang sarap kong sabunutan o sampalin ang sarili ko ngayon. Inis na inis ako. Hindi lang sa sarili ko kundi din sa asawa ko.
Papaanong nagawa niya kong palitan ng ganun-ganun lang? Ang bilis naman ata?
At ang mas nakakainis pa dun, talagang ang lakas ng loob kong panoorin sila kung paano maglampungan dito mismo sa harap ko.
Wow! What a nice view? Tss.
"Hindi kaba nasasaktan?" Guinevere whispered to me.
Mabilis naman akong nag-iwas sa dalawang kung magngitian akala mo'y sila na ang in love. Tss
Oh edi kayo na. Kayo ng masaya.
"Nasasaktan. Tao ako ee." Ganting bulong ko sa kanya.
"At mahal mo siya." Dugtong niya sa sinabi ko
"Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko para sa kanya ee." Mapait pa kong napangiti.
Napalunok naman ako bago sunod-sunod na ininom ang basong naglalaman ng tubig.
Yes, tubig nga.
Dahil ayaw nila kong painumin ng alak. Parang mga ewan ee. Akala mo naman maglalasing ako. Jusko.
"Oh hinay-hinay lang Helen. Baka malasing ka agad niyan." Kula Pollux said, smirking at me.
I just rolled my eyes at him. "HA HA. Funny." Inis na tugon ko.
"Hindi ba kayo napapagod? Kakagaling niyo lang sa biyahe, dapat nagpapahinga na kayo ngayon." Ate Pia sweetly said. Napangiti naman ako. Buti pa 'tong si Ate Pia, concern sa'kin. Pero yung isa diyan, akala mo wala ako sa harap niya kung makapaglandian sa iba.
Pag-untugin ko sila ee. Bwisit.
"Hindi na pagod yang si Helen ate Pia." Guinevere said. "Nandito na yung nagsisilbing lakas niya ee." She added
"Pero hindi na niya pagmamay-ari yung taong nagsisilbing lakas niya." Panggagatong naman ng gago kong kapatid.
Pareho ko silang sinamaan ng tingin na ginantihan lang nila ng nakakalokong ngiti. Nakakainis na sila. Namumuro na. Lagi na lang ako ang napapansin ng dalawang damuhong 'to.
"Manahimik kayong dalawa ah. Hindi ako natutuwa sa inyo." Nanggagalaiti kong tugon.
Sino ba namanh hindi magagalit diba? Napaka bwisit talaga nilang dalawa. Kainis.
Mabuti naman at kahit papaano, sinusunod din nila ang gusto ko. Binalik ko lang ang atensiyon ko sa dalawang taong halos magkapalit na ang mukha dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Napahigpit naman ang paghahawak ko sa baso.
Nagseselos ako.
Damn it! Ang sakit.
Ganito pala kasakit sa pakiramdam ang makita ang mahal mo na masaya sa piling ng iba.
Ngayon alam ko na. Alam ko na ang pakiramdam niya noong niloloko ko pa siya.
Ang bilis nga naman ng karma. Akalain mong ako na ngayon ang naghahabol sa kanya.
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Cristina Helen Stevens
RomanceHistoria#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020