My name is Vessel. I have boyfriend named Kier. Takot na takot kami mawala sa isa't isa. 'Yung tipong kakatapos lang namin mag usap na-miss na agad namin yung isa't-isa.Sobrang swerte ko sa kanya. Hindi nya nga ako hinahayaang matulog ng may tampo o galit sa kan'ya. Iniiwasan niya yung mga bagay na ikinagagalit ko.
Ilang araw na lang ay 1st anniversary na namin. Naghanda ako dahil susurpresahin ko siya. Bumili ako ng mga street food gaya ng nakagawian namin dahil hindi kami tulad ng iba na sa mamahalin nagce-celebrate.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko—ang anniversarry namin. Tinawagan ko siya at sinabing magkita kami sa lugar kung saan lagi kami nagkikita.
Pumunta na ako sa tagpuan namin. Ngunit nagulat ako nang may lalaking nagtakip ng panyo sa aking ilong na nagdahilan ng pagdilim ng paningin ko.
Nagising na lang ako at nandito na ako sa isang mamahaling resort at nandun si Kier.
Hindi ko inaasahan 'to. Kaya pala pinapauna nya ako. May ganito pala siyang pakulo.
Masaya kaming nagcelebrate ng una naming anibersaryo.
Ilang araw makalipas ang anniversarry namin, naging busy kami dahil pareho kaming writer.
At dumating ang puntong hindi na ako nae-excite na kausapin siya.
Kahit isang linggo na kami hindi nagkakausap ay ayos lang sa'kin. May nakita pa nga akong comment ng bestfriend ko sa story niya pero hindi ako nakaramdam ng kahit na ano. Hindi ako nagselos.
Hinayaan ko lang ang lahat hanggang sa maramdaman kong wala na akong pagmamahal sa kanya.
Ngunit 'di lang pala ako.
Umamin din siya na may iba nang nagpapasaya sa kanya.
Ni-let go ko siya. Kaso ilang araw, bigla kong namiss ang presence niya. Yung tipong kukulitin ako kapag mabagal ako magreply.
But it's too late, bestfriend ko na ang nagpapasaya sa kanya. Ramdam kong sobrang mahal niya yung babaeng yun.
In another life I wanna be his girl, I regret letting my feelings for him fade.
—
@purples_minion
![](https://img.wattpad.com/cover/243307927-288-k888190.jpg)