Chapter XIII

1.9K 92 23
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS






"Hindi kaba napapagod?"

Napairap naman ako. Hanggang kailan ba ko kukulitin ng isang 'to? Grabe. Hindi ba siya napapagod?

"Pagod kana sa klase. Sa pagiging Vice President mo. Tapos ngayon, mas gusto mo pang maglakad pauwi." She paused for awhile. "Ayaw mo ba talagang sumakay sa sasakyan ko?"

Inis na nilingon ko siya. Bakit ba ang kulit-kulit niya? "Alam mo, hindi ko sinabi sayo na sundan mo ko. Kaya kumg pwede lang, wag ka ng makialam sa desisyon ko."

Mas binilisan ko pa ang bawat paghakbang ko para lang hindi makasabay ang babaeng yun.

Sa loob ilang araw na pagsasama namin sa iisang bubong, masasabi kong napakadaldal niya. Jusko. Walang katigilan sa pagsasalita ng kung anu-ano. Akala mo naman natutuwa ako sa sinasabi niya. Tss.

"Cristina"

I sighed. Hanggang ngayon parin talaga, nakasunod parin siya. "Oh?"

"May I ask you something?"

Kunot noong nilingon ko siya. "You're already asking dumbass." Tss. Parang ewan ee. Hindi paba siya nagtatanong sa lagay na 'to?

Pero tila hindi naman siya nainis sa way ng pagtatanong ko at talagang ningitian pa niya ko ng matamis. Napailing na lang ako bago agad na mapa-iwas ng tingin.

"Magtatanong na ko ah."

I rolled my eyes and massage my temple. Gosh. Ang kulit-kulit niya talaga. Nakakairita na.

"Saan ka pinaglihi?" She finally asked

Literal  na napakunot noo ako. Ano ba namang klaseng tanong yun? Parang tanga lang ee. "What the fuck Raven?"

But, she was just smiling at me. "Ang ganda mo kasi. Kaya nagtataka ako kung saan kaba pinaglihi ni Mama." 

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at mas binilisan pa ang paglalakad ko.

Nakakainis.

Alam ko namang maganda ako. Madaming nagsasabi sa'kin nun. Halos lahat nga ng estudyante sa Brandon sinasabihan ako ng ganun.

Pero kapag sa kanya nanggaling ang salitang yun, hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Nakakainis na ewan.

Ang gulo ko. Tss.

"Cristina! Wait lang."

Hindi ko na siya nilingon pa at mabilis kong tinungo ang park na lagi kong tinatambayan sa tuwing mainit ang ulo ko.

At oo, mainit ang ulo ko ngayon.

Nakakainis si Samuel. Sobra.

Nangako siya sa'kin na after class, lalabas kami. Bonding din namin. Pero anong ginawa niya? Hindi niya ko sinipot. Para akong tanga na naghintay kanina sa parking lot ng school. Pero ni anino niya, hindi ko nakita.

Wag na wag talaga siyang magpapakita sa'kin pagkatapos ng ginawa niya ngayon. Nako talaga.

"Padilim na, hindi paba tayo uuwi?"

Taas kilay na nilingon ko siya. "Umuwi ka kung gusto mo. Hindi naman kita pinilit na sumunod sa'kin."

Tila pagod na pagod naman akong naupo sa bench dito. Raven's right, padilim na nga, pero wala akong pakialam. Mas gusto kong maupo dito, kalmahin ang sarili.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now