"Chat ko kaya si crush?"bulong ko sa isip ko.Hindi naman makapal mukha ko, kaya wag na lang.
Nagscroll up and down ako sa newsfeed ko sa facebook ko ng may nakita akong post na "Mention your favorite writer at gagawaan ko ng certificate"
May crush akong writer he's name was Edrian Riego, kaya minention ko siya sa post na yun.
Nagulat ako nang mag pop-up isang message sa'kin.
Edrian Riego sent you a message.
Fuck! Is this true? Agad kong tiningnan ang message sa'kin.
"Hey, answer me honestly."
"What?" Sagot ko.
Kinabahan ako bigla mga bes, baka kung ano tinatanong niya.
"I think you like me? Do you like me?"
Nagdadalawang isip pa ako kung aamin ako, bahala na mapapaamin tuloy ako ng wala sa oras.
"Uh?Yea, why?" Fuck, napaamin ako. Kunin mo na ako lupa, please?
Grabe, parang lalabas na puso ko sa lakas ng pintig huhu.
"Mamaaaaa! huhu help meeee!" Napasigaw ako sa sobrang kaba.
"Luna, ingay ingay mo!" Suway sa'kin ni mama.
Bumalik ang tingin ko sa cellphone ko at chineck kung nagreply na siya.
Makalipas ang tatlong minuto nagreply na siya.
"Wala."
Huhu, bakit ang cold magreply ng baby ko? May kabet ba siya?
"Ano nga?" Kulitin ko nga baka sakaling ma fall tapos I ghost ko pag nafall, joke lang.
"CB kita dyan, tamo!"
Ha?CB? Di naman naging tayo tapos CB.
"Anong CB? huh? Bukod sa comeback, may iba pang meaning yang CB?" Reply ko sa kan'ya.
Ano ba yang pisteng CB na yan?Comeback lang alam ko e huhu.
Tapos yung nagbabasa hindi na binalikan.
"Tanong mo sa iba, chat mo ako pag alam muna."
Wala akong mapagtanungan kaya nag post ako.
"Bukod sa comeback na meaning CB, ano pa meaning?"
"Crushback"
"Call sign"
"Cornbeef"
Nang mabasa ko ang 'CRUSHBACK' agad ko siyang nireplyan.
"Alam ko na, crush back yun."
This is it! Icrucrushback na ata ako?waaaah!
"Sa'n mo nalaman yan? ang galing naman."
"Nagtanong ako, pake mo?"
"Lowbat na ako, charge lang muna ako baby kiss ko mamaya ah?"
Lah, baby raw? hindi tayo marupok self. Speed mo naman crush, hindi pa tayo kasal kiss na agad?
"Basta akin kana." Habol niya.
"Gago, magcharge kana dun."
Bye mom, I'm getting married. Invited kayong lahat sa kasal namin ni Edrian.
Hindi ko inaakala na sa simpleng pag mention ko sa kan'ya ay ikrakrasback niya ako.
Ano pang hinihintay mo? Mention mo na crush mo sa post, baka ma crush back ka.
@Purples_minion
