Chapter XV

2K 111 26
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS




"Nailagay mo na ba lahat?"

He nodded. "Yes. Maayos na ang lahat."

Napatango na lang ako bago libutin ang loob ng bahay na 'to. Mamimiss ko 'to. Hindi lang ang bahay na 'to kundi rin ang mga alaalang nabuo naming dalawa dito.

Imagine, the person who gave you the best memories, became a memory.

Saklap.

"So, see yoo soonest?"

Napatingin naman ako dito sa kasama ko. Hindi ko maiwasang hindi malungkot ng makita ko ang kalungkutan na bumabalot sa mata niya.

I took a deep breath. "Yeah, see you soonest kuya."

He looked away and I saw how he gulped hard. "I will miss you Helen. Iniwan niyo na kong lahat dito."

Napatawa naman ako ng mahina. Grabe naman. Akala ko pa naman makakaalis ako dito ng hindi siya magdadrama.

"Akala mo naman hindi na tayo magkikita pa." Natatawang saad ko. "For sure naman magpapabalik-balik ka dun para lang makita ako."

Pero ang bruhong 'to, talagang nagawa pa kong irapan. Napaka-ano niya talaga. Kung wala lang siyang fiancé iisipin kong bading itong kapatid ko. Grabe makapagtaray ee, mas mataray pa kaysa sa'kin.

"Basta uuwi ka sa kasal namin ng Ate Pia mo ha."

I chuckled. "Sure na ba siya sayo? Baka magsisisi siya sa huli."

He just glared at me. "Kapal mo Helen. Sure na sa'kin yun 'no. At saka, dream guy kaya ako ng Ate Pia mo."

I made a face. Wow. So concieted. Grabe siya makabuhat ng sariling bangko. Di ko siya makeri. Ibang klase. Haha.

"Di ka sure." Natatawang pang-aasar ko.

His eyes widened. "Hoy! Ang sama talaga ng ugali mo. Bakit hindi mo na lang ako suportahan."

Natawa na lang ako at iniwan siya dun. Bahala siya mag-alburuto dyan. Masyado kang pikon ee.

Bumalik lang ulit ako sa kwarto ko. At sa huling pagkakataon, nilibot ko na naman ang tingin sa kabuuan ng kwartong 'to.

Hindi naman kami lagi nagtatabi sa pagtulog pero alam ko, gabi-gabi sinisilip niya ko kung mahimbing na ba ang tulog ko. Walang araw na hindi niya sinigurado ang kaligtasan ko. Halos araw-araw, pinaparamdam niya sa'kin na isa akong nilalang na dapat mahalin at ingatan.

Nanginginig ang kamay na inabot ko ang pictura frame naming dalawa. Kuha 'to noong araw ng kasal namin. Kitang-kita ang sobrang kasiyahan sa mga mata niya habang nakangiti dito. Samantala ako, ako na yata ang kauna-unahang babae na kinasal na hindi masaya.

Pero still, maganda. Tss

Ganito nga siguro talaga ang buhay. Hindi mo masisiguro ang pupwedeng mangyari sa buhay mo.

Lahat magbabago, aalis, kakalimutan ka. Pero ang mahalaga, naging matatag ka. Tinanggap mo ang lahat ng buong puso mo.

Mas mahalaga parin ang sarili mong kasiyahan. Kahit na napuno ang puso mo ng sakit at pighati, importante parin ang pagtanggap at pag-usad.

Nagkamali ako, pero ang importante dun, inayos ko ang pagkakamaling nagawa ko. Nagsisi ako, at higit sa lahat, may natutunan ako.

Mapait akong napangiti bago dahan-dahan na ibaba ang picture na hawak ko kanina.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now