Special Chapter

4.2K 134 39
                                    




"Gosh! Ang taas!"

Napatawa naman ako dahil sa reaksiyon na mayroon siya.

Oo nga, ang taas nga.

"Oh my! Baka mabitawan mo ninang!"

I chuckled. "Relax Kai, hindi ko bibitawan yan. Hawak ko mabuti oh."

Manghang nakatingin naman siya sa'kin ngayon na akala mo'y isa akong superhero. Nanggigil na pinisil ko ang pisngi niya. Napaka cute talaga ng batang ito. Manang-mana sa pinagmanahan.

"Ninang! Pwedeng ako naman humawak?"

Walang patid ang ngiti ko ngayon habang tumatango ako sa kanya. "Oo naman, walang problema."

Maingat kong inabot sa kanya ang tali ng saranggola na ginawa ko  talaga para sa kanya. Hindi naman na ako nagulat pa ng mapalipad niya 'to ng maayos.

Parang kanina lang kami nagsimula pero alam na alam na niya kung paano ito papaliparin.

Ang galing talaga ng batang 'to. Manang-mana sa ninang niya.

"Look ninang! Ang galing ko diba!"

Napatawa naman ako ng mahina saka marahang hinaplos ang buhok niya. "Oo, sa sobrang galing mo hindi na kita maabot."

She just looked at me, brows furrowed. "Ahh, edi wow po."

Napahagalpak naman ako ng tawa. Kung anu-ano na talaga ang natututunan niya sa nanay niya. Jusmiyo marimar santisima.

"Diba pilot ka ninang?" She asked, still looking at her kite.

Tumango naman ako kahit na hindi niya nakikita. "Yes baby."

"Ano pong pakiramdam kapag nasa langit ka?" Curious na tanong niya.

I chuckled. "Masaya."

Sa tuwing nagpapalipad ako ng Helicopter, grabe ang sayang nadarama ko. Sa tuwing masama ang timpla ng araw ko, naggagala ako sa kalangitan na akala mo'y sampu ang buhay ko.

Ito ang naging buhay ko mula ng mawala ang lahat sa'kin.

Ito ang naging libangan ko sa loob ng mahigit na limang taon. Namuhay akong mag-isa. Mas pinili ko ang mag-isa kaysa ang makasama ang mga taong tinutulungan ako sa lahat ng bagay.

At sa pag-iisa kong iyon, tuluyan ng humilom ang sugat sa puso ko.

At alam kong ganoon din siya.

Gaya ng huling hiling niya, hindi ko na siya hinanap o sinundan pa. Ginawa ko ang gusto niya, ang sukuan ang pagmamahal ko para sa kanya.

Wala narin akong balita pa sa kanya. Pero kahit ganun,  alam ko, masaya na siya.

Sana.. sana nga masaya na siya.

"Walang patid ang saya sa pakiramdam kapag nasa himpapawid ako." Nakangiting dagdag ko.

"Aren't you scared?" And now, she's looking at me.

I just shrugged. "No?" I inhaled deeply. "Sa una, nakakatakot. Pero habang tumatagal, masasanay ka rin." Napaupo naman ako sa damuhan dito lang din sa pwesto namin ng makaramdam ako ng ngalay. "Bakit Kai? Gusto mo bang maging Piloto?"

She made a face. "Ayaw ko po ninang." She paused. "I want to be a Doctor like my mama."

Napatawa naman ako ulit. Okay na. Hindi ko na siya pipilitin pa. Talo ako, idol na idol niya ang mama niya ee. "Ayaw mo bang pumasok sa showbiz like your mommy?"

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now