Prologue

188K 3.3K 4.4K
                                    

WARNING: Ang kuwentong ito ay galing sa malikot na imahinasyon ng author. Ang anumang pagkakatulad ng pangalan, lugar at pamgyayari ay hindi sinasadya. This story may consists of violence and sensitive topics or scenes.

Open minded readers are needed.

Keep in mind that the author don't edit her stories here in Wattpad. So expect the grammatical and typo errors ahead.

Thank you and happy reading!

October 8, 2020

PS: Slow update ahead. Please, be patient.

PROLOGUE

LAKAD-takbo ang ginawa niya. Wala siyang sapin sa mga paa. Ang suot niya ay punit-punit na. Ang buong katawan ay nananakit pero hindi siya tumigil sa pagtakbo. Kailangan niyang makatakas. Kung hindi siya makatakas, siguradong buhay niya ang magiging kapalit.

Hindi niya alam kung saang lugar na siya. Wala na siyang pakialam sa paligid niya.

Sariwa pa sa isip ang nasaksihan niya. Nananayo ang mga balahibong niyakap niya ang sarili. Kahit anong pigil niyang huwag umiyak, kusang tumutulo ang mga luha niya.

Nakarating siya sa isang pier ng mga barko. Tila abandonado ang nakikitang niyang barko. Luma na iyon at kinakalawang. Madilim pa ang buong paligid.

Wala siyang nakikitang tao. Pero kahit meron man, hinding-hindi siya manghihingi ng tulong. Wala siyang tiwala kahit kanino. Basta't ang importante ay makatakas siya mula sa impyernong buhay niya. Mula sa demonyo niyang asawa.

"Naroon siya!" Naalarma siya nang marinig ang boses na iyon.

Hinahabol pa rin siya ng mga kalalakihan.

Muli siyang tumakbo. Naririnig niya ang mga yabag, hinahabol siya.

Napasigaw siya nang makarinig ng putok ng baril, sunod-sunod iyon. Ang mga humahabol sa kanya ay wala siyang balak buhayin.

Napangiwi siya nang may tumama sa balikat niya. Alam niyang tinamaan siya ng bala. Mabilis niyang sinipat ang balikat. Nagpapasalamat pa rin siya dahil daplis lang iyon. Hindi bumaon ang bala sa balikat niya pero sobrang hapdi pa rin ng pakiramdam niya.

Muli siyang tumakbo pero kaagad din siyang natigilan nang makitang wala na siyang tatakbuhan.

Nanginginig ang buong katawan niya, nawawalan na ng pag-asa. Dito na ba matatapos ang buhay niya?

Lumingon siya sa mga kalalakihan nang tuluyang makalapit ang mga ito sa kinaroroonan niya.

Unti-unti siyang umatras hanggang sa maramdaman ang sariling bumagsak sa tubig.

Unti-unti siyang pumikit, tinanggap ang magiging kapalaran niya. Gustuhin man niyang lumangoy ay hindi niya magawa. She couldn't move her body. She's in pain. She couldn't save herself.

Naramdaman niyang tumama ang likod niya sa isang matigas na bagay. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niyang isa iyong matibay na kahoy. Napakapit siya doon. Inanod siya ng alon kasabay ng kahoy, dinala siya sa kung saan.

Hindi niya alam kung ilang oras o ilang araw na siyang palutang-lutang sa dagat. Basta't ang alam niya ay napakatagal niya doon. She couldn't open her eyes. Masyadong pagod ang katawan niya mula sa natamong bugbog mula sa demonyo niyang asawa.

Napapadaing siya sa sobrang sakit ng katawan at sa sobrang lamig.

Naririnig niya ang ingay mula sa hindi kalayuan pero nanatili siyang nakapikit. Papalapit nang papalapit ang ingay na iyon hanggang sa naramdaman niyang may matitigas na mga kamay na humawak sa kanya. Maingat siyang binuhat at isinakay sa kung saan.

She tried to open her eyes. She saw a man but her vision was too blurred to see his face clearly. She felt him put his jacket on her. Muli siyang napadaing at kapagkuwan ay muling pumikit.

Hinayaan niya ang sariling agawin ng pagod at antok. Tuluyan siyang nakatulog.

She found herself on an island. She woke up full of bruises right in front of a stranger. She was scared to death, unable to trust anyone. Her whole body shouts in pain.

"D-Don't hurt me," she begged.

The man is hesitant to touch her. He just looked at her and looked at her bruises.

"Nasa Isla Fontana ka, Miss. Walang sinuman ang magtatangkang manakit sa'yo dito," iyon ang unang mga katagang namuntawi mula sa bibig ng estranghero. Ang boses nito ay buong-buo, ang pagsasalita ng tagalog ay diretso.

Napatitig siya sa mga mata nito. Ang mga matang nangangakong ligtas siya sa mga kamay nito.

Paunti-unti ay inilahad nito ang kamay. Tiningnan niya iyon. Muli siyang tumingin sa mga mata ng estranghero at kapagkuwan ay inabot ang kamay nitong nakalahad.

Napatitig ito sa kamay niya. Kumunot ang noo nang makita ang singsing sa palasingsingan niya.

She's married. And she ran away from her evil husband.

To be continued...

Isla Fontana Series #1: Stolen Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now