"Isang babae ang natagpuang patay at tadtad ng saksak, iniimbestigahan pa ang sangkot sa krimen na 'to," Bungad ng isang balita nang buksan ko ang telebisyon.
"Kawawa naman yung babae," Turan ng aking asawa na si Andrei.
"Hindi na ako kakain," Tumayo ako para pumunta sa kwarto, sa narinig ko kay naalala ko ang aking nakaraan.
Hinayaan na lang ako ni Andrei na mapagisa. Hindi na rin ako naghapunan, nakatulog ako ng ilang oras.
Alas dose na ng madaling araw, kumuha ako ng jacket at lumabas.
Naisipan kong pumunta sa pinangyarihan ng krimen. Nang ako'y nakarating ay naramdaman ko agad na may tao. Dahan-dahan akong pumasok sa isang abandonadong apartment at nagtago sa gilid ng sofa.
"May tao ba diyan? Lumabas kana wala kang laban sa'kin," ani ko at kinasa ang dala kong baril.
Nakita kong may kutsilyo sa gilid ng sofa, kinuha ko 'to at nanginginig akong lumabas sa pinagtataguan ko.
"B-buhay ka pa?" Gulat na tanong sa'kin.
Hindi ko siya sinagot at agad ko siyang sinugod para siya'y saksakin.
Pero sa kasamaang palad, hindi ko siya nasaksak. Ako ang natamaan ng baril.
Nabitawan ko na ang hawak kong kutsilyo at bumagsak sa sahig. Pinilit ko pa ring tumayo kahit may tama na ako.
"Ano bang kasalanan nagawa ko sa inyo?" Takip ko sa tama ng bala sa tagiliran ko.
"Gusto mong malaman? Ask Elyse." Sabay hinablot niya ang buhok ko.
Kinuha niya ang kutsilyo at akmang isasaksak sa'kin ng bigla siyang napatumba at may sumaksak sa likod niya.
Nakita ko si Elyse, ang nakakatanda kong kapatid.
"B-bakit ka nandito?"
"Katulad mo, gusto ko rin silang patayin." Inakay niya ako patayo.
Pinilit niya akong magpagamot sa hospital pero tinanggihan ko siya, ayoko malaman nila kung sino ako tska na ako magpapakilala kapag nakapaghiganti na ako.
Hinatid ako ni Elyse sa bahay at agad kong ginamot ang sugat ko. Pero nahuli ako ng aking asawa.
"Saan ka galing? Bakit ka may sugat? Ano nangyari?" Sunod-sunod niyang tanong. Sinabi ko lahat ang nangyari.
Tinawagan ko si Ate Elyse para sa gagawin naming plano hindi ako makakapayag na ganun-ganun lang.
Pumunta ako sa Pharmacy para bumili ng bandage para sa sugat ko. Palabas na ako ng may hindi ako inaasahang narinig sa mga lalaking nasa gilid ng Pharmacy, agad akong nagtago.
"Ma'am Elyse, buhay pa si Belle."
"Fuck! Si Elyse," bulong ko.
Kamalasan naman nang natabig ko ang basurahan malapit sa tinataguan ko.
"Sinong nandiyan?" ani ng lalaki at nakarinig ako ng mga yapak na paparating.
Pinikit ko ang mga mata ko at inaasahang makikita ako ng lakaki.
"Meow," Gulat ako nang may isang pusa ang sumulpot sa gilid ng basurahan.
Dali-dali akong umuwi para makapaghanda mamaya, hindi ko inaakala na si Elyse pala ang may pakana nito.
Pumunta ako mag isa sa abandonadong apartment at hinarap silang lahat.
Tinawag ako ni Elyse at sinabi niya ang plano sa'kin. Nauna siyang pumasok at sumunod na ako.
"Dito ka lang muna, magtago ka." Tinanguan ko siya bilang sagot. Tumawag ako ng pulis para back up.
Nagulat ako ng may humablot sa buhok ko.
"Surprise Belle!" Saksak niya sa'kin.
"A-aray! Ano bang ginawa ko sayo?" Saksak niya uli sa'kin.
"Well, inagaw mo lang naman sa'kin si Andrei!"
Nang makakuha ako ng tiyempo agad ko kinuha ang kutsilyo na nasa loob ng jacket ko at sinaksak siya ng ilang beses.
Nabitawan niya ang buhok ko, patakbo na ako pero naharang ako ng mga tauhan niya. May isang lalaki ang pamilyar sa'kin.
"Patayin niyo siya!" Tumayo si Elyse at pumunta sa kwarto upang gamutin ang sugat niya.
Dalawang lalaki ang humawak sa braso ko habang ang dalawang lalaki ay may hawak na matutulis na bagay.
"Masarap ka pa naman, Miss Belle."
Hahalikan niya sana ako nang bigla kong sipain ang maselan niyang parte.
"Aba, lumalaban ka!" Saksak niya sa'kin.
Kanina kinakaya ko pa ang sakit pero ngayon mas dumoble na.
"Hi baby, I love you." Turan ng isang lalaki.
Pamilyar ang boses ng isang lalaki. Nagulat na lang ako ng pinagsasaksak niya ang tatlong lalaki.
Nilapitan niya ako at napagtanto kong si Andrei 'to. Bakit siya nandito?
"I-I love you too, bakit ka nandito?" Yakap ko sa kan'ya.
"Tinawagan ako ni Vanity, sinabi niya ang lahat sa'kin."
"Kami ang papatay sayo!" Sigaw ng pamilyar na boses.
Nakita kong lumabas si Vanity habang hawak ang buhok ni Elyse. Lumapit ako kay Elyse at sinampal 'to ng malakas.
"Mabubulok ka sa kulungan!"
"A-araaay!" Sigaw ko nang may sumaksak sa'kin. Si Elyse nakatakas siya kay Vanity.
"Kumusta Andrei Myloves?" Hinalikan niya si Andrei.
Kahit may tama ako, kinuha ko ang baril at pinaputok 'to sa kan'ya.
"Ang galing mo, hindi ka namin mapatay ni Valierie." Bagsak niya sa sahig.
Saktong pagkabagsak niya ang pagdating ng mga pulis.
"Great job, Miss Belle!"
Kinuha na nila si Elyse. Tinangka nilang akong patayin noon ni Valierie pero si Valierie na ang aking kambal ang napatay ko.
Sinubukan nila akong patayin noon sa pag aakalang inagaw ko si Andrei sa'king kakambal na si Valierie.
Nagkunwari akong patay na para makapaghiganti sa kanila.
@Purples_minion
