Transferees

54 2 0
                                    


"Bilisan mo na 'te!" sigaw sa 'kin ni Ace. Tch. Kung hindi ko lang kayo mga matatalik na kaibigan, matagal na kayong patay.

"Oo na 'to na." sumunod na ako sa kanila dahil mala-late na kami sa bagong school na aming papasukan.

"Ace, chill lang tayo 'wag mainitin ang ulo," saad ni Belle kay Ace.

"A-Aray makabatok naman 'to." napakamot na lang sa ulo si Haeris dahil sa ginawa ni Belle sa kan'ya.

"Basta, stay calm," wika ni Jasmine.

Papasok na kami sa bagong naming papasukan, ang Diamond University. Napangiti ako dahil sa ganda ng eskwelahang 'to habang kami ay naglalakad may nabangga ako.

"Sorry po, hindi ko sinasadya," magalang na saad ko.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan!" sabay tulak sa 'kin

Akmang susugurin ko ang babae nang pigilan ako nila Ace.

"I said, stay calm Kath!" sigaw ni Jasmine, tumingin naman sila sa'kin.

"Okay, fine but I can't help it," nakayuko kong wika.

Pumunta na kami sa aming mga room, baguhan pa lang kami pero usap usapan na ang nangyari kanina, who's that fvcking girl.

"Oh, ayan pala yun!"

"Tapang ni ateng."

"Siya yun? Kinalaban niya ang warfreak ng school."

Sari-saring bulungan ang aking narining, nung una hinayaan ko lang pero nakakarindi na.

"Can you guys, fvcking shut up!" wika ko at umupo sa unahang upuan sabay irap sa kanila.

"Oh! Nice to meet you bitch, what's your name?" tinaasan ko ng kilay ang babaeng nakabangga ko kanina.

"I'm Kate Francisco, and you're?"sabay abot ng kanyang kamay sa 'kin.

"I'm Kath Villafuentes, okay na? Tss." sabay irap ko sa kaniya.

"Do you know who I am? You're a transferree, right? Ako lang naman ang warfreak sa school na 'to kaya walang sino man ang makakatalo sa 'kin!" sigaw ni Kate, sabay umupo sa tabi ko.

"Tss, I don't care who you are," saad ko sa aking sarili.

Nagumpisa na ang klase, warfreak nga ng school tapos kala mo napaka talino saksakin kita d'yan ng ballpen.

We headed to the canteen after the school bell rang.

Nang nasa canteen na ako, hinahanap ko sila Ace agad ko naman silang nakita, bumili na rin kami ng makakain uupo na sana ako para kumain ng biglang–

"Ito lang naman ang babaeng kinakalaban ako." sabay hawak ni Kate sa braso ni Kath habang hinihila siya sa gitna.

"Ano ba bitawan mo 'ko nanahimik na 'ko." pagpupumiglas ni Kath kay Kate sabay sinipa ni Kath si Kate sa binti kaya siya'y napaupo.

"I don't care who you are. Piliin mo ang kinakalaban mo," sigaw ko sa kan'ya, at bumalik sa aking kinauupuan.

"Woooah!"

"Wala ka pala Kate."

"Tara na nawalan na 'ko ng gana," sigaw ko sa kanila, bago pa man kami bumalik sa aming mga room ay nagusap-usap kami para sa gagawing plano mamaya.

Bumalik na kami sa aming mga room at inantay ang uwian.

"After 100 years uwian na rin." lumabas na 'ko ng room at nakita ko na sila Ace nang may humatak sa 'kin sa likod ng school.

"T-Teka sino ka ba?" utal kong saad.

Nakita ko naman sila Ace na sumunod dito at si Kate.

" Wait, who you ar– " gulat kong tanong ng marealize kong si Zach ang pumatay sa aking kuya.

"Ayan ang nararapat sayo, bitch." sabay sampal sa'kin ni Kate.

"Dapat hindi ka na nagpalipat pa dito. Gulo lang idudulot mo!" sigaw ni Zach sa 'kin.

Pinagsasampal at pinagsusuntok ako nilang dalawa, hinayaan ko lang pero sumusobra na. Hindi naman ako masyadong nasaktan sanay na 'ko sa gantong away.

Kinuha ko ang ballpen sa bag ko, sinipa ko si Zach kaya siya ay napaupo at tinali ang kanyang kamay. Habang sila Ace naman ang bahala kay Kate.

"Ikaw ang pumatay sa kuya ko! " sabay sipa sa kanyang ulo.

"Hindi ko sinasadyang patayin ang kuya mo, pakawalan muna 'ko," pagmamakaawa ni Ace ngunit hindi siya pinakinggan ni Kath.

"Wala namang relasyon ang kuya ko tsaka ang girlfriend mo kaso pinairal mo 'yung selos mo at napatay mo ang aking kuya."

"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kuya ko!" sabay saksak ko sa kaniya ng ballpen sa kanyang mata.

"Tama na hindi ka ba naaawa?!" sigaw ni Kate.

Hindi siya pinakinggan ni Kath, pinagsisipa at pinagsusuntok niya ito hanggang sa mawalan ng malay.

"Tigilan niyo na 'to. Sorry na please," pagmamakaawa ni Kate sa kanila, puro pasa at sugat na si Kate.

"Piliin mo kinakalaban mo, binalaan na kita!" sigaw ni Kath sabay sinampal niya ng malakas si Kate.

Kumuha ng gunting si Kath, dahan dahan niya 'tong binaon sa braso ni Kate.

"Sorry Kath, please forgive me." hindi niya 'to pinansin at sinaksak niya si Kate sa tiyan, sabay pinagsisipa niya 'to.

"Sorry, but I can't forgive you." pinagsasampal at sinaksak pa sa ibang parte ng katawan hanggang sa mawalan ng malay si Kate.

"Good job Kath," masayang saad ni Ace.

"Umuwi na tayo kanina pa 'ko naiinip," wika ni Haeris.

"Tara na!" sabi ni Belle at Jasmine.

Pauwi na sila habang naglalakad sila ay naguusap-usap.

"Bitin ako sa ginawa ko sa kanila." napailing na lang sila sa 'kin sabay tawa.

Nangangiting umuwi ang mga magkakaibigan na parang walang nangyari.

@purples_minion

One shot stories(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon