Maraming salamat, mauuna na ho ako bukas uli!" Pag-papaalam ko.'6:30pm' Late na naman ako umuwi, lagot na naman ako nito. Nagmadali akong umuwi para hindi ako maunahan umuwi ni ina.
"Mano po!" Sabit ko.
"Anong oras na nakipaglandian kana naman, ikaw ang bata mo pa!" Iniwas ni ina ang kan'yang kamay sa'kin.
"H-hindi naman po," Sagot ko.
"Aba, sumasagot ka pa!" Hila niya sa'king buhok.
"T-tama n-na po!" Hikbi ko.
"Wag kang sasagot-sagot, wala ka talagang kwenta!" Mas hinigit niya ang paghawak sa buhok ko.
"Landi mo talagang bata ka! bakit pa kita naging anak?!"
"Umakyat kana dun, wag na wag kang kakain ng hapunan!" Bitaw niya sa'king buhok.
Umakyat ako at nagkulong sa'kin kwarto, inayos ko rin ang aking buhok.
"Sana nga hindi niyo na lang ako naging anak." Pahid ko sa aking luha.
Hindi na ako kumain, hinayaan kong natulog ako ng walang kain. Sanay na rin naman ako.
___________
"Ma, punta ka bukas sa school family day po." Masayang turan ko.
"Hindi ako puwede bukas, may aasikasuhin pa ako!" Sago niya.
"Minsan lang nama-"
"Pag sinabi kong hindi, hindi ako pupunta!"
Pumunta ako sa family day kahit na alam kong hindi pupunta si mama.
"Asan na mama mo?" Tanong ni Abby sa'kin.
"Mamaya nandyan na yan." Pilit na ngiti ko.
"Sige dyan kana, aasikasuhin ko pa si mama."
Nagsimula na ang program lahat sila masaya dahil kapiling ang kanilang mga magulang.
Samantalang ako nandito, sa sulok nakatingin sa mga labi nilang labis ang tuwa.
"Asan kaya mama niya?"
"Kawawa naman wala siyang kasama."
"Pa'no niya nagawa magpunta ng walang kasama?"
"Hindi ba siya nahihiya?wala siyang kasama na magulang."
Bulong-bulong nila sa'kin pero hindi ko lang sila pinansin at kumain na lang ako.
"Yshane! asan mama mo?" Tanong sa'kin ng aking guro.
"Wala po, busy siya." Pigil ko sa luhang nagbabadyang tumulo.
"Samahan na lang kita tutal wala naman akong anak."
Ngitian ko ang aking guro, masaya ako at nagkaroon ako ng kasama.
Sumali kami sa iba't ibang mga laro, masaya ako nang makasama si Ma'am Stella.
Naranasan ko din mabigyan ng halaga kahit na sa saglit lang.
________
"Ma, goodnews top 3 ako may award din ako sa iba!" Bigay ko ng aking mga sertipiko sa kan'ya.
"Bobo mo top 3 lang?" Punit niya sa'king mga sertipiko.
"Gayahin mo si Jen, top 1 siya!" Panenermon sa'kin.
"Susunod po babawi ako." Pulot ko sa mga sertipiko.
"Ang sabihin mo bobo ka talaga!" Duro niya sa'king noo.
"Ang landi mo na nga bobo pa!" Sipa niya na nagpatumba sa'kin.
"Sorry ma, babawi naman ako." Tayo ko.
"Lumayas kana dito, wala ka talagang silbi dagdag palamunin ka!"
Agad akong umakyat ng kwarto at nagkulong. Naghanap rin ako ng lubid at tinali 'to sa isang kahoy.
Inayos ko na ang lahat at ngayon ay nakatungtong ako sa upuan, inilagay ko na rin ang lubid sa'kin leeg.
"Sorry sa lahat mama, mahal na mahal ko kayo." Sipa ko sa upuan.
Dalawang araw nakalipas, naisipan ng ina ni Yshane na icheck ang dalaga sa kan'yang kwarto.
Nakita niya ang kan'yang anak na wala nang buhay.
Sorry kung hindi ka maging proud sa'kin, pagod na rin ako ayoko na.
Sana nga hindi niyo na lang ako naging anak, tama kayo wala akong kwenta at bobo rin ako dahil hindi ko kaya maging top 1.
Ginawa ko naman lahat ma, mahirap bang banggitin ang salitang 'proud ako sayo Yshane' iilang words lang yan hindi mo mabanggit.
Lahat pinapasok ko maging proud lang kayo, sumasali ako sa mga paligsahang nais niyo.
Kaya ako umuuwi ng gabi, nage-extra ako sa mga restaurant para magkaroon ng pera para sa mga pangangailangan ko pero pinagisipan niyo ako ng masama.
Mahal na mahal ko kayo ina, pasensya kung naging pabigat ako sa inyo.
Nag-sisi ang kan'yang ina sa nangyari ngunit huli na ang lahat, hindi na niya mababalik ang buhay ng kan'yang anak na si Yshane.
@Purples_minion