Brother

10 1 0
                                    


Nandito kami sa parke mag aalas-syete na rin ng gabi,kaya naisipan kong yayain na umuwi si Erica.

Pinigilan ako ni Erica maglakad."Teka,Shaira gala muna tayo maaga pa naman,"

"Lah,anong oras na kaya magdidilim na delikado na rin,"sagot
ko sa kanya.

Hindi ako pumayag na gumala kami dahil gabi na delikado na rin.

Lalo't nauuso ang rape sa mga panahon na ito kaya kailangan mag-ingat kaming dalawa ni Erica.

Pauwi na ako nang may madaanan akong mga tambay,ramdam ko sa bawat paglakad ko ay tinititigan nila ako.

Kaya nagmadali akong maglakad upang makarating na sa bahay.

Sabi nila "Kaming mga babae wag masyado magsuot ng mga revealing na damit para hindi marape,"Bakit ako kanina?naka pantalon at naka T-shirt ako pero grabe ang tingin nila sa'kin.

Hindi ko na muling inisip yun at nagpahinga na lang ako.

----

Kinabukasan,maaga akong nagising para maglinis ng bahay pagkatapos ko maglinis ng bahay naligo na rin ako.

Magpapahinga na sana ako nang biglang dumating si Erica.Wala akong natatandaan na aalis kami ngayong araw.

"Shai!tara gala tayo maaga pa naman oh!"masaya niyang saad sa'kin.

"Ano naman,ayoko nga baka kung ano pa mangyari sa'tin,"sagot ko sa kan'ya na may pag-aalinlangan.

"Dali na bes,treat ko!"saad nya sakin nang nakangiti.

"Ay,joke lang yun ano ba sige game ako!"sagot ko sa kan'ya.

Sino bang hindi tatanggi?treat yun minsan lang mangtreat si Erica kaya sulitin na.

Umalis kami ni Erica nag-paalam mo na ako kay mama,pinayagan naman ako 'wag lang daw magpapagabi.

Pumunta kami ng national bookstore ni Erica nilibre niya ako ng libro.

Kumain din kami,libre niya lahat.

Pero may kanina pa akong napapansin na may sumusunod sa'min ni Erica.

"Bes,bakit parang hindi ka mapakali?"tanong ni Erica sa'kin.

"Bes,kase parang may sumusunod sa'tin kanina pa,"bulong ko sa kan'ya.

Kaya nagmadali na kaming sumakay para makauwi na pero nasundan pa din kami nung lalaki.

Agad kaming bumaba nagmamadali kaming maglakad at ang malas may mga tambay kaming madadaanan.

Iba ang kutob kanina pa ako kinakabahan.

Nahulog sa supot yung mga binili ni Erica,saktong sa tapat ng mga tambay nahulog 'to.

"Ano ba yan bes hindi ka nag-iingat tara na nga!"wika ko habang tinutulungan siyang damputin mga binili niya.

At yung lalaking kanina pa sumusunod sa'min,nasa likod ko na pala may tinakip siya sakin na panyo at agad dumilim ang paningin ko.

Nagising ako na nasa isang madilim na kwarto at nakatali sa upuan.

Nilibot ko ang mga mata ko upang hanapin si Erica pero hindi ko siya nakita.

"Tulong may tao po ba dyan!"sigaw ko.

"Erica asan ka?!"sigaw kong muli.

"Oh,gising kana pala,"wika ng hindi ko kilalang boses.Sabay lumabas sa isang pinto,lumapit siya at hinawakan ang mukha ko.

"Kaibigan mo?nasa kabilang kwarto,"sagot niyang muli sa'kin.

"S-sino ka pakawalan mo ako!"sigaw kong muli.

One shot stories(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon