Maling hatol

4 1 0
                                    


Masaya naman kami ni mama ngunit kulang, hinahanap ko pa rin si papa kung nasaan ba siya?bakit ang tagal niya?

Huli ko siyang nakita ay anim na taong gulang ako. Ngayon ay katorse na ako walong taon ko siyang inaantay na umuwi.

Tuwing gabi lagi akong nasa pintuan ako, nakaupo at nagbabaka-sakali na baka umuwi na siya.

"Ma, nasaan ba si papa?" Tanong ko sa kan'ya.

"Nasa abroad yun nak, nagtra-trabaho para sa'tin." Sagot niya sa'kin.

"Pero ma,bakit hindi siya nagpa-padala sa'tin?alam niya bang nanghi-hirap tayo dito? Tanong kong muli sa kan'ya.

Ngunit nagtataka ako, kung nasa abroad siya?bakit halos wala na kaming makain?kung minsan nga ay asin o toyo ang aming ulam.

----

Mas naghirap kami lalo na ngayong lock down hindi alam ni mama, kung sa'n kukuha ng makakain namin.

Nung lumabas ako para magtapon ng basura, may dalawang babae ang nagbulungan.

Narinig ko na "Hindi ba?ayan yung anak ng nagnakaw nang pera sa isang mansyon?" Bulong nang babaeng nakapula sa isa niyang kasama.

Ako?anak ng magnanakaw?bakit hindi ko alam?curious ako kung bakit gano'n ang sinabi sa'kin.

Nagta-tapon ako nang basura, para kumita. Yung perang naipin ko ay pang kain namin.

Tinanong ko uli si mama kung bakit gano'n ang sabi sa'kin, pero ang sabi naman ni mama ay 'wag ko daw pansinin.

Lumabas uli ako para makahanap nang mapagkaka-kitaan, may isang matandang babae na may kasamang dalagang bata ang nakita ko.

Narinig kong nagbulungan at gano'n din ang sinabi sa'kin. Kaya agad ko silang nilapitan at tinanong.

"Mawalang galang na ho, ano hong anak ng magnanakaw?ako?" Tanong ko sa matandang babae.

"Hindi ikaw yun iha, sige mauuna na kami." Pagpa-paalam sa'kin.

Palakad na ako nang may isang babae ang humawak sa aking braso.

"Gusto mo ba malaman ang lahat?"tanong sa'kin ng isang dalaga. Tinanguan ko naman siya.

"Ako nga pala si Rowen, alam kong hinahanap mo ang papa mo." Panimula niya.

"Oho, tama kayo."

"Ang papa mo ay nakakulong napagbintangan siyang nagnakaw, pinagbataan siyang papatayin ang pamilya niya kapag hindi siya sumunod sa kasunduan." Pagpa-patuloy niya.

Nagulat ako sa sinabi niya, simula bata ako ang alam ko nasa abroad siya nagtra-trabaho para sa'min. Ngunit nasa kulong siya nagdudusa ang kasalanang hindi niya naman ginawa.

"Sige mauuna na ako, kapatid ako nang papa mo sinabi niya sa'kin lahat." Pagpa-paalam niya.

Simula nang sinabi sa'kin ni Ate Rowen ang lahat, pinangarap ko nang maging isang Abogado para balang-araw mapaglaban ko ang kaso ni papa.

-Fast Forward-

Akala ko makakapagtapos ako ng pag-aaral, hindi pala dahil sa kakapusan sa pera hindi ako nakapag college.

May isang lawyer ang nag-alok nang tulong kaya hindi ko na siya tinanggihan pa.

Nakita ko na si papa, ang tanda na niya gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede.

Naghayag si papa tungkol sa nangyari.

Sa bawat pahayag niya, alam kong mananalo siya. Sana makapili namin siyang muli.

"Sebastian Sanchez was proven guilty with Robbery." Saan ng Judge. Ikinagulat ko 'to akala ko mapapanalo ang kaso.

"Members of this jury, this Court dismisses you and thanks for a job well done." Wika muli ng Judge.

Natulala ako sa nalaman ko, akala ko makakapiling na namin siyang muli.

Nagkamali ako, natalo kami dahil mayaman ang kalaban namin mahirap lang kami.

Binayaran ng kalaban namin ang Atty. nila nagsinungaling sila.

Gumawa din sila ng ibang ebedensya laban sa ama ko.

Iba talaga nagagawa ng pera.

Robbery is the crime of taking or attempting to take anything of value by force, threat of force, or by putting the victim in fear.

@purples_minion

One shot stories(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon