"Pandaaaak mo talagaaa Vanilla!" Sabay tawa niya.
"Crush mo lang ako kaya ka gan'yan," sambit ko at binatukan siya.
Ano akala nya 'di ko s'ya babatukan? Kanina niya pa ako iniinis! Alam n'ya naman na pikon ako.
"Hindi kita type, 'te. Fafa yung type ko," arte niya na para bang nadidiri sa'kin.
Nandito ako papasok sa room ngayon. Sa Saint Patrick Academy at fourth year high school na 'ko. Nagpalipat-lipat ako ng upuan dahil hindi ako tinitigilan sa pang-aasar niyang Blake na yan. Nababadtrip na 'ko!
Bakit ba kasi classmate ko pa yang baklang yan?! Nakita kong lumapit na naman siya sa'kin. May sinasabi s'ya pero hindi ko narinig.
"I likewsjsiyouabb, Vanilla." Ngiti niya.
Tinanggal ko ang earphones ko upang mas marinig ito, "Ha? Ano sabi mo, paki ulit nga?"
Hindi niya 'ko pinansin at ngumisi na lamang. Lumabas na lang ako tutal breaktime na rin naman. Ayoko nang mag stay kasama si Blake. Mang iinis lang 'yon. Pero curious talaga ako sa sinabi niya sa'kin ano kaya yun? Sayang hindi ko narinig. Sayang si Blake. G'wapo pa naman siya, bakla nga lang. Matagal ko na kayang crush si Blake. Hindi lang ako umaamin sa kan'ya dahil lalaki din ang gusto n'ya.
Tapos na ang klase at pauwi na nang may isang lalaki ang humila sa akin.
"S-Sino po kayo?" Tanong ko sa lalaking humila sa'kin.
Ngunit katakot-takot na ngiti lamang ang isinagot nito sa akin.
"T- Tulong!" Utal kong paghingi ng saklolo.
Nagulat ako nang napatumba ang lalaki dahil sa suntok.
Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng suntok.
"B-Blaaake!" Sigaw ko at lumapit sa kaniya.
"DON'T TOUCH MY GIRLFRIEND. SHE'S MINE!" He shouted.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nabibingi ba ako? G-Girlfriend? P-pero bakla s'ya! Humarap siya sa akin at sermon inabot ko.
"Sabi ko kasi sa'yo, antayin mo ako! Pero umuwi ka mag-isa!"
"Kung 'di ako dumating, pa'no kana?!" Umiigting na ang mga panga nito.
"T- Thank you, Blake." Utal-utal kong tugon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya, baka nga nagbibiro lang siya. Kaya hindi ko na 'to inisip pa.
Hinatid n'ya ako sa bahay, pilit kong huwag isipin ang sinabi n'ya. Ngunit, buong araw ko inisip yun halos hindi na nga ako nakatulog. Gusto ko 'to itanong sa kaniya. Kaso natatakot ako. Alam kong pagpapanggap lang yun.
Mga hapon na ako nagising dahil kakaisip sa sinabi niya kahapon. Gusto ko pa bumalik ng tulog ngunit ayaw makisama ng mata ko, ay wala pala akong mata. Char lang, self! May mata ka pa din kahit singkit ka, self.
Pababa na ako para kumain nang may narinig akong parang may kumakanta sa labas. Lumabas ako pati na rin si mama para tingnan 'to.
~Heart beats fast.~
~Colors and promises~
~How to be brave?~
~How can I love when I'm afraid to fall~
~Watching you stand alone,~
~All of my doubts suddenly goes away somehow~
Unti-unti siyang lumalapit sa'min habang inaawit iyon.
Nang makalapit kila mama at papa ay nagmano si Blake. Yes it's Blake.
"Hi, tita and tito. I'm here to court your daughter. I know na bakla ako. But tinamaan po ako sa anak niyo, kay Vanilla." Lingon niya sa akin. "Kaya kita inaasar kasi masaya akong nakikita kang naiinis at nakangiti," kabadong tugon niya.
Pumayag naman sila mama at papa. Patuloy niya pa rin niya akong nililigawan, hlos five months na. At plano ko siyang sagutin sa birthday niya.
Ugh, can't help falling inlove to this man! I mean, gay. Haha!
@purples_minion
