Chapter XXXI

2.2K 97 27
                                    


Warning: R-18







CRISTINA HELEN STEVENS



"Nakakainis! Nakakabwisit!"

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiwi. Mukhang hindi na mapapawi ang galit at inis ng babaeng ito. Buhat kanina na umalis kami sa Mall, wala siyang ibang bukang bibig kundi yan.

Naririndi na ko. Jusme.

"Wag na wag talaga magpapakita sa'kin ang bwisit na yun. Dahil baka hindi ako makatiis at maha-.."

"Mahalikan mo siya?" I cut her off.

"Oo." Her brows furrowed. "What? No! Eww. So disgusting."

Napatawa naman ako. Napaka arte. Talagang may pagsuka-suka pa siyang nalalaman. Ibang klase. "Bakit ba galit na galit ka dun sa tao? Ano ba kasing nangyari?"

She rolled her eyes at me. "Pin.. basta! Ang bastos-bastos niya!"

I shooked my head in disbelief. Pano ko ba matutulungan ang babaeng ito kung hindi niya ko sinasagot ng maayos?

Aba, hindi ako manghuhula dito.

"Ano nga Guinevere?" Pangungulit ko pa.

Hindi naman niya ko sinagot at inis lang siyang nakatingin ngayon sa daan. Napailing na lang tuloy ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.

Hinayaan ko lang siyang makapag-isip ng maayos hanggang sa nainip ako at tumikhim na lamang. Marahas naman siyang napakamot sa sintido niya na tila ba ay pikon na pikon na. Natawa na lang tuloy ako sa isip isip ko.

"Guinevere, ano nga kasing nangya-.."

"Pinisil niya yung puwit ko." She finally said. "Manyakol siya."

Mabilis na umawang ang labi ko at agad na nilamon ng pagkagulat ang buong sistema ko.

Anak ng! Manyak nga! Magandang manyak.   

"Seryoso kaba dyan?"

Natatandaan ko kasi na nasabi sa'kin ni Minerva na mabait at mabuting tao si Cupid. So, pano niya magagawang bastusin ang pinsan ko? Pero, tinanggi naman ni Cupid kanina diba?

Well, wala talagang kriminal na naamin sa kasalanang nagawa nila. Hays.

"Hindi ako tanga o manhid cous." She crossed her arms over her chest. "Kung ikaw pa, oo. Pero ako? Duh."

Kung hindi lang ako nagmamaneho ngayon, inuntog ko na siya sa dashboard nitong kotse ko.

Masyado naman siyang harsh sa'kin. Ang sakit niya sa bangs kung magsalita. Hmp!

"Wag na wag talaga magpapakita sa'kin ang babaeng yun, dahil sinisiguro ko, hindi na siya sisikatan ng araw." Madiing dagdag niya.

Napailing na lang ako. Kung ako din naman ang nasa kalagayan niya, panigurado, uusok din talaga ang ilong ko sa galit.

Baka nga hindi lang ilong, for sure pati tainga din.

"Para ka namang kontrabida dyan kung mangbanta." Natatawang saad ko sa kanya.

Pero tanging pag-ismid naman ang tinugon niya sa'kin na mas lalo ko namang ikinatawa. Malaki na siya, alam na niya ang bagay na gagawin niya pagdating sa ganitong bagay.

Wala na namang kumibo sa'ming dalawa kaya tahimik na kami habang nasa biyahe. Halos ilang minuto lang din ang ginugol namin dito sa daan at tuluyan ko ng naihinto ang sasakyan sa tapat ng condo kung saan siya tumutuloy niya ngayon.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now