Gloomy sunday

5 1 0
                                    


Ang ganda na ng aking panaginip nang biglang may tumawag sa'kin. Lumingon ako ngunit wala naman akong taong nakita. Bumalik ako sa pagkakahiga. 2am pa lang naman. Nagtataka lang ako bakit ako gigisingin ng ganong oras? Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Bago ako bumalik ng tulog, chineck ko muna phone ko. Pinakinggan ko ang Gloomy Sunday song na sinasabi nilang nakakatakot.

Masaya namang pakinggan. Hindi naman ako natakot. Nung una.

Pero kalaunan ay nag-iba na ang pakiramdam ko. Ngunit patuloy ko parin 'tong pinapakinggan. Pakiramdam ko may nakatitig sa akin agad kong nilibot ng aking mata ang buong kuwarto pero wala akong nakita.

Naramdaman kong may naglalakad patungo sa aking higaan nang marinig ko ang pagkalampag ng bubong. Sa taranta ko, na-ihagis ko ang phone ko upang magtalukbong ng kumot.

"Aezeilaaaaaaah," rinig kong tawag sa akin. Hindi ko 'to pinansin. Baka gawa lang 'to ng mapaglaro kong imahinasyon.

Nagulat ako ng may nagtanggal ng aking kumot na nakatakip sa akin.

"Tulungan mo ako, ate parang awa mo na." Pagmamakaawa ng isang matandang babae sa'kin habang hinihila ang aking paa.

Puro saksak ang kanyang katawan habang isa lang ang kan'yang mata. Ang dugo na galing sa kanyang mata ay naagos papunta sa kan'yang katawan.

Nakita kong may hawak siyang kutsilyo. Bago niya ako saksakin ay hinila niya ako. Pinagsasaksak niya ako at kinuha ang isa kong mata at inilagay niya 'to pamalit sa kaniyang nawawalang mata.

Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit walang nalabas na boses galing sa aking bibig. Hinila niya ako papuntang banyo at doon niya pa dinagdagan ang aking mga saksak sa likod.

"Ganti ko sa'yo yan. Nararapat lang sa tulad mo ang ganyan!" Sigaw sa akin ng matandang babae.

Nagmamakaawa ako sa kanya, pero hindi niya ako tinigilan.

Habol-hininga akong nagising. Mabuti na lang at panaginip 'yon.

Ngunit...

Akala ko lang pala 'yon.

Nakarinig ako ng kalampag.

Biglang tumugtog ang "Gloomy Sunday"

Biglang nanumbalik sa akin ang mga alaala ng aking kapatid—ang matandang babae sa aking panaginip.

Hindi ko sinasadya na patayin siya dahil sa sobrang inggit ko sa kanya.

Nung araw na napatay ko siya, pinapakinggan ko ang kantang Gloomy Sunday.

Mukhang nagsisimula nang muli ang aking panaginip.

@purples_minion

One shot stories(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon