CRISTINA HELEN STEVENS"Pwede magtanong?"
Napataas naman ako ng kilay ko ngayon. "Di ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan?"
Ano bang tingin niya sa ginagawa niya? Parang tanga ah. Akala niya ata hindi pagtatanong 'tong ginagawa niya.
Ee bakit ba ang init init ng ulo ko! Nakakainis kasi yung bwisit na partner ko dito sa Thesis namin. Ni hindi man lang niya magawang maki-cooperate.
Humanda talaga siya. Wag na wag niyang subukang magpakita sa'kin dahil sisiguraduhin kong hindi siya magma-marcha. Tss.
"Anong gusto mong pakasalan Cristina?"
Isa pa 'tong bwisit na 'to. Wala naman akong balat sa pwet pero bakit puro kamalasan ang nangyayari sa buhay ko? Tss.
"Malamang tao. Duh" alangan namang hayop o bagay diba. Nakakatanga talaga siya kausap. Mas lalo akong hindi makapag-focus sa ginagawa ko dahil sa kaingayan niya.
Inirapan ko lang naman siya ng mapangiwi siya dahil sa naging sagot ko. Kasalanan niya din yun, nakakabobo yung tao niya ee.
"Ibig kong sabihin, anong klaseng career mayroon ang isang taong gusto mong pakasalan?" Pagtatama niya.
Sa pangalawang pagkakataon, napataas ako muli ng kilay ko. "Ano na namang klaseng tanong yan?" I crossed my arms over my chest. "Alam mo, walang araw na hindi ka weird."
Kung anu-ano na lang kasi pinagtatatanong niya sa'kin.
Pero ang bwisit na 'to, walang habas na ngumiti sa'kin na akala mo'y natutuwa ako sa pinaggagagawa niya. "Oo, alam ko." She paused. "At wala ding araw na hindi kita minahal." She finished.
Natameme naman ako dun. Hindi ako handa sa part na 'yun. Umawang ang labi ko para lang isara ulit. Kaya sa bandang huli, napalunok na lang ako bago agad na nag-iwas ng tingin.
Sa sobrang weird niya, kung anu ano na ang naiisip niya. At para siyang tanga. Bwisit.
"Cristina"
Napalunok naman akong muli bago ipagpatuloy ang ginagawa ko. "Kahit ano." Simpleng sagot ko sa tanong niya. "Basta may pangarap sa buhay, okay na ko dun."
"Ako, ang dami kong pangarap sa buhay. Pasok na ba ko sa standards mo?"
Taas kilay ko naman siyang tiningnan. Gusto ko sana siyang irapan kaso nakakahiya naman sa napaka ganda niyang ngiti.
What the! Hindi ko sinabi yun 'no. Wala akong sinabing ganun. Ew!
"Manahimik ka Morales." Inis na sagot ko sa kanya.
But, she just laughed at me. "Answer me Cristina."
I let out a loud sighed and rolled my eyes at her. "Gusto ko makapangasawa ng sundalo." Mabilis na sagot ko sa kanya.
Mabilis namang nabura ang malaking pagkakangiti niya at napalitan ng pagtakaka ang buong mukha niya. "Sundalo?"
I nodded at her. "Yes, Army."
"But, why?"
I raised my brow to her. "Gusto ko ee. Bakit ba?"
She just shrugged at me. "Wala naman. Natanong ko lang."
Napailing na lang ako. Wala daw. Pero maya-maya may itatanong na ulit na yan.
"Sundalo lang?"
YOU ARE READING
Bella Amor Historia: Cristina Helen Stevens
عاطفيةHistoria#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: November 26, 2020