Wala akong magawa kaya nag soundtrip ako sa kwarto ko kahit gabi.~Because it's about your turn~
1,2,3
~How you like that~
~You gon' like that that that that that~~How you like that~
sabay ko sa kanta,hulaan ko kinanta mo yang "how you like that""Marianne kain na tayo baba na!"sigaw sa'kin ni mama.
Ano ba yan ang saya ng soundtrip ko bumaba na ako pero yung soundtrip hindi ko pinatay.
"Anak, may itatanong pala ako," wika ni mama sa'kin.
"Ano yun ma?" Sagot ko habang kumukuha ako ng pagkain.
"Alam mo yung lucid dream?" Tanong sa'kin.
"Opo ma, bakit?"
"Wag ka matutulog ng straight body, mahirap na." Pangaral niya sa'kin.
"Opo ma," Tayo ko nang matapos na ako kumain.
Paakyat na sana ako nang bigla kong masagi ang picture frame namin ni mama.
"Sorry ma, nabasag ko!" Paghingi ko ng paumanhin sa kan'ya
Sabay umakyat na ako pero kinabahan ako, kapag 'may mababasag daw ng hindi sinasadya may mangyayaring hindi maganda'
Magalas-otso na pala patuloy pa rin ako sa pag soundtrip, naalala ko yung usapan namin ni mama.
Gusto kong subukan gawin pero baka mamatay ako kapag ginawa ko yun.
Makalipas ang ilang oras hindi mawala sa isip ko ang lucid dream.
Pinatay ko na ang soundtrip at matutulog na ako.
Alam mo kung ano nakakatawa? Nakapatay na yung 'How you like that' ng BP pero nagpla-play pa rin sa utak ko boses nila.
Naglinis muna ako ng katawan bago matulog para fresh.
Mga 10:30 ako natulog nagdasal muna ako kung sakaling may mangyaring hindi maganda, pero 'wag naman sana.
Mga alas dose tumayo ako at babalik na sana ako ng tulog nang makita ko ang sarili kong katawan na nakahiga.
Akala ko tulog ako? Tulog nga ako pero yung kaluluwa ko gising. Pilit kong bumalik sa katawan ko. Sigaw ako nang sigaw pero walang nakakarinig.
Bumukas ang pinto kaya ang saya ko na makakabalik na ako sa katawan ko.
"Ma, tuloooong pano 'to?" Sigaw ko nang bumukas ang pinto.
Pero iba ang nakita ko.
Isang gwapong lalaki ang nakita ko. Tiningnan ko lang siya at nginitian niya ako.
Familiar mukha niya sa'kin para bang nakita ko na siya. Unti-unti siyang lumapit sa'kin.
"S-sino ho kayo? Utal-utal kong tanong sa kan'yan.
Habang palapit siya ng palapit sa'kin ay atras ako nang atras.
"Ako si Gabriel, hindi ba ako napakilala sayo ng ina mo?" Tanong niya sa'kin
Inilingan ko lang siya bilang sagot ko sa kan'ya, mukha namang mabait siya.
Kaya nginitian ko siya at umupo sa kama ko.
"Huwag kang matakot sa'kin hindi ako nangangain iha." Haplos niya ng pisngi ko.
Nang haplusin niya ang pisngi ko iba ang naramdaman ko, parang nag-ground at kinabahan ako.
Napasimangot ako at iniisip ko pa din kung pa'no ako makakabalik sa katawan ko.
"Oh iha, bakit malungkot ka?" Nag-aalalang tanong niya.
"Ano po kasi iniisip ko kung pa'no ako makakabalik sa katawan ko." Turo ko sa aking katawan na nakahiga sa kama.
"Tutulungan kita iha," Ngiti niya sa'kin.
Pero biglang nag-iba kutob ko nang ngumiti siya.
"Yayakapin kita, yakapin mo din ako para makabalik ka sa katawan mo," Dagdag niya.
Dahan-dahan siyang yumakap sa'kin at niyapos ang kan'yang braso sa'kin.
"Ito ang higanti ko sa inyo ng mama mo!"Bulong niya sa'king tainga.
Naramdaman kong parang may matulis na bagay ang dahan-dahang bumaon sa'kin.
Kaya agad akong sumigaw.
"Mamaaaaaa tulong!!"
----
"Anak, gumising ka!"
Nagising ako at ramdam kong umiiyak ako, agad kong niyakap si mama dahil sa takot.
"Ma, anong nangyari bakit ka nandito?" Tanong ko sa kan'ya.
"Mabuti na lang at binisita kita, narinig kong tinatawag mo ako."
"Ma, sino si Gabriel?" Tanong ko.
"S-si Gabriel? Siya ang a-ama mo nagpakamatay siya, akala niya nung pinagbubuntis kita ay iba ang ama."
"Akala ni Gabriel na pinagpalit ko siya. Kaya niya nagawa magpakamatay, nakita niyang may kasama akong ibang lalaki. Pinsan ko ang kasama ko, hindi man lang nagtanong at ako din ang sinisi ng mga magulang n'ya kaya siya nagpakamatay." Dagdag niya.
"Dinalaw niya ako kanina ma, kaya nagkaganito naghihiganti siya ma!" Sumbong ko sa kan'ya.
"Shhh, I'm here everything will be fine." Yakap sa'kin ni mama.
@purples_minion
