Phone swap

3 1 0
                                    


*Ringing*

Rinig kong tunong ng aking phone.

"Wtf! Where's my phone?!"reklamo ko.

Nang mapansin kong wala na naman ang phone ko sa bag.

Tinignan ko sila Gale, mga tropa ko. Pero wala sa kanila ang sumagot kaya nilapitan ko isa sa kanila.

"Where's my fvcking phone?" Hampas ko sa desk ni Yhana.

"Alex pasensya na, hindi mo kasi ako napansin kanina eh." Kamot batok nitong sabi.

Tiningnan ko siya ng masama at kinuha sa kan'ya yung phone.

Bumalik na ako sa upuan ko para tingnan kung sino yung tumawag.

'Unknown Number' naman name yung tumawag kaya nilapag ko 'to sandali. Pero pag balik ko, wala na naman.

"Sa'n na naman yung phone ko? Paki balik!" Iritado kong sigaw.

"Pupunuin niyo na naman storage nyan!" Pahabol ko.

Natawa naman yung mga kaklase ko kaya tinignan ko sila ng masama.

"Ibalik niyo na raw phone ni Alex"
"Kawawa naman oh"
"Bigay niyo na baka umiyak na"

Mga iilang komento nila, nag-antay ako kung sino ang tumayo sa kanila.

"Tangina! Sa inyo na phone ko, tutal puro mukha niyo nandyan!" Sigaw ko.

Nakita kong tumayo si Ken na dala dala ang phone ko. Shit! crush ko pala, napahiya ako dun. Kainin muna ako lupa now na.

"Ayan na Baby Alex este Alex kanina ka pa sigaw nang sigaw!" Hagis sa'kin ng phone. Mabuti na lang at nasalo ko 'to.

"Gago anong baby ka dyan? Sampalin kita dyan, hindi ka nagpapaalam!" Bulyaw ko.

"Ayieeeee"
"Nag aaway yung mag asawa wag kayo magulo"
"Baby daw oh?"
"Kailan kasal?"

Pang aasar nila, ramdam ko na yung pisngi ko ay nag iinit.

Hindi ko na sila pinansin at agad kong tiningnan yung phone ko, baka puno na naman ng picture nila 'tong gallery ko.

'Incorrect password' Shit ba't ayaw mag log in ng password?

Akin naman 'to ah? ako wallpaper e. Pero iba 'to.

Ilang ulit ko sinubukan ang password. Sinubukan kong 'Baby Alex' ang itype. Success nag bukas.

Tiningnan ko ang gallery ko, pero nagtaka ako. Kitang-kita ko na puno ng pic ko yung isang album.

At nakita ko picture ni Ken, nagkapalit kami ng phone.

"A-ah K-" Tatayo na sana ako pero nasa harapan ko na pala siya.

"Alex nagkapalit tayo." Hablot n'ya sa'kin ng phone.

Ibinalik na sa'kin phone ko. Aalis na sana siya ng magsalita ako.

"B-bakit p-puno ko ng picture yan?" Utal-utal kong tanong.

"W-wala y-yan yung kapatid ko kase gusto lagi nakikita picture mo kaya ko sinasave mga picture mo." Paliwanag n'ya.

Hindi ako kumbinsido sa sinagot niya dahil kita kong namumula tenga niya.

"Wag kang torpe pre!" Sigaw ni Brian sa kan'ya.

"Uh?Alex Friano I like you."

"Ha?" Tulala kong sagot.

"I like you baby."

"Fvck! like you too." Nagtatalon kong sagot.

"Yieeee sanaol"
"Lampooooo"
"Ew, sakit niyo sa eyes"

Iba-iba nilang komento.

"Papakilala na kita mamaya kay mama."

Hindi ko na siya sinagot at namumula na pisngi ko sa sobrang kilig.

Nang dahil sa phone ay nalaman kong crush rin ako ni Ken.

@purples_minion

One shot stories(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon