Tanikala sa rosas

1 1 0
                                    


May dalawang dalaga sa kanilang baryo. Saya ang kanilang naihahatid sa kanilang lugar.

Binansagan silang "Maria Clara" marahil sila ay mayroong angking ganda, halos lahat ng lalaki ay nagkakagusto sa kanila. Pero mas nanaig ang kagandahan ni Xylene kaysa kay Thalia.

Labis na inggit ang naramdaman ni Thalia dahil ng lahat nagugustuhan niya si Xylene ang nais.

Dulot ng lubos na pagkainggit ay may namuong poot sa kan'yang puso at may binabalak siya para kay Hanna.

"Xylene, samahan mo ako maghanap ng rosas." Nakangiti niyang sabit.

"Ikaw na lang, may kailangan pa akong tapusin." Sagot niya.

"Saglit lang Xylene." Pagmamakaawa niya kay Hanna.

Agad namang napapayag ni Thalia ang dalaga kaya tuloy ang kan'yang binabalak.

Dinala ni Thalia ang dalaga sa isang gubat kung saan maraming diwata ang naninirahan.

"Sa kanan ka maghanap Xylene, sa kaliwa ako!" Ngiting wika ni Thalia.

Naghanap si Xylene ng rosas habang si Thalia ay tuwang-tuwa dahil mawawala na sa kan'yang landas ang dalaga

Gumamit nang kapangyarihan si Thalia at masayang 'tong umuwi.

Inabot na ng gabi si Xylene ngunit hindi pa rin siya nakahanap ng rosas.

"Thalia, sa'n kana ba?!" Paghahanap niya kay Thalia.

Si Xylene ay may natatanging kapangyarihan, agad na ginamit nito kan'yang kapangyarihan.

Kinabukasan nagulat si Thalia nang makita niya ang dalaga."A-anongginagawa mo dito?" Utal-utal na tanong niya.

"Alam ko ang binabalak mo, ano ang nagawa kong kasalanan sa iyo?" Takang tanong niya.

"Lahat na lang ikaw, puwede bang ako naman?"

"Wala akong ginagawa sa iyo!"

Ilang araw nakalipas hindi sila nagpapansinang dalawa, ang mga tao sa baryo ay nagtataka kung bakit hindi sila nagkakausap na dal'wa

May dumating na isang dalaga at may kasamang binata, masayang nakita ni Xylene ang kan'yang ina.

Halos magkamukha si Xylene at ang kan'yang ina, hindi makapagkakaila na para silang magkambal na dalawa.

Ang binatang kasama ng kan'yang ina ay kababata ni Xylene na si Sean.

"Kamusta kana?" Tanong ni Sean kay Xylene.

"Okay lang ako, mabuti at nakadalaw ka rito?"

"Oo nga, hindi ba nasabi sayo na dito na ako manunuluyan sa inyo?" Kamot sa ulo ni Sean.

"Talaga?masaya yan at dito kana!" Sa sobrang saya napayakap si Hanna kay Sean.

Nakita ni Thalia na magkayakap silang dalawa at matagal na 'tong may gusto kay Sean, noon pang mga bata pa sila.

Kinagabihan, naisip niyang isumpa si Xylene dahil sa sobrang inggit nito. Bukas niya gagawin ang plano.

Maagang nagising si Thalia, upang maisagawa ang binabalak niya.

Nanghingi siya ng paumanhin sa nagawa niya kay Xylene at agad nitong tinanggap kaya nagkasama na silang muli.

"Kukuha lang ako ng maiinom natin," Turan nito.

"Ako na Xy, may kukuhain rin ako," Palusot ni Thalia.

Dali-daling kumuha ng maiinom si Thalia at kinuha niya ang isang bote na may lamang sumpa at inilagay sa maiinom ni Xylene.

Bumalik na siya, kitang-kita sa kan'yang mga mata na masaya siya nang makita niyang unti-unting iniinom ng dalaga ang may sumpa.

Nawalan ng malay si Xylene dahil sa nainom niya, nagkunwaring nag-aalala siya rito.

Ilang araw makalipas unti-unti ng nagkaka-mabutihan si Xyelen at Sean.

"Mahal na mahal kita." Nakangiting saad ni Xylene kay Sean.

"Mahal na mahal din kita." Dahan-dahan niyang hinalikan si Xylene sa labi.

Nagulat siya nung pag-mulat niya ng mata ay nawala sa kan'yang paningin si Hanna. Napansin niyang may isang rosas sa kan'yang harapan.

Napagtanto nitong si Xylene ang rosas na ito, agad niyang ipinaalam ang nangyari sa ina ni Xylene.

Sinumpa ni Thalia ang dalaga na kapag hinalikan siya ni Sean ay magiging rosas 'to.

Lubos na nasaktan si Rachel sa sinapit ng kan'yang anak at galit na galit si Rachel kay Thalia.

Magkakambal si Thalia at Xylene.

Mula noon ay Punong-puno na nang rosas ang bahay ni Rachel, para sa kan'ya ang rosas ay hindi lang basta isang bulaklak. Isa 'tong ala-ala.

Sa t'wing siya ay malungkot, kinakausap niya ang mga rosas. Minsan pinagkakamalan siyang may sakit sa utak dahil sa ginagawa niya.

Hindi alam ng iba na may nangyaring trahedya kaya ganun na lang ang pagpapahalaga niya sa mga 'to.

@Purples_minion

One shot stories(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon