EPILOGUE

3.9K 102 56
                                    


RAVEN JOY MORALES






"RJ"

Hindi ko pinansin si mommy ng tawagin niya ko. Patuloy lang ako sa paglagok ng alak para kahit papaano, makalimutan ko ang sakit ng kapalaran ko.

"Anak"

"Mom, si R-river. Wala na si River."

Hindi ko na alam kung ang alak paba ang nalalasahan ko o itong luha ko. Napaka sakit. Napakasakit ng nangyari sa'kin, sa'min. Sa lahat nh pupwedeng mawala, bakit ang anak ko pa?

Pwedeng ako naman. Sana nga ako na lang diba.

"Hey honey, c'mon hush now." Maagap niyang pinunasan ang buo ko gamit ang palad niya.

Mas lalo lang akong naiyak dahil sa ginawa niya. "Si River mommy."

She just give a peck in my forehead. "I'm sorry honey."

Mabilis akong napailing at agad na napasubsob sa balikat niya. Ilang araw na din ang lumipas mula ng tuluyan niya kaming iwan. At magmula sa araw na yun, wala na kong ibang ginawa kundi ang magkulong dito sa kwarto ko kasama ang mga alak ko.

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, hindi ko na siya isasama pa. Hindi sana nangyari ang bagay na yun. Hindi sana siya nawala sa'min.

Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya, na mahal na mahal siya ni mama Raven niya.

Paano ba?

Paano ba ko makakabangon mula sa pagkakalugmok na 'to kung wala na ang dalawang babaeng mahalaga sa'kin. Nawala na sa'kin ang anak ko at tuluyan naring nawala sa'kin ang babaeng pinakamamahal ko.

Nabigo ako...

Nabigo akong buuin ang pamilyang pinapangarap ko.

"H-hindi ko man lang naipakilala sayo ang apo mo." I gulped hard. "Hindi ko nabuo ang pamilyang lagi kong pinagmamalaki sa inyo."

Naramdaman ko naman ang mainit at mahigpit na yakap sa'kin ni mommy. Tuluyan ko ng binitawan ang bote ng alak na hawak ko at agad siyang tinugunan din ng mahigpit na yakap.

Sobrang sakit. Sobrang sakit na pareho silang nawala sa'kin.

Hindi ko naprotektahan ang anak ko. Hindi ko man lang siya naipagtanggol. Mahina ako. Sonrang hina ko.

"Malakas ka anak. Matapang ka. Alam ko makakaya mo ang lahat ng 'to." She took a deep breath. "Laging nandito si mommy."

I cried hard.

Sana...

Sana isang bangungot lang ang lahat ng 'to. Sana, buhay siya.

"Hey, my crying baby."

Dahan-dahan naman akong humiwalay sa pagkakayakap kay mommy at agad na napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun.

Na labis kong ikinagulat.

Nandito siya...

Dumating siya..

"A-ate."

Kahit sobrang nanglalambot ang tuhod ko, nagawa ko paring tumayo para takbuhin ang pagitan naming dalawa. Ng tuluyan akong mapayakap sa kanya, halos pati sipon ko umagos  na din sa balikat niya.

"Your pretty sister is here. Hush now." She put her palm in my back ang gently caressing it.

I burried my face in her neck. "My daughter, she's g-gone." Damn it. Bakit ba ang anak ko pa? Bakit ba ang pamilyang gusto kong buuin pa ang nawala sa'kin? Bakit hindi na lang ako? Bakit? "She's gone."

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now