Chapter XXIV

1.9K 93 21
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS





"Mommy, this one. I like it."

Literal na napangiwi ako ng makita yung tinuro niyang laruan. At hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano.

Ang bilis naman ata umikot ng mundo na kung dati, ang tinuturo niyang laruan sa'kin mga barbie, doll, aba'y ngayon, mga baril na at kung anu-ano pa.

Jusko. Hindi ko naman pinangarap na sumabak ang anak ko sa giyera paglaki niya.

Siya yung literal na, from the top, make it drop.

Grabe eee.

"Baby, seryoso kaba dyan?" Pasimple pa kong napahilot sa sintido ko ng kunin na niya yung laruang baril at yakapin ng mahigpit.

Mukhang alam ko nabkung sinong sisisihin dito.

"Susunod sa yapak ko si River." At talagang proud na proud pa siya. Bwisit talaga.

Inis na inirapan ko naman siya. "Kasalanan mo lahat 'to. Kung hindi mo sinabi sa kanya na sundalo ka, edi hindi ganito ang iispin ng bata." Grabe talaga. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na baka magsundalo din siya. "Kapag talaga yan na ang desisyon niya paglaki niya, makakatikim ka sa'kin Raven." I added.

She just shrugged at me. "Okay lang. Basta ba ikaw yung matitikman ko ee."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong irereact ko sa kanya. Kaya sa huli, inis na hinampas ko siya ng laruang napulot ko bago siya iniwan dun para sundan ang anak ko.

Napaka halay niya. Kanina pa siya. Kung anu-ano na lumalabas sa bibig niya. At nakakairita na.

"River baby, may gusto ka paba?" Pagtatanong ko

Hindi naman niya ko sinagot at pinagpagtuloy niya lang ang paglilibot dito. Napailing na lang tuloy ako.

Alam ko na kung kanino talaga siya nagmana. Hay nako..

"Ako? Hindi mo ba ko tatanungin kung anong gusto ko?"

I immediately rolled my eyes when she I see her. Bahala ka dyan sa buhay mo. Hindi kana naman bata para itanong pa ang bagay na gusto mo. 

I was about to follow my daughter when she immediately grabbed mu arms to stopped me. "Cristina." 

Marahas naman akong napakamot sa kilay ko bago siya lingunin. "Ano na naman ba?"

"Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina."

Napairap naman ako. Para talagang ewan ang babaeng ito. Jusko. "Hindi naman ako interesado ee. So, bakit ko pa pagkaka-abalahan?"

I lied. I fucking lied, again.

Lahat naman ng bagay, gusto kong malaman tungkol sa kanya. Lahat-lahat, walang labis, walang kulang.

"Ikaw Cristina." Impit na napatili naman ako ng mabilis niya kong hinila para mas lalo kaming magkalapit na dalawa. "Ikaw ang gusto ko." Napalunok naman ako nh maramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumama sa leeg ko.

Nakakainis.

Kailan pa siya naging fan ng PDA? At wow lang ah, ang lakas na talaga ng loob niya ngayon.

Kahit halos mangatog ang tuhod ko sa ginagawa niya sa'kin ngayon, buong lakas ko siyang  naitulak papalayo sa'kin. Wala naman akong inaksayang oras at agad kong sinundan si River.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now