Behind her beautiful face

5 1 0
                                        

Cinderella's untold story.

Sa tuwing makakarinig ako ng kwento tungkol sa mga Disney Princess ay tuwang-tuwa ako.

May nadaanan akong isang store at nakita ko ang libro na may pinamagatang 'Cinderella' kaya dali-dali akong umuwi upang humingi ng pera pang bili nun.

Pagkapasok ko,amoy ko agad na parang may nasusunog na bagay.

"Lola,asan kayo?may sunog!" sigaw ko habang hinahanap si Lola Keina.

Sa paghahanap ko kay lola naabutan ko siya sa bakuran, sinusunog ang libro ni Cinderella.

"Lola! bakit niyo po sinusunog yan?sayang naman po gustong-gusto ko pa naman yan," pagmamaktol ko kay lola.

"Iha,alam mo ba ang kwento sa likod ng kanyang maamong mukha?" tanong sa'kin ni lola.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"sagot ko pabalik sa kan'ya.

Umupo si lola sa damuhan at niyaya akong tumabi sa kan'ya.

"Lola,pano niyo po ikwe-kwento sa'kin kung sunog na ang libro?"tanong ko muli sa kan'ya.

"Makinig kana lang apo,"

"Once upon a time,may isang magandang babae na nagngangalang Cinderella," panimula ni lola sa kwento.

"Si Cinderella ay nag iisang anak lamang ngunit namatay ang kan'yang ina dahil sa sakit, kaya sila na lang ng kan'yang ama ang natira,"

Medyo kinikilabutan ako sa kwento ni lola piling ko may ibang mangyayare sa kwento.

"Nagkaroon ng step mother si Cinderella nagkaroon din siya ng dalawang step sister. Akala ni Cinderella mababait ang mga ito, pero nagkakamali siya ginawa siyang katulong ng kan'yang madrasta hindi 'to alam ng kan'yang ama dahil nagtra-trabaho 'to sa malayo." pagpapatuloy ni lola sa kwento.

"Lola,wala namang pinagbago narinig ko na yan alam kong happy ending yan,"saad ko kay lola.

"Just wait and see apo," sagot ni lola sa'kin.

"Patuloy pa rin siyang inaalipin ng kan'yang madrasta hanggang sa may nabuong galit si Cinderella sa kan'yang madrasta at dalawang kinakapatid,kaya sa tuwing sasapit ang 12am hinihiling niyang makaganti siya sa kanila,"

"Apo, sa tingin ko magugulat ka sa mga malalaman mo," wika ni lola sa'kin. Kaya agad akong napayakap sa kan'ya at hindi na siya sinagot.

"Habang naglilinis si Cinderella sa kanilang hardin may napulot siyang maliit na bote at may lamang tubig. Kaya agad niya itong binuksan at may lumabas na isang mahiwagang babae at tinanong siya kung ano ang hiling nya,"

"Lola,ano yung bote na yun?" tanong ko kay lola.

Ngunit hindi sumagot si lola at pinagpatuloy niya na lang ang istorya.

"Hiniling niyang magkaroon siya ng kapangyarihan upang makapaghiganti siya at binigyan siya ng isang mahiwagang heels.Kapag suot niya ang heels nag iiba ang kaniyang anyo,pinagbigyan naman siya ng babae pero may kapalit at 'to ay ang kaluluwa. Pumayag siya sa kasunduan bago niya makuha ang kapangyarihan mag alay muna siya ng isang kaluluwa,"

"Saktong-sakto at umalis ang kaniyang madrasta kasama ng dalawa niyang anak at pumunta sa isang celebrasyon, agad siyang nag-ayos at sumunod.Nang makarating siya sa palasyo nakita niya ang dalawa niyang kapatid, pasimple siyang lumapit sa dalawa at tinurukan niya ito ng pampatulog,"

"Dinala niya ang dalawa sa isang liblib na lugar itinali niya 'to sabay may pinainom agad siyang kumuha ng isang garapon at tinapat 'to sa bibig ng dalawa. May lumabas na parang isang usok sa bibig ng dalawa isang senyales na ang kaluluwa ng dalawa ay unti-unting napupunta sa loob ng garapon.

"Lola, pwede bang itigil muna yan natatakot na po ako." nanginginig na saad ko kay lola.

"Makinig kana lang apo," sagot ni lola sa'kin.

"Nang makuha na ni Cinderella ang kaluluwa ng kaniyang kinakapatid bago niya balikan ang kaniyang madrasta sa palasyo, nag iba ang kaniyang anyo naging si Drizella siya. Bumalik na siya sa palasyo upang ang madrasta naman niya ang kaniyang kukuhaan ng kaluluwa"

"Nakabalik na si Cinderella sa palasyo ngunit gamit ang anyo ni Drizella agad siyang nakita ng kaniyang madrasta.Paniwalang-paniwala ang kaniyang madrasta na siya si Drizella kaya nang nakahanap siya ng tyempo, kaya agad na may kinuha si Cinderella sa kaniyang bulsa at dinala ang kaiyang madrasta sa liblib na lugar at ipinainom sa madrasta,"

"Sinabi niya sa madrasta na tubig ang laman ng bote sa sobrang uhaw ng kaniyang madrasta,hindi na nagdalawang-isip na inumin 'to. Kaya pagkainom nito ay unti-unting nalulusaw ang kaniyang katawan hanggang sa maging abo at inilagay niya sa bote,"

"Bago pa sumapit ang 12am ay bumalik na siya pero ang hindi niya alam ay nalimutan niya ang kanyang heels. Nakita ng prinsipe ang kaniyang heels, kaya kinaumagahan agad siyang pinahanap ng prinsipe,"

"Agad siyang nahanap ng prinsipe namuhay sila ng maayos ngunit hindi nakontento si Cinderella, gumagamit uli siya ng kapangyarihan dahil tumatanda na siya. Kailangan niya ng kaluluwa para siya ay maging bata muli,"

"Halos gabi-gabi pumapatay siya ng mga tao para makapag-alay siya ng kaluluwa sa mahiwagang babae, pero lumagpas na si Cinderella sa paggamit ng kapangyarihan ng kaniyang heels,"

"Ano na mangyayari lola?"

"Mag-antay kana lang sa mga susunod na mangyayari" sagot sa'kin ni lola.

"Kaya makakatanggap si Cinderella ng parusa ang pinag-aalayan niya ng kaluluwa ay isang demonyong nagkatawang tao. Nag-pasya ang mahiwagang babae na ang kaluluwa na si Cinderella ang kuhain,"

"Walang magawa si Cinderella dahil mas malakas 'to sa kaniya at sa huli nagsisi siya, pinairal niya kasi ang galit niya pero huli na ang lahat at nakuha na ang kaniyang kaluluwa,"

"Naging mas maayos na ang palasyo at nawala na si Cinderella at dyan nagtatapos ang kwento ni Cinderella." Pagtatapos ni lola sa kwento.

"Nakamangha naman ang kwento ni Cinderella!"

"Sa maamo niyang mukha may kasamaang nakatago!" Paglalarawan niya kay Cinderella.

"Oh siya! bumili kana muna ng libro." Dagdag niya.

"Sige lola titingnan kong muli."

purples_minion

One shot stories(Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon