Ako nga pala si Izaiyannah. You can call me Yannah. May kwento ako, storya gano'n.Kumalat sa buong room namin na may nagugustuhan ang muse namin. Maganda, matalino at talented.
Bigla na lang nagingay ang mga kaklase ko. Dumaan daw kasi ang crush ng muse namin.
When I looked outside, one guy caught my attention. He's wearing a red hoody jacket tapos may bitbit na bag na halatang may kagaanan, in short, walang laman.
Tama nga ako. Siya yung crush ng muse namin. May itsura din kasi.
Naging malapit sa mga kaibigan kong si Heurt at Kinsley si Kaixerus. Yep, Kaixerus is his name.
Oo, may itsura siya. Pero mailap ako sa tao 'saka hindi ko din trip na makisalamuha sa kaniya.
Pinilit ako ng mga kaibigan ko makipagkilala kay Kaixerus. Mukha namang mabait, so why not give it a try?
Kinagabihan, I opened my facebook account and searched your name. Then I sent you a message. Natatawa pa nga ako sa sinabi ko sayo.
"Hi! Ikaw po ba yung crush ni Hanna?" that's what I sent. Hanna ang pangalan ng muse namin.
Medyo natatawa at kinabahan ako no'n. Akala ko hindi mo ako re-replyan.
"Opo, ako nga po hehe," you replied.
"Ah, okay po," wala akong mareply kaya ganyan.
----
Sine no'n at hindi ako sumama. Tamad kasi ako, pake mo? Kidding. May handaan kasi sa'min kaya hindi ako nakasama.
Ngunit nakasalubong kita sa daan. Nagkagulatan pa nga tayo. Alam kong naiilang ka din. Pero actually, swerte mo sa part na in-approach kita.
Maikli lang ang paguusap natin. Tinanong kita kung sa'n ka pupunta.
"Sa bahay ng kaibigan ko. Sabay kaming pupunta ng sine," sagot mo.
Natanong mo rin kung bakit hindi ako sumama sa sine?
I just answered, "May handaan sa'min."
Natapos na ang paguusap nating maikli lang. Hindi ako approachable na tao kaya sa chat ko na sinabi ang mga katagang "Ingat". Ang akward kasi 'tsaka cold akong tao.
Ewan ko ba kung ano naisipan mo at sumabay ka sa'min ng mga kaibigan ko. Crush mo siguro ako kaya ganun. Kidding.
May time rin na sumasabay ka samin pauwi.
Nang nagkaroon ng pagkakataon na magchat tayo, ang daldal mo nun sobra. Kaya nahawaan ako at napadaldal na rin.
One time, uwian no'n at kasabay ka namin. Nagulat ako kasi pinapauna mo sila Heurt. Nagpahuli tayo. Siguro para itanong ang,
"Sino crush mo?"
Sobranh nagulat ako no'n dahil hindi ko ine-expect na tatanungin mo ako ng gan'on.
"Ikaw."
Sa sobrang taranta ko iyan ang nasabi ko. Ang harot mo rin kasi no'n.
Actually, hindi naman talaga kita gusto no'n. Bestfriend lang talaga ang turing ko sayo.
Ngunit yung ngiti mo abot hanggang tenga -ngiting aso kumbaga.
Tuwang-tuwa ka no'n, parang nanalo sa lotto.
Sa sobrang tuwa mo, hindi ko na binawi pa ang aking sagot.
Hating gabi, nagchat uli tayo. Para kang timang na tuwang-tuwa.Then the next thing I knew, umamin ka.
Nagulat ako, syempre. Paulit-ulit kita tinanong no'n kung sigurado ka ba.Gusto ka ng muse namin tapos sakin ka magkakagusto?
Wtf, naka-drugs ka ba?
Paiba-iba mood ko, makulit ako 'tsaka hindi kagandahan. Tapos sa akin ka nagka-gusto?
Hindi talaga mag-sink in sa utak ko na ako talaga ang gusto mo. Para ka talagang nakashabu p're.
Tapos tinatawanan mo pa 'ko kasi paulit-ulit kong tinanong kung ako ba talaga gusto mo. At sumagot ka naman ng 'oo' kaya na convince ako.
I treated you as my bestfriend. Madalas kang sumasama sa gala at practice namin.
Feeling close ka pre? char
Lagi kitang kachat after ng school. Sobrang tagal na natin mag-usap. Minsan nga hindi natin namamalayan ang oras.
Sumama ka samin sa gala. Ikaw, ako, si Heurt, Kinsley, yung dalawang ex crush ko na si Visco at si Cholo.
Panes may ex crush ako, ikaw ilan ex crush mo? char.
Napadaan tayo sa bahay ni Hanna, yung nagkakagusto sayo. Tapos inasar ka ng isang bakla na taga-roon. Ang sabi ko wag mo nang patulan. Pero inasar ka uli kaya pikon na pikon kana. Kaya sa huli, nauwi sa sapakan.
Ang kulit mong bata ka hindi ka nakikinig sa future mo.
Nagtalo tayo, ayaw mo kasi makinig sa future mo kaya ayun, nasigawan kita. Nagwalk-out at umuwi ako mag-isa no'n. Na-guilty ako no'n pero hinayaan ko na lang.
Pero nagkabati tayo agad. Hindi mo ako natiis. Marupok ka kasi.
Sumama ka uli sa gala namin. Nakikipagharutan ka pa sa iba.
Alam kong close kayo pero nakaramdam ako ng selos. Hindi ko alam kung bakit.
Umakyat ako sa puno no'n tapos sumunod ka. Sabi ko 'wag kana sumunod pero makulit ka. Tinanong mo ako kung bakit ako nasa puno. Hanggang sa ayun, napaamin mo ako na nagse-selos ako.
Nagpaliwanag ka sa'kin no'n kaya naging okay na tayo.
Culminating party, ikaw ang first at last dance ko. Ang saya nun.
Masaya na sana kaso kuhaan nun ng card for the school year, bigla mong sinabi sakin na lilipat na kayo.
Kahit hindi ko tanggap, ayos lang. Kailangan tanggapin. Para naman 'yon sa ikakabuti mo.
-- Fast Forward --
Nakalipat na kayo. May communication pa din tayo, masaya pa rin. Binigay mo pa nga sa'kin yung account mo.
Hindi ko naman talaga bubuksan ngunit may nagtulak sa'kin na buksan ang account mo. May isang message dun nakaagaw ng pansin ko. Binuksan ko yun. Nakita ko ang sweet niyo.
Tinanong ko kung sino si Amulet.
"Kaibigan ko lang 'yon."
Napaisip ako. Kaibigan lang ba talaga?
Hindi niya ba naaalala na ganun rin kami dati?
Lumipas ang mga araw nang malaman kong nililigawan siya ni Amulet.
May itsura si Kaixerus kaya babae na ang mga lumalapit sa kanya.
Inistalk ko si Amulet. Maganda siya. Mabait naman kaya sinupportahan kita.
Hindi ko inisip feelings ko para sa'yo. Ang inisip ko ay ang feelings mo, ang kasiyahan mo.
Sinuportahan kita kahit na nasasaktan ako.
Narito ako lagi 'pag sinasaktan ka niya. Lagi kitang pinapakinggan kapag may problema ka.
Nagtiwala ako na aantayin mo ako. Alam mo ang daya mo. Sa bawat sulok ng bahay namin may memories natin.
Ilang beses mo akong ni-ligawan pero nireject kita. Bawal pa kasi ako at alam mo yun.
Lagi kong naririnig ang kantang 'Unloving You'. At sa bawat liriko ng kanta na 'yon ay sapul na sapul ako.
Wala na. Nasa iba kana.
Para sa'kin ikaw na ang tamang tao. Thanks for being a part of my life.
What if... I broke my parents rule just to have you? Meron kayang tayo ngayon?
You know what? Unloving you is the hardest thing to do.
@purples_minion
![](https://img.wattpad.com/cover/243307927-288-k888190.jpg)