Pluviophile

34 2 0
                                    

01.

Naglalakad-lakad ako sa park nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman akong payong na dala.

Naligo na lang ako sa ulan tutal basang-basa na rin naman ako. Tamang-tama wala akong dalang kahit isang gamit.

Habang naglalakad, may nakaagaw ng pansin ko. Isang lalaki na nakapayong. Bigla akong napatingin sa kaniya dahil may dala siyang payong. Bakit kasi hindi ako nagdadala ng payong? Dati naman akong girl scout sa school namin.

Hindi ko na lang pinansin diretso lang 'ko sa paglalakad.

Hanggang sa may dadaanan akong mga lalaki na nakatambay.

Tinatawag ako kaya nagmadali akong naglakad. Ayoko kasi naglalakad sa maraming lalaki.

Lalapitan sana ako ng isang lalaki nang biglang may umakbay sakin, kaya lumayo yung lalaki at pinayungan ako ng lalaking umakbay sa'kin.

Hindi ko nga kilala kung sino 'to.

"Hi, Miss I'm Sean, saan ba bahay mo? Kanina pa kasi kita napapansin na basang basa at walang payong na dala," Tanong nito sa'kin sabay  lahad ng kaniyang kamay sa akin.

"Thank you, ako nga pala si Alexandra. Huwag muna ako ihatid sa'min, nakakahiya. Mamaya pa naman ako uuwi," Inabot ko naman ang kaniyang kamay.

"No, ihahatid na kita baka mapano ka pa gabi na rin naman. Kaya delikadong mag isa ka babae ka pa naman." Sagot niya.

Hindi na ako nakatanggi pa at nagpahatid ako na lang ako sa kaniya.

"Alexandra, sana makita pa kita ulit!" Wagayway ng kaniyang kamay sa akin.

"Thank you sa pag hatid, mag-iingat ka, Sean!"

Masaya akong nagpaalam sa kaniya bago ako pumasok sa loob.

Umakyat na ako sa aking kwarto. Ayoko na muna makita sila mama.

Pinipilit kasi nila ako ipakasal sa lalaking hindi ko naman kilala.

"Abby, bumaba ka muna d'yan at kakain na tayo!"

"Opo, pababa na!"

Abby nga pala ang palayaw ko at bumaba na ako.

"Nak, pumayag kana makakabuti rin sayo yun at makakasundo mo naman yung mapapangasawa mo."

"Ayoko sana pumayag pero mahal na mahal ko kayo." Ngiti ko.

Alam kong ako na lang ang pag asa nila mama, kaya pumayag na lang ako.

Ayoko na tuluyang magsarado ang Chinese Restaurant ni papa, kaya para maisalba ay kailangan na ipakasal ako sa iba.

Kinabukasan pumunta ulit ako sa park nagbabakasaling makita ulit si Sean at hindi ako nagkamali at nakita ko ulit siya.

"Seaaaaan!!" Sigaw ko.

"Hey, Alex I miss you!!" Lapit niya sa akin at niyakap ako.

Nagkwento siya tungkol sa buhay niya, nalaman kong yung first love niya na si Marianne Shin ay iniwan siya biglaan sa hindi niya malamang dahilan.

"From now on, I'll call you Alex!"

"And I'll call you Ean!" Sagot ko.

"Hatid na kita at gabi na rin."

"Sigurado ka? Baka hinahanap kana sa inyo?"

"Hindi,wala naman sila mama."

Wala akong nagawa at hinatid niya ako sa amin. Magpapaalam na sana ako sa kaniya nang biglang lumabas si mama.

One shot stories(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon